CHAPTER 6

3.5K 77 6
                                    

"ANGEL, look." Kinalabit siya ni Anne sa braso.
Nang lingonin niya ito ay nakanguso ang kaibigan sa dulo ng corridor.

Agad namang nasundan ni Angeli ang
inginunguso ng kaibigan. Nasa dulo ng corridor si Charles at kausap si Cathy Burgos, ang girlfriend nito. Senior din ito pero nasa ibang section.

"O, eh, ano naman ngayon?" pairap niyang sabi.

"Manood ka lang," sagot nito, nakangiting
nakatitig pa rin sa dulo ng corridor.

Ibinalik niya ang tingin kina Charles at Cathy.
Nakita niya kung paano inabot nito ang kamay
ni Cathy, and squeezed it gently. Pagkatapos ay kinabig nito ang girlfriend at hinalikan ito sa mga labi. Panakaw ang halik. And was over so soon. And Angeli knew that both would be in trouble should one of the teachers happened by.

Pero napuna niyang kasabay ng panakaw na halik ni Charles sa girlfriend ay tumuon ang mga mata nito sa kanya. As if the kiss was just for a show.

Was Charles aware that she was watching?

Sadya ba nitong ipinakikita sa kanya ang ginawa nitong paghalik sa girlfriend o ang dahilan kaya iglap lang ang halikan ng mga ito dahil napuna nitong naroroon sila ni Anne?

Whichever, she hated him more. Hindi na nahiya ang lalaking iyon. May mangilan-ngilan pa namang estudyante sa corridor na nagkunwang hindi napupuna ang mga ito. At kung nagkataong may teacher na nakakita ay malamang na na-principal na naman ito. Hindi na ito nadala, graduating pannaman.

"Ang lakas ng loob na maghalikan sa publiko,"
paismid niyang komento at nagpatiuna nang
pumasok sa room nila. Ten minutes silang napaaga ng dating sa first subject. "Lagot lang sila kapagnnahuli sila ng mga teachers."

"Lagi namang ganyan ang mga iyan, eh," susog naman ni Anne. "Hindi ko ma-imagine kaming dalawa ni Christian na magki-kiss sa public. No matter how brief."

"To be honest with "Tinapik niya sa balikat
ang kaibigan "sa lahat ng senior girls dito sa
campus, ang Cathy lang na iyan ang hindi ko talaga gusto."

Natawa si Anne doon. "The feeling is mutual,
'di ba? Pareho n'yo namang hindi gusto ang isa't isa. Ipinangangaladakan ni Cathy iyon, eh. You're all beauty lang daw."

Hindi siya sumagot dahil narinig na niya ang
sinabing iyon ni Cathy. Hindi niya ito pinatulan. In fact, pinagtawanan lang niya iyon. Ang sabi niya ay insecurity iyon sa bahagi ni Cathy. She was a threat to her. Dahil mas popular siya sa boys kaysa rito.

Mula sa ibang escuelahan si Cathy at nag-transfer sa SIC last year. Una pa lang niya itong makita ay natitiyak na niyang hindi niya ito magiging kaibigan. At alam niyang ganoon din ito sa kanya. Cathy was beautiful, mestiza at may mamula-mulang buhok na hindi ginamitan ng dye. She wore her uniform one size smaller to emphasize her curvaceous body.

Bukod sa maganda ay matalino ito. Topnotcher
sa klase at bagaman transferee ay natitiyak niyang makakakuha ito ng honor sa graduation. And she was also this year's runner-up sa Miss SIC Beauty Contest.

Kahit kailan ay hindi naman sinalihan ni Angeli ang prestigious beauty contest na iyon ng SIC sa kabila ng panghihikayat ng ilang high school teachers. Hindi niya type ang anumang beauty contest. Besides, she was even popular than the Miss SIC winner last year-a junior student from college department.

At laging ipinagmamayabang ni Cathy na hindi
man lang honor student si Angeli (lahat ay dahil lang sa History at Math na iyan!) Pero hindi naman siya bobita na tulad ng ipinahihiwatig nito. Kinasusuklaman marahil ni Cathy na kahit ito ang kausap ng mga boys ay hindi maaaring hindi siya sipulan at lingonin kapag nagdaraan siya. Na hindi naman niya pinagmamaramutang gantihan ng ngiti.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now