CHAPTER 2

4.7K 83 8
                                    

"MOMMY!"

Tumatakbong bumaba ng hagdan si Angeli.
Tuloy-tuloy siya sa kusina.

"Mommy!" tawag niya uli. Ngunit wala roon
ang ina. "Mom?" sumigaw na siya sa buong
kabahayan. Ang totoo ay naiwan na siya ng school bus, tinanghali siya ng gising. At nagsuhestiyon naman ang ina na ito na mismo ang maghahatid sa kanya sa school dahil papasok na rin naman ito.

May malaking beauty shop/boutique ang
mommy niya sa Trinidad. When her father died of a heart attack three years ago, the insurance her mother received enabled her to put up the business. In actuality, siya ang may ideya na iyon ang gawing negosyo nila.

"Lupe," aniya sa katulong na naabutan niyang
naglalaba sa laundry area. "Nasaan ba si Mommy?"

"Kausap ang Tita Fernie mo."

Napaikot ang mga mata ni Angeli. Agad niyang tinalikuran ang katulong at nagtungo sa likod.
Habang lumalabas patungo sa likod-bahay ay
sinisermunan niya ang ina sa isipan. Kausap ni
Veronica sa kabilang bakod si Fernie, and mama ni Charles. Kataka-takang nasa bahay ang Tita Fernie niya. Mas na lagi itong wala kahit noon pa mang mga bata pa sila ni Charles.

Kunsabagay, ang papa ni Charles ay bibihira din naman niyang makita. Minsan ay itinanong niya sa mga magulang kung bakit madalang umuwi ang papa ni Charles. Ang sabi ng daddy niya noong nabubuhay pa ito ay dahil sa ibang bansa ito nagtatrabaho.

As a kid, she remembered asking Charles why
she seldom saw his father. Nagkikibit lamang ito ng mga balikat at iniiba ang usapan. Hanggang sa nang tumagal ay hindi na niya napagkikita ang ama ni Charles. At nitong huli, kahit ang mama nito ay bibihira na ring umuwi.

"Oh, hi, Angeli," bati agad sa kanya ni Fernie
nang matanaw siyang palapit. Nakapahinga ang mga braso nito sa pader na naghihiwalay sa kani-kanilang mga bakuran.

"Morning, Tita," ganting-bati niya, ngunit agad
na hinarap ang ina. "Mom, I'll be late."

"I'm ready," ani Veronica. "Actually, ikaw na
lang ang hinihintay ko."

Tatalikod na sana siyang muli pabalik sa bahay
nila nang marinig ang tinig ni Charles na lumalabas mula sa screen door sa kusina.

"Ma, aalis na ako. Hindi mo pa ibinibigay ang
allowance ko."

Napatingin si Angeli rito. Nakagayak na rin
ito sa pagpasok. Kung 'gayak' ngang matatawag ang ayos nito. Ang may kahabaang buhok ay tila pinamungaran ng mga ibon. T-shirt na may print ng mukha ni Kurt Cobain ang suot, habang ang polo-uniform ay nakasampay sa balikat. Na hindi rin naman nito isinusuot kahit na nasa loob na ito ng campus.

Hindi niya alam kung paano ito pinalulusot ng
security guard sa campus gayong hindi naman ito naka-properly uniform. At ang tanging dala lamang ay isang nakatuping notebook na nakasuksok sa likod ng pantalon. At duda pa nga siya kung may naisusulat ito sa notebook na dala. Pero alam niyang matalino si Charles kung pagbubutihin lang ang pag-aaral.

Sandaling nagtama ang tingin nila. There was
insolence in his dark brown eyes as he looked at her. Daring her to comment on his attire.
Siya na rin ang naunang nagbawi ng tingin.

"Let's go, Mom."

"Charlie, bakit hindi ka na sumabay, ihahatid ko na rin naman si Angeli sa school."

"Mom." Agad niyang pinisil sa braso ang ina.
Hindi niya gustong makasabay si Charles. Tiyak na masisira lang ang umaga niya.

"Thank you na lang, Tita," wika nito. "May
kaibigan kasi akong dadaanan," sagot ni Charles, na siya namang ikinagaan ng kanyang dibdib.

"You two used to do everything together," ani
Veronica na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Charles. "What happened?"

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now