CHAPTER 10

3.3K 76 13
                                    

KASALUKUYANG nag-aalmusal si Angeli nang
ay bumungad sa dining room si Charles. Nakapaligo at nakabihis na ito. Ang may kahabaang buhok nakasuklay patalikod.

"Morning," bati nito habang ibinubutones ang
uniporme. Hinila ang silya at umupo.

"M-morning," she said, her eyes focused on her food, her heart started to pound violently.

Dahil nga nakainom ito kagabi ay inaasahan niyang tanghali na itong magigising at nasa SIC na siya sa sandaling makababa ito. Hindi siya nakahanda sa maagang paghaharap nila.
"Thanks, Diding," wika nito nang salinan ng
nakababatang katulong ng kape ang tasa nito.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Diding dito bago muling bumalik sa kusina.

Angeli rolled her eyes. Bukod sa madaldal ay
alembong ang katulong nilang iyon.

Malayong kamag-anak ni Lupe si Diding at kinuha iyon ng mommy niya nang mamatay ang daddy niya upang may makasama at makatulong si Lupe dahil buong panahon ni Veronica ay ginugugol nito sa beauty shop.

"Danggit, itlog na pula, kamatis at sinangag.
Sarap!" Dinampot nito ang isang pritong danggit at isinubo, enjoying the crunch as he chewed it with gusto.

Inabot ni Angeli ang baso ng tubig at uminom.
Bahagya lang sinulyapan si Charles. Ang kaba sa dibdib ay hindi pa rin maalis. He seemed relax and casual. Hin'di ba nito naalala ang nangyari sa kanila kagabi?

Nang masulyapan niya na pababa sa hagdanan ang ina. Bihis na ito at paalis na pero nang masulyapan si Charles ay lumakad patungo sandining room.

"Hindi ko namalayan ang pag-uwi mo kagabi,
Charles," wika ni Veronica. "Anong oras ka na
nakauwi? Sino ang nagbukas ng pinto sa iyo? Si Lupe ba o si Diding?"

Sandaling nagkasalubong ang mga mata nina
Angeli at Charles. May kung ilang beses niyang nakitang lumunok at tumikhim si Charles. Hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Eh, Mommy, gising pa ako nang dumating si
Charles," she said. At least she wasn't lying. Bahala na ang mommy niyang mag-isip mula roon.

Tumango si Veronica. At tama si Angeli, inisip
ng mommy niya na siya ang nagbukas ng pinto kay Charles.
"O siya, mauna na ako sa inyo at may customer
akong nagpa-appointment nang maaga sa parlor ngayon."

"That's very clever," Charles said when her
mother was out of earshot. "Thanks anyway."

"We're even now."

He smiled faintly. "Sorry about last night," wika
nito. Napasinghap si Angeli, ngunit bago pa muling mabuo ang kaba sa dibdib ay nagpatuloy si Charles. "Hindi ko natanggihan si Sam nang alukin akong uminom... Hindi ko na nga matandaan kung paano akong nakapasok sa silid ko, eh. Perhaps I crawled to my bedroom..."

Unti-unti ang pagpapakawala niya ng paghinga. So he didn't remember what happened last night. Nakalusot na siya. Dapat na niyang ibahin ang usapan. But something nagged at her mind. At hindi niya magawang ipagpaliban.

"N-nagising ako ng ingay sa pagpasok mo sa
bintana..." she said, testing the water.
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa.

"Really?" Charles said flatly. Ipinagpatuloy ang
pagkain.

"You're only nineteen, hindi ka dapat uminom.
Sana'y huwag mo nang ulitin."

He shrugged his shoulders. "Hindi ko maiwasan. Nag-break kami ni Cathy kagabi."

Muli siyang humugot ng marahang paghinga.
So it was true. Napangiti siya nang lihim. Ikinasisiya niya ang balitang iyon kagabi pa.
"Ano bang dala ng hangin at parang in ngayon
ang break-ups?"

SWEETHEART 12: Charles' AngelHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin