CHAPTER 19

3.6K 81 2
                                    

KUMANAN si Angeli sa halip na kumaliwa
pabalik sa subdivision. Magtataka ang mommy niya hindi lang sa ayos niya kundi ang biglaan niyang pagbabalik kung uuwi siya sa kanila.
Sa kalagayan niya ngayon ay hindi niya kayang
harapin ang ina. Paano niya aaminin ditong sa
nakalipas na maraming taon ay inalagaan niya sa puso niya si Charles?

She couldn't take pity from her mother and
friend. Kahit siya ay gustong mahabag sa sarili.
Hindi niya akalaing ang batang damdamin ay
nanatili sa puso niya, nakatago. Now, it resurfaced with a vengeance. She loved him so dearly.

Tanging respeto sa sarili at moralidad ang
nagpangyari upang maawat niya sa tamang sandali ang pagkakaloob niya ng katawan dito.

Damn him! Ginawa na naman nito ang ginawa
sa kanya sa nakalipas na siyam na taon. Seducing her. Pinaglalaruan nito ang kahinaan niya, The man had no seruple! Kasama nila ang asawa at anak nito sa lugar na iyon.

Blinded by tears she kept on driving. She knew
the road by heart, It was a short cut to the main road to Manila, Magtataka marahil ang mommy niya. Ipauubaya niya kay Charles ang pagpapaliwanag.

Kahit paano ay nakadarama siya ng kasiyahan
doon, wondering what he would say to her mother. Lalo na sa asawa nito, She would talk to her mother when she was ready.

PASADO alas-dose ng hatinggabi nang makarating si Angeli sa condominium niya, Tired and weary.And with a heart that wasn't just broken but shattered to pieces.

Bumibingi sa kanya ang tunog ng telepono.
Hindi niya gustong sagutin iyon. It could be her mother. Pagkatapos ng six rings ay maririnig na niya ang tinig ng ina. At hindi pa niya kayang makipag-usap dito.
Hinila niya mula sa socket ang cord ng Telepono at ang answering machine.

Pagkatapos ay naghubad siya ng damit at
pumasok sa banyo at naghanda ng hot water sa tub. Tinimpla iyon at nang mapuno ay nilagyan ng bath salt, Inilubog niya ang sarili roon.

Her arms and legs muscles were aching from a long drive. But the ache in her heart was more than shencould bear. Silent tears ran down her cheeks.nHumalo iyon sa tubig sa bathtub.

Kung kaya lang niyang patayin ang damdamin
niya sa sandaling iyon tulad ng kung paano
pinapatay ang tubig sa gripo ay ginawa na niya.

She would have stayed in the tub forever. But
she wasn't suicidal. There was more to life than
loving one man. One damn unworthy man! Pain would soon go. Walang hindi napaghihilom ang panahon.

Yeah. She smiled ironically at her own thoughts.bNine years had passed, nalimot ba niya si Charles?

Only because she didn't acknowledge her own
feelings in the past years. Itinago niya iyon. Sa
susunod na mga araw, she would start dating as ifnthere were no tomorrows.

Umahon siya at pinatuyo ang sarili. Mula sa
medicine cabinet ay kumuha siya ng dalawang
sleeping pills.Nagsalin ng tubig sa sa baso, and
swallowed the pills.

That made her sleep.

ALAS-DIES ng umaga nang magising kinabukasanbsi Angeli. Her head throbbed. She stretched her body and went out of the bed. Nasulyapan ang telepono.

Tatawagan niya ang supervisor sa shop. She saw the dangling cord, ibinalik niya iyon sa saksakan.

She dialed her shop, at bago siya makapagsalita ay ibinalita na ng supervisor niya na tumawag ang mommy niya at nagbiling tawagan ito kung darating o tatawag Siya sa shop.

"Your mother's worried, Angeli," wika ng
kabilang linya. "Hindi niya alam kung nasaan ka dahil hindi ka niya matawagan."

She smiled drily. Knowing her mother, pagdatingnsa kanya ay wala itong hindi ipinag-aalala. But thisntime, Veronica had valid reasons to worry.

Pagkababa niya ng telepono ay agad ang
kasunod na ring. She pushed the button on her answering machine.

Angeli, if you're there, please answer the
phone..

Gusto niyang ma-guilty sa nag-aalalang tinig ngnina. She pressed the speaker on. "Hello, Mom..."

"Oh, thank God, Angeli, at nariyan ka! Ano ang
nangyari sa iyo, anak? Bakit hindi ka tumawag?
Bakit hindi ka umuwi sa atin? Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa akin ang nangyari kay Charles?"

Nahinto siya sa paghuhubad ng terry robe
niya. Nilinga ang machine. "W-what happened tobCharles, Mom?

"Walang umuwi sa inyong lahat mula sa beach resort. I thought you had a good time and wouldnwant to spend overnight. Tinawagan ko si Mrs.nJacinto nang bandang alas-siete ng gabi peronsinabing hindi naman kayo nagtagal doon at ni hindi raw nagalaw kahit ang pagkain.."

"Mom, get straight to the point, what happenednto Charles?"

"I saw it on the early news this morning,
Angeli." Her mother's voice quivered and her
chest started to pound. "I thought you were with him..."

"Mommy, please!"

"He was driving the Chevrolet, he fell on a cliff
outside the Jacinto property!"

"Oh!" Parang nauupos na kandilang napaupo sa sahig si Angeli. Nanginginig ang buong kalamnan.

Kabisado niya ang tinutukoy ng ina. It was an
accident prone area dahil makitid ang daan at
matalim ang kurbada. Hindi kataasan ang cliff
subalit ang ibaba niyon ay mabatong bahagi ng dagat.

"Last night they took him to Trinidad General.
But the morning news said he had been flown to Makati Medical Center last night. Oh, Angeli, what happened? Ayon sa ilang tagaroong nakakita ay halos paliparin ni Charles ang sasakyan..."

Suddenly she felt numbed and cold. Her body trembled. Kung may ilang sandali siyanug nanatiling nakatalungko sa sahig. Ang tinig ni Veronica na patuloy na nagsasalita at nag-aalala kung bakit hindi na siya sumasagot ang nagpanumbalik sa kanya sankamalayan.

"I'll call you back, Mom..." Pinatay niya ang
answering machine at nagmamadaling nagbihis.

Sinundan siya ni Charles! Iniwan nito ang
pamilya upang sundan siya. Kung may mangyaribrito, kasalanan ba niya? Suddenly, dread succumbed her.

She sobbed as she grasped for her car keys.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now