CHAPTER 12

3.3K 67 1
                                    

IYON ANG ikalawang araw ng palabas nila ni
Angeli. At mula kahapon ay nag-iba ang lahat kay Charles. He had this feeling that he didn't know himself anymore.

Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung paanong nagagawa ni Angeli na guluhin ang
kaisipan niya. Kalat na sa buong SIC campus ang tungkol sa kanilang dalawa. At nakadarama siya ng pagmamalaki. Para sa kanya ay hindi iyon kunwari-kunwarian lamang. He felt Angeli was really his girlfriend... his sweetheart.

Ni hindi niya namalayan na nasa tapat na niya
si Cathy. "Hi, Charles."

"Cathy."

"What happened?" bungad nito, nakatitig nang
deretso sa kanya. "When have you learned to usengel, to look so formal and decent and-"

"It's time for change."

"It's not you."

He smiled drily. "Who knows who I am."

She smiled bitterly. "I do. Kilala kita, Charlie.
Ilang araw lang mula nang mag-break tayo ay
nabalita na sa buong campus ang tungkol sa inyo ni Angeli. Simply unbelievable. But if it is your way to make me jealous, then you're succeeding."

"No, you're wrong, Cathy. Hindi kita pinag-"

Naputol ang sasabihin niya sa biglang pagsulpot ni Angeli. "There you are!" nakangiting sabi nito,ninabot ang kamay niya, entwined her fingers in his. "Hi, Cathy," nakangiting bati ni Angeli.

Isang matalim na irap ang iginanti nito.
Pagkuwa'y mabilis na tumalikod.

"So," ani Angeli. "Best actress na ba?"

"You're good," he said amusedly.

"She was jealous, I can see it in her eyes." She
was smiling, subalit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang isang hindi maipaliwanag na hapdi.

INIHINTO ni Charles ang sasakyan sa tapat ng gate. Niyuko ni Angeli ang seatbelt at kinalas iyon mula sa pagkaka-strap sa kanya. Ngunit ayaw matanggal niyon.

Charles leaned toward her. "Iyan talaga ang
problema ng seatbelt na iyan," anito at tinulungan siya sa pagkalas ng seatbelt.

Subalit nahirapan kahit ito. At halos nakapaibabaw na rin si Charles sa kanya. Dama niya ang mainit na paghinga na pinakakawalan nito.

"Ayokong matulog rito sa kotse mo, huh," biro
niya.

Charles smiled at her, a mischievous twinkle
in his eyes. Dahilan upang manlambot ang buong mga katawan niya. Then their eyes locked. And all she could hear was his breathing... and her own breathing, her rushing pulse. May palagay siyang naririnig na ni Charles ang tibok ng puso niya sa katahimikang namagitan sa kanila.

Kiss me, she commanded mentally. Tulad
ng ginawa mong paghalik sa akin nang gabing iyon...

Charles moved closer still, pulling her deep
inside his intense eyes. Tila nabasa sa isipan niya ang utos niya. His face only inches away now.
Instinctively, she closed her eyes, waiting for
their lips to meet. Waiting for his hand to touch her cheek.

Nang bigla ay narinig niya ang pagkalas ng seatbelt. Nagmulat siya ng mga mata, bumalik na sa upuan niya si Charles.

"There, you're free," anito.

Embarrassment and disappointment filled her.
Nanginginig ang mga tuhod na lumabas siya ng sasakyan.

"Salamat," aniya sa tinig na halos hindi marinig.
"H-hindi ka ba bababa?"

"May pupuntahan lang ako sandali. Isa pa'y sa
kabilang bahay ko igagarahe itong kotse."
Tumango siya at nagmamadaling tumalikod na.

PAGKAPARADA sa kotse ay hindi na muna
lumipat sa kabila si Charles. Pumasok sa sarilingbsilid at umupo sa kama, nakasandal sa headboard. Sa kamay ay may hawak na canned beer.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now