CHAPTER 9

3.1K 70 0
                                    

"CHARLIE, come on," ani Cathy sa kanya nang
matapos ang klase, nakasukbit ang kamay nito
sa braso niya. "Mamaya na 'yong band show."
Biyernes at band fest sa dating pinapasukang
escuela nito kinagabihan at kahapon pa siya nito pinipilit na sumama para daluhan iyon.

"Oo nga naman, pare," susog ni Samuel,
Charles long time friend pero classmate ni Cathy sa kabilang section.

Pabuntong-hiningang hinarap ni Charles ang
girlfriend. "Napag-usapan na natin ito kahapon, 'di ba?"

"I just don't see why you don't want to come
with me tonight!" maktol ni Cathy.

Alam ni Charles na mauuwi na naman sa
pagtatalo ang pag-uusap na ito. Pero hindi niya ito mapagbibigyan sa hinihiling. Kailangan pa niyang mag-review para sa iba pang mga exams. Noong isang araw ay kinausap na siya ng mommy ni Angeli.

"Tiyakin mong papasahan mo ang lahat ng
exams mo, hijo, "ani Veronica. "First and foremost, I want you to graduate this year. I really do want you to graduate, Charles. Tama na ang mga kalokohang nabalitaan ko sa iyo sa nakalipas na panahon. Not that I condemn you for it. Ipag-palagay na nating iyo'y bahagi ng kabataan. At bagaman hindi ako sang-ayon sa mga ginawa mo ay nakalipas na iyon. Give your best shot and pass all your exams. Get
to college, Charlie."

"Kailangan kong mag-review, Cathy," aniya.
"Kung gimmick lang ang hanap ninyo, bakit hindi na lang tayo kina Angeli tumuloy. Puwede tayong mag-group study doon. Hindi mo ba iniisip ang exams natin?"

"Group study?" ulit ni Sam na tila hindi maka-
paniwala sa kanyang sinabi. "Kailan ka pa nagka-ganyan, pare?" nanunuyang sabi nito, nakatawa.

"Graduating tayo, Sam," mahinahong paliwanag niya.

"Come on, pare, ga-graduate tayo kahit hindi
tayo magsunog ng kilay," puno ng kompiyansang sabi nito. "Hindi sila magbabagsak ng graduating students. Lalo ka na, matataas ang grades mo. Balita ko nga ay kasama ka sa honor roll."

"I don't want to take the risk, Sam. Mahabang
panahon na ang itinigil ko sa high school. Kaya nga tara na lang kina Angeli ay doon tayo mag-group study."

Padabog na kumawala ang mga kamay ni Cathy mula sa kanya. "Ang sabi ko naman sa iyo ay hindi ako babalik sa bahay ng Angeli na iyon. Napapayag mo lang ako noong una at hindi na mauulit iyon,"

He took a deep breath and let it out slowly through his nose. "I'm sorry, guys, I really can't make it this time. But you can go. Have fun, Cathy, kayo ni Sam."

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Cathy,
"Ano ang nangyayari sa iyo, Charlie? Ilang
araw ka lang na nakitira sa bahay nina Angeli ay nagkakaganyan ka na! Ano ba ang ipinakain sa iyo ng babaeng iyon?"

Tumiim ang mukha niya. "Angel has nothing
to do with this."

"At ipinagtatanggol mo na naman ang babaeng iyon!"

"What are you talking about?" Nakakunot
ang mga kilay niyang tinitigan ang nobya.
"Pinagseselosan mo ba si Angeli?"

"You know what?" She crossed her arms over
her chest. "Simula nang matira ka sa bahay nina Angeli ay para na kitang hindi kilala. Paulit-ulit na lang ang pagtatalong ito. I'm getting tired of this."

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" aniya sa
nagpapasensiyang tinig.

At tama ito, sa nakalipas na linggo ay wala na silang pinagtalunan kundi si Angeli. Na kung tutuusin, sa tuwing nagkikita at nagkakalapit naman sila ni Angeli ay lagi rin silang nagtatalo.

Kaya nga hanggang maaari ay iniiwasan na
niyang makipagtalo rito. Lalo na nang mangyari ang eksena sa kusina. At ngayon ay heto naman ang girlfriend niya, sadyang naghahanap ng away.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now