CHAPTER 11

3.2K 74 6
                                    

NAKAGAYAK na si Angeli papasok sa escuela
lang minuto na lang at darating na ang kanyano school bus. Patapos na siya sa agahan nang may mag-doorbell.

"Diding!" tawag niya, "pakitingnan kung sino-"

"Ako na at inutusan kong magsampay sa likod
si Diding," ani Lupe na lumabas mula sa laundry.

Mayamaya'y narinig niya ang tinig ni Lupe
mula sa sala. "Angeli, may naghahanap sa iyo!"

Kumunot ang noo niya. Sino ang naghahanap sa kanya nang ganito kaaga? Bago tumayo ay inubos muna niya angjuice sa baso. Pagkatapos ay lumabas patungo sa sala.

"Sino'ng-" She stopped in mid-sentence. Her
heart skipped a beat. May guwapo sa sala! Naka-uniform ito ng school nila. Ka-service ba niya ito? Hin'di ba magsusundo si Mang Pilo?
Tumayo ang bisita mula sa pagkakaupo sa sofd
at nakangiting hinarap siya.

Napapitlag naman siya nang maramdaman
ng pagkurot ni Lupe sa kanyang tigiliran nang
maparaan ito sa harap niya. Pagkatapos ay binigyan siya nang makahulugang tingin.

"So," humakbang palapit sa kanya ang binatilyo, "how do I look?"

Napakurap siya. Charlie? Of course, it's Charlie! Suddenly she couldn't move. Couldn't speak. The rest of the world had disappeared.

It really was Charles. Naka-brush-up ang alun-alon nitong buhok-that made him looked sexy. Gosh, hindi niya akalain na si Charles ang Charles Montalban na kilala niya ay mukhang young Mel Gibson kapag naayusan.

Kumikislap sa kaputian ang polo nito -na mukhang tatayong mag-isa sa sobrang almirol na nakapaibabaw sa puting T-shirt. Nangingintab pa ang black leather shoes.

"Hey," Charles said, flashing his killer grin.
Already his voice was causing chills. Tinapik siya nito sa balikat. "Ba't mukha ka nang natuklaw ng ahas diyan?"

Her heart was so busy skipping, she almost
forgot how to formulate a sentence.
Oh, god, Charlie, kung alam lang ni Cathy kung ano ang pinakawalan niya.

"I'm... I'm shocked. Nagmukha ka kasing tao."

Gusto niyang i-congratulate ang sarili sa nabuo niyang sentence. Ang totoo ay nanginginig ang kanyang mga tuhod. At pakiramdam niya, anuman oras ay matutumba siya mula sa kinatatayuan niya.

Eat your hearts out, SIC girls!

Try to remind me na pagawan ng monument
iyong tao na nag-imbento ng gel, anito habang hinahagod ng dalawang kamay ang buhok, taking another step torwards her.

"Wag kang lalapit!" she shrieked.

At kahit siva ay nagulat sa naging reaction niya kung paanong nagulat si Charles sa tili niya. Pakiramdam niya ay tuloyan na siyang hihimatayin kapag lumapit pa ito sa kanya.

"Bakit?" naguguluhang tanong nito.

Nararamdaman niya ang pawis na biglang
nagsulputan sa noo niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? And she had to say something, before she would make à total idiot of herself.

Makailang beses siyang lumunok bag
nakapagsalita. "Baka kasi... mahiwa ako ng pants mo. Ang talim naman ng pagkakaliston." Napangiti siya, hindi niya inaasahang may maisip pa sıyang palusot. "Ikaw ba ang namalantsa?"

"Eh, sino pa ba?" Halatang naiinis na ito. "Sobra
ka namang makainsulto. O, ano? Tara na."

"Tara saan?"

Charles rolled his eyes. "Saan sa tingin mo
sa school!"

"May service ako, Charlie," wala-sa-sariling sagot niya.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now