CHAPTER 5

3.7K 71 8
                                    

"LUPE, si Mommy?" usisa ni Angeli sa katulong
na abala sa paggamit ng floor polisher. Tuloy-tuloy siya sa gitna ng sala. Tinapik sa balikat si Lupe nang hindi siya pansinin at muling isinigaw ang tanong malapit sa tenga nito.

"Nasa family room," sagot nito at muling
ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Nasa hagdan na siya nang maulinigan niyang
tinawag ni Lupe ang pangalan niya. Nilingon niya ito. May sinasabi ito at tumingala sa itaas. Ngunit hindi niya narinig at naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi naman nito pinagkaabalahang patayin ang floor polisher.

Napangiwi siya. Mukhang kailangan na nilang
palitan ng bago ang floor polisher-parang traktora sa ingay. Nagpatuloy siya sa pagpanhik. Pagkapasok sa silid niya ay agad niyang binuksan ang radio niya sa favorite FM station. Pagkatapos ay humiga sa kama. Sandaling ipinahinga ang katawan. Napagod siya nang kaunti. Sunod-sunod ang oral and written exams nila. Malapit na ang finals.

Nang unti-unting hilahin ng antok ay mabilis
siyang tumayo. Kailangan niyang makapag-shower bago pa siya makatulog. Binuksan niya ang chest of drawers at mula roon ay kumuha ng underwear. Pagkatapos ay tinungo ang banyo.

Habang tinatanggal ng isang kamay sa pagkakabutones ang blouse ay itinulak naman niya ng kabilang kamay na may hawak na underwear ang pinto ng banyo pabukas.

"Hey!" Tinig iyon mula sa loob ng banyo.

It was a male voice. Nahinto siya sa ginagawang pagtatanggal ng butones sa blusa. May lalaki sa loob ng banyo niya at hindi man lang nag-abiso si Lupe.

May nasira bang gripo sa loob?

At nang may humawi sa shower curtain at
makilala ang may-ari ng tinig ay dumulas mula sa kamay niya ang underwear at nahulog sa tiles. Her breath caught in her throat.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" nakangising
bungad ni Charles Montalban. He was wet from the shower and wearing only a towel around his waist.

Gustong magtitili ni Angeli, ngunit tila nawalan
siya ng lakas upang ibuka ang bibig, Tila kinakapos siya ng paghinga. This could not be happening.

Hindi kaya namamalikmata lamang siya?

Mariing ipinikit niya ang mga mata. Nakatulog
ako kaninang humiga ako. This is a nightmare...
just a nightmare. And when I open my eyes, the devil's gone... Idinilat niya ang isang mata-ang dalawang mga mata...

Subalit hindi siya binabangungot! Nasa harap pa rin niya si Charles nakatanghod pa rin sa kanya ang machong diablo na kinamumuhian niya-wearing nothing but a towel around his waist! Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok at katawan.

And to her horror, sa sahig nakatuon ang
paningin nito sa nahulog niyang panties!
"Pink, ha?" wika nito sa nakakalokong tinig
kasabay ng nakasusuklam na ngiti. At pagkataposnay inginuso ang blusa niyang tatlong butones na ang natatanggal at nakahantad na ang bra niya.

Sa pagkakataong iyon ay nakuha nang tumili ni Angeli, tearing the whole place down. Pagkatapos ay tumakbong palabas ng silid at bumaba ng hagdan patungo sa silid ng mommy niya. Mula nang mamatay ang daddy niya ay hindi na ginagamit ni Veronica ang master bedroom. Ang guest room na ang ginawa nitong silid.

Pabalyang binuksan niya ang pinto niyon.
"Mommy!"

Mula sa panonood ng television ay gulat na napalingon si Veronica. "May demonyo bang humahabol sa iyo?" Veronica asked drily. Inabot ang remote control at hininaan ang sound ng TV.

"Walang demonyong humahabol sa akin pero
may demonyo sa silid ko... sa banyo ko!" she
ammended. "Ano'ng ginagawa ni Charles sa banyo ko, Mommy?"

"You don't have to shout, Angeli," sagot ni
Veronica at tuloyang pinatay ang television. "Calm down and take a breath."

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now