CHAPTER 4

3.6K 72 4
                                    

"THE NERVE!" Nanggagalaiti pa rin talaga
siya. "What gave him the right to make fun of me? Iyong barahin ako at hiyain sa buong klase. Hindi na naman niya kailangang sumagot pa, 'di ba? Time na, eh. Hindi na magkokomento si Miss Amore dahil
oras na ng dismissal!"

"Bakit ba lagi na lang nakikipag-compete sa iyo si Charles, ha?" tanong ni Anne habang nilalaro sa catsup ang fries.

"Insecure siya!" she flared.

"I don't think it's insecurity on his part. Alam
nating lahat na mahusay sa music si Charles.
Barumbado at mahilig nga lang sa barkada. He
could have been the Glee Club's president kung tinanggap niya ang alok ni Ma'am Alejos." Ang tinutukoy nito ay ang head ng music department.

"Di sana'y sa music na lang siya nagpasikat!"

"Calm down." Tinapik siya nito sa balikat.
"Hindi pa katapusan ng mundo."

"How am I suppose to calm down'? Naiirita ako
sa tuwing naaalala ko yong ginawa niya kanína."

Titig na titig siya sa hawak na burger-iníisip na
nakapalaman sa pagitan ng mga buns si Charles Montalban at saka iyon kinagat at nginuya nang pinung-pino.

Napatikhim si Anne. "Speak of the devil." Napa
nguso ito sa likuran.

Napalingon agad siya, Natanaw niya sa glass
door na papasok sa canteen sí Charles.
Inubos niya ang Coke in can na iniinom. "Tara
na, Anne"Akma siyang tatayo. Ngunít bago siya
tuloyang makatayo ay agad niyang ibinagsak ang sarili pabalik sa sílya. "Wait a minute. Bakit nga pala ako aalis?"

Napakibit-balikat si Anne. "Dahil tapos ka nang
mag-snack," nakangiting sagot nito.

"No. lisipin ng lokong iyon na iniiwasan ko
siya.. na I feel inferior at naisahan niya ako kanina. Let's stay!"

Huwag mo siyang titingnan, Angel. Huwag,
utos niya sa sarili.

"Sandali..." ani Anne nang may maalala "Mabuti pa ngang lumabas na tayo."

"Bakit?"

"Si Chris kasi.." She was referring to he boyfriend, "Nasa akin 'yong assignment niya sa El Fili. Kailangan na niya."

"I can't leave," she said in a whisper. "Iisipin ni
Charles na iyan na dumating lang siya ay aalis
na ako. He'll think that I'm such a loser."

"Pero kailangan ni Christian ang-"

"Then go ahead. Iwan mo ako."

"Sure?" kunot-noong tanong ni Anne bago
tumayo.

Tumango lamang siya habang hindi mapigilan
ang sarili na hindi habulin ng tingin si Charles na nakapila sa counter.

"Tama na nga iyan. Masyado mong pinatatanda ang sarili mo," ani Anne habang ibinabalik ang mga gamit sa bag. "Tingnan mo ang pagkakakunot ng noo mo, maaga kang magkaka-wrinkles niyan."

Sukat doon ay agad niyang pinlantsa ang noo.
Natakot sa sinabi ng kaibigan. "Just leave. Shoo."

"Okay, see you."

"Bye," paalam niya. Pagkatapos ay hinagilap
niya ang straw sa wala nang lamang lata ng Coke.

Kunwang umiinom siya roon habang ang sulok ng mga mata ay lihim na sinisipat si Charles. At nang makitang patungo ito sa kinaroroonan niya ay agad niyang itinuwid ang tingin sa straw.

Naramdaman niya ang pagdaan nito sa kanyang likuran nang masuklay ng braso nito ang kanyang buhok. Kung sinasadya man nito iyon ay hindi niya alam. Ngunit naging dahilan iyon ng biglang pagtatayuan ng mga balahibong-pusa niya sa batok. Napataas ang kanyang mga balikat sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now