CHAPTER 18

3.8K 79 7
                                    

ALAS-KUWATRO nang lumabas sina Angeli.
Tahimik ang buong subdivision. Kung may nagtataka mang mga kapitbahay kung bakit bukod sa van na nakaparada sa tabi ng kotse nila ng mommy niya ay may dalawa pang Chevrolet van sa labas ng bakod nila ay hindi niya matiyak.

She was only too glad that the street was
deserted. Isinuhestiyon ni Charles na ang kotse niya ang gamitin nila.

"Do you mind if I drive?" alok nito. "Napakatagal na ring panahong hindi ako humahawak ng manibela..."

"S-sure," sagot niya. Iniiwasang tingnan ito.

Dear lord, the man exuded sexuality so potent
that it almost hung in the air around him, tulad ng aftershave na gamit nito. The same spicy aftershave he used when they were young.
Puting kamiseta at puting cotton shorts ang suot nito at puting beach shoes. The Sinewy legs matted with fine dark hairs.

Nang mag-angat siya ng paningin dito, he was
smiling knowingly. Tila alam nito kung ano ang
guma-gana sa isip niya.

Nag-init ang mga pisngi niya at agad na
humakbang patungo sa pinto ng backseat at binuksan niyon upang doon sumakay. Subalit naunahan siyang magbukas ni Robbie sa kabilang pinto at pumasok. Kasunod nito si Maria Consuelo na binati siya sa wika nito bago pumasok sa loob ng kotse.

Natanaw niya si Marcus palabas ng bahay, inisip niyang sa harap na ito uupo. Papasok na sana siya sa backseat nang magsalita si Charles.

"Sa harap ka maupo, Angeli," wika nito. "Baka
manibago ako. I'm used to right hand drive."

May ilang sandali siyang nag-atubili.
Pinaglipat-lipat ang tingin sa harap at sa mag
inang nagtatawanan sa likuran. Siyang paglapit ni Marcus at sa backseat din pumasok. At wala siyang mapagpilian kundi ang umikot sa passenger side sa harap.

Hindi siya mapalagay habang tumatakb0 ang
sasakyan. Nalilito sa sitting arrangement. Hima
niya maunawaan kung bakit sa likod umupo ang mag-ina. Hindi marahil naisip ni Maria Consuelo na si Charles ang magmamaneho, Narinig niyang Sandaling nagpalitan ng Español ang dalawa nang makapasok na silang lahat sa loob ng sasakyan.

Finally, inisip niyang dahil sa kanya ang kotseng ginagamit, Maria Consuelo was being tactful.

Sa kabuuan ng biyahe ay si Charles ang
gumagawa ng mapag-uusapan. Ito rin ang nagsilbing tour guide sa tatlong nasa likod.
Itinuturo ang landmarkS ng bayang iyon, ang magagandang orchard sa daanan patungo sa Coral Sea Resort. And she couldn't find any fault with Charles' driving.

Nang sa pagsulyap niya sa kamay nito sa
manibela ay mapuna niya ang singsing ng daddy niya sa ring finger nito! Maliban doon ay wala nang iba pang singsing na nakalagay sa kamay nito. Kahit sa kaliwang kamay.

Confused, itinago niya ang kamay niyang may suot ng singsing ni Fernie sa tagiliran niya.

Bakit nanatiling nasa kamay ni Charles ang "wedding" ring nila? Wala ba itong sariling singsing at si Maria Consuelo?

The urged to look behind her and search a wedding ring on his wife's finger was overwhelming. Sa halip, naguguluhang itinuon niya sa labas ang paningin.

Pagdating sa beach ay sinalubong sila ng apat na tao ni Mrs. Aurelia Jacinto at inasikaso. Nagulat si Angeli na makitang may nakahanda nang pagkain sa isang mahabang mesang kawayan sa loob ng isang malaking cottage na yari sa kawayan. Halos lahat ay seafoods at may lechon de leche sa gitna ng mesa.

Matapos maiayos at maihanda ng mga tauhan ng resort na hindi maiwasang hindi tingnan si Charles nang may paghanga-ay iniwan na sila.

Si Robbie ay agad na tumakbo patungo sa dagat matapos kuhanin sa likod ng isa sa mga sasakyang nakasunod ang lifevest na may cartoon character sa harap at likod at ang snorkeling gear. Si Maria Consuelo ay isang malaking sombrero ang inilagay sa ulo at sinundan na ang anak.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now