First Glimpse Of You

17 3 0
                                    

Chapter 1

FIRST day of second semester, as usual busy ang mga tao, may mga pauwi na at may iba namang nagkakasayahan pa sa daan. Galing ako sa Bookworm Cafe nang mabored ako doon at napagdesisyunang pumasok nalang sa school.

Kung nagtataka kayo, Grade 11 students ako, at night shift ang schedule ko. Hindi ako morning person kaya nag-enrolled ako sa graveyard shift. Though, in my defense, may trabaho rin ako sa umaga. Usually, nagsisimula ang araw ko ng 7 at natatapos ng alas diez ng gabi. 9 ang uwian namin pero kailangan ko pang dumaan sa Cafe bago umuwi, minsan ay nagpapalipas oras muna ako roon.

Nasa harap na ako ng building namin nang makita ko ang isa sa mga kaklase ko na pababa ng hagdan at may dala-dala siyang bond paper. Hindi ko alam kung ano ang laman noon, pero nang masulyapan ko ang lalaking kasabay niya ay napagtanto kong baka bagong transferee.

Marami kasi sa mga estudyante ng ibang paaralan ang gusto talagang nag-ta-transfer dito sa University namin. Hindi ko naman alam kung bakit nila gusto dito eh, okay rin naman ang mga kalapit na unibersidad rin dito.

Isinawalang bahala ko na lamang ang kaklase ko at nagpatuloy nalang sa pag-akyat sa third floor. Habang paakyat ay may mga nakasalubong pa akong mga Junior High na naghaharutan sa hagdan, at ang iba pa ay sa hallway.

Nainis tuloy ako, pinapamukha talaga ng tadhana na wala akong syota. Hindi naman sa jowang-jowa talaga ako pero nakaka-inggit lang minsan. Bad trip akong pumasok sa room namin at agad kong binaba ang gamit ko at kinuha ang Earphone ko ang isinalampak sa tenga ko bago lumabas.

Tumamabay muna ako sa labas ng room namin at pinapanood ang mga estudyante sa baba na naglalakad. Habang naghihintay sa mga kaibigan ko ay nakita ko ulit ang kaklase ko at yung kasama niyang lalaki.

Napansin kong cute pala nung lalaki at may hawig rin sa kanya, parang kapatid niya siguro yung lalaki at siguro grade 10 or 9 iyon. Pero dapat kanina pa yan nila isinasikaso kase wala namang night shift ang Junior High.

Binalewala ko lang iyon, maya-maya pa ay dumating na ang isa sa kaibigan ko na si Reana. Nagkuwentuhan lang kami pampatay sa oras. Hindi na namin hinintay pa ang kaibigan naming bakla dahil panigurado late na naman iyon.

Truth to be told, nagsimula na ang first period namin na Practical Research 1 ay wala pa rin si Ackla. Twenty minutes later ay dumating na rin si Madam Louisse.

Wala naman kami masyadong ginagawa sa PR 1 namin, nagsabi at nagkuwento lang si Ma'am tungkol sa mga gagawin namin for this sem.

Nung second period namin, nagpakilala lang ang Statistics and Probability teacher namin pero bago iyon ay nagprayer muna kami at nagset rin siya ng house rule at paano ang Grading system niya. Ganun lang din ang ginawa namin sa DRRR Subject namin.

After ng last period ay dinner break na namin. Dumiretso agad kami pababa ng Building para naman makabili at makakain na kami agad, kase kahit na night shift na kami ay marami pa rin kaming mga estudyante.

Habang naglalakad papuntang cafeteria ay nakuwento ko kay Ate Reana ang tungkol sa kaklase namin na nakita ko kanina. Bestfriend niya kasi iyon noon, elementary days.

“Ate Rae, nakita ko kanina si Mika may kasama siya kaninang lalaki, feel ko kapatid niya yun?” kwento ko.

“Huh? Kapatid niya? Pero grade 10 palang yung kapatid niyang lalaki.” sagot naman ni Ate Rae.

“Eh sino yun kanina? Kahawig niya kasi tapos may kahawig din dun sa crush mo na pinsan ni Mika.”

“Huh? Baka si Reese.”

“Sino yun? Kapatid ng crush mo?” tanong ko.

“Baliw! Hindi. Pinsan nilang dalawa.”

“Pinsan ni Mika tsaka ng crush mo?”

Written FeelingsWhere stories live. Discover now