Epilogue

2 2 0
                                    

Epilogue

MAHIGIT dalawang buwan na rin ang nakakaraan nang maging magkaibigan kami ni Red. Kahit hindi na niya ako kinakausap ay andun pa rin ang pagkagusto ko sa kanya. Wala eh, tanga.

Baka ito talaga ang dapat na maging buhay pag-ibig ng mga babae, ang magkagusto lamang sa taong gusto mo sa malayuan, at panoorin silang magkagusto sa iba.

Hindi naman masakit, kagat lang ng T-Rex.

Nasa cafe ako ngayon, linggo kaya buong araw lang akong nandito. Medyo nabobored na rin ako dito kasi ang tahimik ng lugar namin. Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan. Kakaunti lang kasi ang mga tao.

Napagdesisyunan ko na lang na maupo sa harap ng keyboard ko at magpatugtog. Simula nang unang beses kong kumanta kasama si Red at sinabi niyang maganda naman ang boses ko, masyado ko lang minamaliit ang sarili ko ay naisipan kong mag-enroll sa isang voice school. Mahilig akong tumugtog ng mga instrumento kaya madali lang sa akin ang makasabay sa tono, kailangan ko na lang daw mahasa ang paggamit sa boses ko.

Una kong pinatugtog ay ang mga sikat na kanta ni Beethoven. Nang matapos ako ay may lumapit sa akin na isa sa mga customers namin.

“Hi!” bati niya.

Tumango nama ako sa kanya. “Hi rin po!” bati ko pabalik.

“Ang galing niyo po! Kumakanta rin po ba kayo?” tanong niya. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Pwede po bang mag request ng songs?” tanong niya.

Tumango ako sa kanya. “Sige po. Ano pong kanta? Pero Acoustic lang po sana.” aniko.

Tumango naman siya sa akin.“Yung 'Ikaw at Sila' po ni Moira, 'Enchanted' po ni Taylor sana kaso huwag na lang pala yun—”

“De, okay lang yung 'Enchanted' ni Taylor, gawin ko na lang sa siya guitar ko, meron naman ako.” agap ko sa kanya. “Tsaka ano pa po? Yung lang ba?” tanong ko.

“Tsaka yung 'Like I'm Gonna Lose You' po ni Meghan Trainor.”sagot niya. “If okay lang po sana.”

Tumango ulit ako sa kanya. “ Okay lang po. Noted po yung mga kanta.”

“Thank you po! Ang galing niyo kasi.”

Nagpasalamat din ako sa kanya. “Ano nga palang pangalan niyo po?” tanong ko.

“Tiffany po.”

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat ulit. “This song is requested by Ms. Tiffany.”panimula ko sabay turo sa gawi nila. Sinimulan kong magtipa ng mga tiklado kasabay ng aking pagkanta.

Sabi nila, balang-araw darating ang iyong tanging hiniling,
Pero bakit 'di sinabing pwede palang bawiin.
Saan kita hahanapin?

At nakita kita sa tagpuan ng iba,
May kinang sa mata na hindi ko mabura.
'Di ko maintindihan, paano mo'ko nasaktan mg ganito?
'Kala ko ba ikaw at ako, pero ba' t mag-isa na lang ako?

At hindi, 'di ko inakalang mangyayari ito sa akin,
Ang sakit ' pag akala mo tadhana, ta's kailangan lang pakawalan ulit.
'Kala ko tapos na, hindi pa pala.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now