Championship Game

4 2 0
                                    

Chapter 13

DAHIL napanalo na namin ang laro ang may isang araw kaming pahinga bago kami bumalik sa training para sa Championship sa Linggo. Dahil may libreng araw kami ay nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makapanood ng laro nila Ate.

Kasama ko si Red na manonood ng laro nila Ate. Sa umaga ang schedule nila ate ngayong araw na maglalaro. Alas otso ang simula ng laro nila. Mamayang hapon naman ang laro nila Accla. Hindi na nakasama si Accla sa amin dahil kailangan niyang mag-ensayo. Nagka-injury ang setter nila kaya siya ang papalit rito.

Kasalukuyan kaming nakapila papasok sa grandstand. Ang dami ring gustong manood ng larong softball. May mga atleta rin ng baseball ang nakapila. Nakasuot sila ng jersey jacket nila. Mamayang hapon pa ang laro nila pagkatapos ng laro ng softball ngayon.

Nang makapasok na kami sa grandstand ay umupo kami sa gitnang parte ng mga bleachers, para makita namin ng klaro ang laro at para hindi kami matamaan ng init ng araw. Kapag nanonood ako ng laro ng baseball o softball ay ayokong malapitan umuupo hindi mo kasi makita ng maayos ang lipad ng bola.

Ilang minuto lang ang hinintay namin at nagsimula na rin ang laro nila ate. Todo cheer ako kina ate nung sila pa ang papalo, naka dalawang puntos sila at isang home run. Sa sumunod naman ay sila naman ang magbabantay sa base at magbibigay ng bola. Naka-isang puntos ang kalaban nila. Ilang beses pa silang naglaro.

Sa huli ay panalo ang team nila ate. 7-4 ang score.

Nagyakapan pa kami ni Red nang maipanalo ni Ate ang laro.

“Yey! Panalo tayo!” masayang saad ko kay Red.

Ngumiti lang siya sa akin. Hinila ko naman siya palapit sa gawi nila ate. Tinakbo pa namin iyon dahil malayo sila ate. Ibang team naman ngayon ang naglalaro.

“Congrats, Ate Rae!” masayang salubong ko sa kanya. Kahit madumi ang jersey niya ay niyakap ko pa rin siya. Nagulat ko pa siya sa bigla kong pagyakap sa kanya.

“Thank you!” saad niya. “Baliw ka talaga. Tingnan mo tuloy madumi ka na.” saad niya pa nang makitang dumikit sa damit ko ang dumi.

“Sus! Para ito lang. Small thing.” pabirong aniko.

Natawa nalang siya, napailing na lang din si Red sa akin.

“Ate Rei Congrats. Ang galing mo kanina.” saad naman ni Red.

“Huy! Ano ba kayo? Ako lang 'to.” Nakangiting sagot ni Ate.

“Ay! Tara na, Pula. Biglang nagka-ipo-ipo man dito.” saad ko.

Natawa nalang si Ate sa akin. Nakabusangot naman si Red sa akin. “Bakit?” tanong ko.

“Tigilan mo nga ang lakatawag sa akin ng ganyan.” saad niya.

“Eh! Ayoko nga. Ang cute kaya.” sagot ko naman.

“Tsh. Cute my ass.” bulong niya pa.

“Hala! Cute pwet mo?” tanong ko.

Pinitik naman ni Red ang noo ko. Napahimas na lang tuloy ako roon. “Baliw.”

“Ang cute niyo tignan. Bagay kayo.” pang-aasar naman ni Ate.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Natawa nalang siya habang namumula ang mukha ko na pakiramdam ko pati na ang tenga ko.

• • •


MARAMI ngayon ang nanonood ng Championship game namin . Ang kalaban namin ay ang Dela Santos University. Katulad ng naunang pagtutuos namin ay gitgitan ang laban. Puro tabla ang mga puntos namin sa first quarter at second quarter. Sa third quarter naman ng laro ay naiwanan na namin ang team nila pero nakakhabol pa rin sila. Laging isang puntos lang ang nagiging lamang namin sa kanila, kaya pahirapan talaga. Hindi rin kami pwedeng pakampante sa laro dahil malakas ang kupunan nila kaysa sa mga naging kalaban na namin.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now