Banat

4 2 0
                                    

Chapter 3

NAKATAMBAY kaming tatlo ngayon sa hallway ng room namin. Wala kaming teacher kaya nasa labas lang kami. Pinag-uusapan pa rin namin ang tungkol sa nalalapit na intrams at ang mga worries nila tungkol sa acads. Sa aming tatlo ako ang medyo walang pakialam sa acads.

Why?

Nagsusulat ako ng mga lectures namin, pero hindi ko naman ginagamit sa pagre-review. Tamad rin akong magbuklat ng mga lessons. Mas pinipili ko pang magbasa ng mga novels kesa sa magbasa ng textbook. Wala rin akong pakialam kung maka-line of 8 ako, basta huwag lang line of 7. Di ko rin kaya magretain 'no.

Ayos lang sa akin gumala kahit may test kami kinabukasan, dahil nga hindi rin ako nagre-review. Okay lang sa akin kahit saan-saan kami pumunta kapag walang klase, basta lang huwag lang akong male-late.

Pero kahit ganun ako katamad, kasama pa rin ako sa mga with honors, hindi ko nga alam kung bakit eh. Napakacompetitive ng mga kaklase ko at hindi ko keri ang talino nila, so I back down. Sa sobrang talino kasi nila kahit 99 na ang grade nila eh di pa rin sila satisfied. Ang aim daw nila is maging perfect 100 grade nila. Kung pwede nga lang daw magbigay ng 200 grades eh yun yung gusto nilang i-achieve.

Pero, anong paki ko? Basta makapasa lang sa, oks na. Bakit ka pa maghahangad ng mataas kung hindi mo naman magagamit kapag naghihingalo ka na.

“... Ihh! What if yung mismong teacher na natin ang ayaw pumayag na exempted tayo? Diba may ganung teacher?” histerical na saad ni Accla. “Di ko keri yung pressure nun.”

Napailing nalang ako sa litanya niya. “Tsk! Trust me. Hindi yan.” aniko.

“Sure?” paninigurado pa niya.

“Sure.” paninigurado ko sa kanya. “Tsaka since elementary ako dito, basketball player na ako and never naman silang hindi nagconsider sa aming mga athletes. Tsaka isa pa, kami yung nagrerepresent ng name ng school natin 'no.” paliwanag ko.

“Matagal ka na pala dito, Ri?” tanong ni Ate Rae. Tumango naman ako sa kanya. “Ahh... Kaya pala. Hindi kasi ako dito nag-elementary. Kaya pala parang familiar mukha mo. Lalo na nung freshman year ko pa lang.”

“Hmm? What do you mean, ate?” tanong ko.

“Di mo alam? Marami ka kayang so-called fans noon. Pero kahit hanggang ngayon naman meron pa rin.” saad niya.

“Huh? Kailan pa ako nagkaroon nun? Sa pagkakaalam ko lowkey students lang naman ako dito. Paano nangyari yun?”

“Hala! Di mo talaga alam? Di mo napapansin kahit minsan?” tanong pa ni ate. Umiling na lang ako sa kanya kasi totoong wala akong napapansin na fans ko daw kuno. “Grabe ka na! Kahit yung mga kaklase ko noong Junior High, kilala ka. Crush ka pa nga ng iba eh. Kaya nga parang familiar na ako sa'yo, kasi lagi nilang pinag-uusapan ka. Yung iba pa nga nagpapa-cute sa'yo eh. May mga babae pa ngang humahanga sa'yo eh.” dagdag pa niya.

“Pak! Forda famous ang ferson. Kaso lang forda manhid rin.” saad naman ni Louisse.

“Seryoso, wala talaga akong alam na meron pala akong ganyan.” saad ko.

“Siguro, forda focus ka sa sports mo, gurl.” ani Louisse.

“Baka nga.” aniko.

Nagbeep naman ang phone ni ate Rae at nakita kong message iyon galing sa coach niya. “Gusto niyong sumama sa akin?” tanong ni Ate sa amin.

Agad na tumango naman ako, dahil isang oras naman kaming walang klase. “Sorry, Teh. Pupuntahan ko yung isa kong friend magtatanong ako about sa tryouts this Saturday.” saad ni Accla.

Written FeelingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora