Prologue

10 3 0
                                    

Prologue

HINDI ako maka-isip ng matino habang sinusulat ko ang tula ko para sa kanya. Ang daming senaryo ang naglalaro sa isipan ko.

What if he rejects me? What if he don't like me? What if he'll avoid me? What if mailang siya? Paano na?

Ilan lang ito sa mga tumatakbo sa utak ko. Parang ngayon palang nga ay naiiyak na ako. Hindi ko na rin alam kung paano ko ito ibibigay sa kanya. Habang nagsusulat ako at naghahanap ng tamang salita na maaaring maghayag ng nararamdaman ko para sa kanya ay lumilipad na rin ang utak ko.

Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong gagawin ko ito. Ang akala ko lang naman ay itatago ko ito sa aking sarili ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang akong nahihirapan. Hindi ko na alam, pero isa lang ang dapat kong gawin, ang ibigay ang tulang binubuo kong ito sa kanya.

Ilang beses na akong nagbura at nagsulat. Nagtataka na rin ang kapatid ko sa kinikilos ko. Parang natatae na kase ang mukha ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.

Nang matapos ay masaya ako nang mabasa ko ang ginawa kong tula para sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang nakasulat rito, ngunit isa lang ang alam ko, ito ang nagpapahayag ng totoo kong nararamdaman sa kanya.

Inipit at itinago ko iyon sa aking libro. Agad naman akong naghanda ng sasabihin ko sakaling ibibigay ko na ito sa kanya.

Mukha na talaga akong tanga. Hanggang sa paghuhugas ng plato ay iniisip ko ang mga sasabihin ko sa kanya at ang maaaring maging tugon niya sakaling mabasa na niya ito.

Kahit sa pagtulog ko ay iyon pa rin ang iniisip ko. Nagtaka pa ako nang magising ako kinabukasan dahil hindi ko inakalang nakayanan kong makatulog sa dami ng mga iniisip ko.

Nang mahimasmasan na ako ay agad na rin akong naghanda, naglinis muna ako ng bahay gaya ng laging sinasabi nila Mama. Naghugas na rin ako ng platong pinagkainan nila. Nang matapos ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para ihanda na ang mga gamit ko at ang susuotin kong damit mamaya papasok sa school. Dahil tinatamad akong mag-uniform ay magma-maong pants na lang ako at puting shirt na may nakasulat na 'Te Amo' sa may kaliwang dibdib. Miyerkules naman ngayon at athlete naman ako. Inilagay ko na ang mga ito sa paper bag.

Naghanda na rin ako sa pagpasok sa cafe. Nag-blower na ako ng buhok ko bago ko kinuha ang hair curler ng kapatid ko. Hindi ako mahilig magpaganda pero dahil haharap ako sa kanya ay kailangan kong maging presentable.

Nag-iwan nalang ako ng sticky note na ginamit ko ang hair curler niya. Naglagay rin ako ng sunscreen sa mukha ko, nagmascara na rin ako at eyeliner. Nagkanda bura-bura pa ako ng eyeliner ko dahil hindi pantay.

Ilang beses ko pang chineck ulit ang eyeliner ko kung pantay na ba bago makuntento. Naglagay rin ako ng lip balm sa labi ko na kulay red-orange na bagay lang sa skin tone kong fair morena.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay kinuha ko na ang bag ko at ang susi ko. Lumabas na ako ng bahay at bago iyon nilock ay sinigurado kong wala nang bukas na pinto at bintana. Sinigurado ko ring walang nakasaksak na kahit ano, bago tuluyang nilock ang bahay namin.

Pumunta naman ako sa garahe namin at sumakay sa motor kong Nmax. Ginawa kong messy bun ang buhok ko dahil doon ko lang napagtantong useless lang ang pagkakacurl ng buhok ko kung nakamotor rin naman ako. Isinuot ko na rin ang helmet.

Pinaharurot ko na ang motor ko papuntang Cafe nang masarado ko ang gate. Ilang minuto lang ay nasa cafe na ako, di naman uso traffic sa amin kaya mabilis lang ang byahe. Agad akong nagpark ng motor ko bago tinanggal ang helmet ko at ang bun ng buhok ko.

Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at inilagay ko ang helmet sa motor ko bago ako pumasok ng Cafe.

Pagkapasok ko sa cafe ay ang daming estudyante na agad ang sumalubong sa akin. Karamihan sa kanila ay nagbabasa ng mga libro sa library at iba naman ay nag-aaral, at mayroon namang ginagawang dating place ang cafe ko.

Dumaan muna ako sa counter. "Uy! Blooming natin ngayon, Madam Ah! Good morning, Madam." bati ng isang empleyado ko.

"Morning, Kerm. Kalmahan mo lang ako lang 'to." Nakangiting bati ko sa kanya. Inasar pa ako ng mga empleyado ko, pumasok na ako sa lockers room namin, para iwan ang mga gamit ko.

Agad naman akong pumwesto sa counter. "Madam, kakain na po ba kayo?" tanong ni Kenmark sa akin.

"Mamaya na lang siguro, tulungan ko muna kayo." sagot ko.

"Sigurado ka, Boss? Ayos lang naman kami, kaya lang naman namin ito, boss." singit naman ni Maine.

"Oks lang. Ano ba kayo, parang di na kayo nasanay sa akin."aniko.

Napakamot nalang sila ng ulo. Bumalik na rin sila sa kanya-kanyang gawain nila. Tumutulong naman ako sa kanila sa pag se-serve ng mga order, minsan ay sa cashier ako.

Habang papalapit na ang oras ay mas lalo lang akong kinakabahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya, pero isa lang ang alam kong mangyayari mamaya.

Aamin na ako.

Pinagpatuloy ko ang trabaho ko, para lang kahit papaano ay mawala sa isip ko ang mangyayari mamaya. Nung nag-break na ang mga empleyado ko ay pinagpatuloy ko pa rin iyong pagse-serve. Tapos na rin naman akong kumain ng brunch.

Nang matapos ang break nila ay nagpaalam na akong maghahanda na. Naligo ulit ako dahil ayokong pumapasok sa school na amoy kape o kahit ano.

Mabilis lang akong naligo, since kakaligo ko lang din naman kanina, dinala ko ang hair curler ng kapatid ko kaya matapos maligo at makapagbihis ng damit na dala ko ay nag-ayos ulit ako.

Nang makuntento ako sa itsura ko ay nagpaalam na ako sa mga empleyado ko na aalis na para papasok sa school. Inasar na naman nila ako.

Pumunta na agad ako sa parking lot at kinuha ang motor ko, dahil malapit lang naman ang university ko ay mahina lang ang pagmamaneho ko. Hindi na rin ako nagsuot ng helmet para hindi masira ang buhok ko.

Nang makapasok sa University ay agad kong kinuha ang phone ko at nagtext sa ginoong pagbibigyan ko ng liham ko.

To: Pula
Red, saan ka na? Can you meet me at the square park?
Sent • 1:30 pm

Minutes later ay nakatanggap ako ng text from him.

From: Pula
Nasa resto pa ako. Papunta na. Bakit?
Sent • 1:35 pm

To: Pula
Basta. Pwede ba?
Sent • 1:39 pm

From: Pula
Oh, okay. Miss mo lang ako eh. Sure, see yah. :)
Sent • 1:43 pm

Agad akong pumunta sa square park at hinintay siya sa gazebo. Agad kong kinuha sa libro ko ang naka-ipit na letter. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na agad siyang naglalakad, agad ko siyang tinawag. Tumalima naman siya ang ngayon nga ay naglalakad na papalapit sa akin.

Ngumiti siya sa akin nang makalapit. "Hi!" bati niya.

"Hey!"

"So bakit mo ako gustong pumunta rito?" tanong niya matapos makaupo.

Tumikhim muna ako bago magsalita ulit. "I uhm... May ano... May..." parang bigla akong nag short circuit habang nakatingin siya sa akin kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"May ano? Anong ano?" tanong niya.

Hindi ko mahagilap ang tinig ko kaya inabot ko na lang ng nanginginig kong kamay ang liham ko. Nagtataka naman niyang kinuha ang liham ko. Nang makuha na niya iyon ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at agad na sanang aalis ng magsalita siya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Napahinto naman ako sa paghakbang. "Tsaka ano to? Kanino to galing? Sayo ba?" sunod-sunod na tanong niya.

"A-ano.. O-oo, sa akin galing. Sige, una na ako. Happy reading." natatarantang ani ko.

Napigilan naman niya ako sa kamay. "Stay."

"Huh?"

"If this was yours, then I wanna read this with you." aniya. "Don't you wanna know what will be my reaction reading this?" nakangising saad niya.

Tangina! Ayoko na!

× × ×
p l u m a

Written FeelingsWhere stories live. Discover now