The Team Captain

4 2 0
                                    

Chapter 5

SOBRA-SOBRA ang kabog ng puso ko habang papalapit na kami sa direksyon ng ex ni Reese.

"Reese, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa court diba?"

"Baliw. Di naman dito yung direksyon papuntang field."

"Huh? Saan ba? Akala ko ba sa court?" tanong niya ulit. Malapit-lapit na talaga kami sa ex niya, kaso huminto kami. Ayoko namang marinig ng ex niya yung pinag-uusapan namin.

"Sa kabilang court kami, tanga. Dun sa field malapit." aniko.

Napahawak pa siya sa puso niya gamit ang kanang kamay niya. " Grabe ka naman, Love. Kaka-transfer ko lang po dito, hindi ko pa po kabisado yung school natin, Love." madramang aniya.

Napangiwi naman ako sa kanya. "Ang O.A mo. Anong hindi kabisado? Baliw. Dito ka kaya nag Junior. Ako pa lolokohin mo." saad ko at tinusok ko ang tagiliran niya gamit ang daliri ko. Alam kong nakikiliti siya doon, dahil nung minsang natusok ko siya ng ballpen ay nakiliti siya. Natawa naman ang tukmol sa ginawa ko. "Tara na nga. May pa Love-love ka pang nalalaman." nagsimula na akong maglakad kaya naman napasabay na siya sa paglakad sa akin. Tumawa na naman siya habang nagpapahila lang rin.

Baliw talaga.

Lumapit naman ang mukha niya sa tenga ko habang naglalakad na kami padaan sa bench ng ex niya. " Kanina pa tayo nakita ng ex ko, pakiramdam ko nga pinapanood niya tayo." mahinang saad niya.

"O tapos? Paki ko." saad ko. Medyo napalakas pa ang pagkakasabi ko.

Tumawa ulit siya "Ang cute mo talaga, lalo na kapag pikon ka, Love." saad niya pa. Kinareer na talaga niya ang pagiging mag-syota daw namin. Inirapan ko lang siya at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Napatingin naman ako sa gawi ng ex ni Reese at nagtama ang mga mata namin. Agad naman siyang umiwas ng tingin, at pinilit na ibigay ang buong atensyon niya sa kasama. Nakita at naramdaman ko naman na parang hindi siya komportable sa presensya namin kaya mas binilisan ko na ang paglalakad.

Ano ba 'tong pinasok kong gulo? Langya naman! Ayoko mag-overthink pero what if? Langya talaga!

Nang masiguro ko na malayo na kami sa ex niya ay binitiwan ko na agad si Reese at dumistansya sa kanya. "Hoy! Gago ka talaga! " saad ko kay Reese.

"Luh! Bakit na naman?" tanong niya. Painosente ang baliw.

"Nagtanong ka pa! Malamang, ginawa mo ba naman akong syota mo para lang magselos ex mo! Sinong baliw naman ang papayag sa ganun? Hah?" litanya ko.

"Ikaw." kaswal na aniya.

"Anak ng... Hindi ako pumayag 'no! Nambibigla ka lang kaya!" depensa ko.

"Teka, sino ba nagsabing gusto ko siyang magselos? Ang gusto ko lang naman iparating sa kanya na hindi ko na siya kailangan. Na kaya ko nang maging mag-isa. Na hindi na siya. Ganun. Nabuhay ako ng 15 years na wala siya kaya gusto kong malaman niya na kaya ko ring mabuhay ngayon tapos na kami." saad niya at tumingin sa malayo.

Ramdam kong sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. Naramdaman ko rin ang pait sa mga salita niya. Napabuntong hininga nalang ako, tinapik ko ang balikat niya at nagsimula nang maglakad papunta sa direksyon ng field. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya. Sumunod rin naman siya sa akin, at sumabay sa paglalakad ko.

"Makakayanan mo rin yan. Tiwala lang!" anas ko. Kahit papaano ay gusto kong gumaan ang pakiramdam niya. Naging tahimik lang kaming dalawa hanggang sa hindi ko na natiis pa. "Nagkatingin pala kami ng ex mo kanina." kwento ko. Agad naman siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa akin.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now