Efforts

3 2 0
                                    

Chapter 8

FOR the past few days of training, I started waking up earlier than my usual routine. I needed to, kung ayaw kong mag push-ups ng 150 times kapag nalate ako.

Naging mahigpit na sa oras si Coach ngayon kumpara nung unang tatlong araw ng training namin. Ngayon ay naaabutan ko pa sila Mama sa bahay, minsan ay kumakain pa sila pero kadalasan ay paalis na sila.

As usual, pagbaba ko ng hagdan ay nasa sofa na si Papa at hinahanda na ang mga gamit niya papuntang kampo. Kakalabas lang naman ng kapatid ko ng kuaina at agad na lumapit sa lagayan namin ng mga susi, bago soya lumapit kay Papa.

“Alis na po ako, Papa, nagpaalam na po ako kay Mama.” paalam niya kay Papa,

“Sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho. Ingat rin sa daan.” paalaala ni Papa sa kanya bago lumabas ito ng pinto. May sari-sarili kaming mga sasakyan. May kotse rin ako kagaya sa mga magulang at kapatid ko pero dahil hassle sa akin ang kotse ay mas pinili kong motor nalang ang akin at ibinenta ko ang kotse ko.

Pumayag naman sila Mama na ibenta ko kaya yun ang perang ginamit ko pampatayo ng cafe ko. May sarili kotse rin si Mama pero mas gusto niya pa ring sumasabay kay Papa papuntang trabaho, at sumasabay siya sa kapatid ko kapag uwian na. Grade 10 na ang kapatid ko, at 15 year old na.

15 palang ito pero may lisensya na siya. May backer si Papa kaya madali lang kaming nakakuha ng lisensya namin. Dapat nga ay ganun din ang gagawin ni Papa sa cafe ownership ko, pero sinabi ko na lang na kay Mama na lang ipangalan. Buti na lang at pumayag na rin siya.

“Ria, kanina ka pa dyan?” tanong ni Papa nang mapansin niya akong nakatayo lang sa unang baitang ng hagdanan namin. Bumaba na ako sa hagdan at humalik sa pisngi ni Papa.

“Morning po, Papa. Aalis na po kayo?” tanong ko sa kanya.

“Oo, hinihintay ko na lang ang Mama mo.” sagot niya. “Ikaw na ang bahala dito sa bahay ah. Anong oras ka ba aalis ngayon?” tanong niya.

“Maaga po akong aalis ngayon kasi pupuntahan ko po muna yung cafe ko bago pumasok sa training ko po. Baka mga quarter to six po.” sagot ko.

Tiningnan naman niya ang relos niya. “Alas cinco y medya pa lang naman. May oras ka pa para maglinis ng bahay. Siguraduhin mong malinis ang bahay natin bago ka umalis, okay?”

“Opo, Papa.” sagot ko.

“Okay, sige. Kumain ka na doon, nandito na ang Mama mo, aalis na kami. Iserado mo ang mga bintana at pinto ng bahay natin ah, bago ka umalis. I-double check mo palagi.” paalaala niya. “Mag-iingat ka, mag-isa ka lang dito.”

“Opo, Papa.”

Dumating na si Mama sa sala at ready na ito para umalis. “O gising ka na pala. Hugasan mo muna ang mga platong pinagkainan namin bago ka umalis, maglinis ka na rin. Aalis na kami.” bilin ni Mama bago siya humalik sa pisngi ko.

“Mag-iingat po kayo, Mama, Papa.” saad ko bago sinira ang main door namin.
Narinig ko pa ang busina ni Papa bago sila umalis.

Dumiretso na ako sa kusina at nagsimulang maghugas, pagkatapos ay naglinis ng bahay bago naghanda.

Sumaglit lang ako sa cafe, bago ako dumiretso sa training. As usual, ay marami pa ring customers kaya nagdagdag na rin ako ng mga bagong tauhan. Malaki na rin ang kita ng cafe ko kaya pwedeng-pwede nang magdagdag ng mga empleyado.

Nang marating ko ang court ay nagwawarm up na ang iba sa mga kateam ko. “Si coach?” tanong ko kay Isabel.

“Wala pa. Ang aga natin ngayon ah, Ate. Maaga ka pa ngayon kay Coach.” komento niya.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now