The Second Time Around

4 2 0
                                    

Chapter 2

MAAGA akong gumising ngayon. Alas 7 palang at ako na lang mag-isa sa bahay. Panigurado nasa trabaho na sina Mommy at Daddy at nasa school na rin ang kapatid ko.

Agad akong naghilamos at ginawa ang skin care ko. Naglinis muna ako ng bahay dahil ang daming nakakalat na mga gamit nila. Wala kaming katulong rito kaya kapag umaalis sila ng bahay ay ang kalat palagi.

Lagi kong gawain ang ligpitin lahat ng kalat nila bago umalis minsan naman ay kapag nagmamadlai ako ay inaayos ko na lang ang mga gamit nila sa isang tabi at hindi na binabalik sa totoong lagayan nito.

Nang matapos ako sa gawaing bahay ay doon palang ako naligo, nang matapos maligo ay nagbihis na ako. Martes palang ngayon kaya nagsuot ako ng set A uniform namin.

May dalawang klase kami ng uniform, set A tsaka set B. Ang set A namin ay long sleeves na blouse, maroon vest, plain maroon necktie at knee-length plain maroon skirt. Habang ang set B naman ay long sleeves na blouse, maroon checkered necktie at knee-length plain maroon skirt.

Kada Friday naman ay wash day, kaya kahit anong damit ay pwede naming suotin. Kahit crop top at ripped jeans.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay dumiretso na ako palabas ng bahay. Hindi ako kumakain ng almusal sa bahay namin, dahil nakaka-walang gana kumain nang mag-isa kaya sa Cafe nalang ako madalas kumain, minsan ay pinagsasabay ko na lang ang almusal at tanghalian.

Pinaharurot ko na agad ang motor kong Nmax papuntang cafe. Pagkarating doon ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang mga customers namin. Naging abala ako na nakalimutan kong kumain ng almusal kaya nang mag-break ang mga empleyado ko ay sumabay na ako sa kanila at pinagsabay nalang ang almusal sa tanghalian.

This Cafe is my favorite place and this is mine. Yes, tama ka. I'm just 17 year old pero ang Bookworm Cafe ay pagmamay-ari ko, not totally mine. Pero ako ang may-ari nito.

To explain it, ang Cafe na ito ay negosyo ko, pero dahil minor palang ako ay nakapangalan ito sa nanay ko. I want something new, so I decided to build a cafe near my school, nag-agree lang naman ang nanay ko. No reasons. At all.

Nang mag-ala una ay the usual, naghanda na ako para sa pagpasok sa school. Naliligo muna ako, bago pumasok dahil na rin sa aroma ng kape na dumidikit sa damit.

Ganito lagi ang routine ko, magtatrabaho ako sa umaga at mamayang ala 1 naman ay maghahanda na ako para pumasok sa school. Alas 2 nagsisimula ang klase namin, kaya marami akong oras para makatulong sa mga empleyado ko dito sa Cafe.

“Una na ako sa inyo, guys.” paalam ko sa mga empleyado ko.

“Sige po, Madam. Ingat po.” saad ni Kerm.

“Ingat po, Boss.” ani naman ni Kenmark.

“Madam, yung ice Americano niyo po.” saad naman ni Maine. Inabot naman niya ang kape ko.

Tumango at nagpasalamat ako sa kanila bago umalis.

Karamihan sa mga empleyado ko ay mga out of school youth, and iba ay maagang nag kapamilya ang iba nama'y hindi kayang mag-aral na at pinili na lang na magtrabaho na lang.

Ang mga edad nila ay naglalaro lang sa 18 - 21. Kung tutuusin ay mas matanda pa sila sa akin pero dahil sa hirap ng buhay ay pinili ko silang magtrabaho sa cafe ko. Hindi rin naman pwedeng magtrabaho ang minor eh.

Malapit lang naman ang University sa cafe ko. Sa totoo lang ay pwede mo lang itong lakarin pero dahil alas 2 na ng hapon ay medyo mainit dagdag pa na nakavest ako. Kaya mas pinipili ko na lang na magmotor kahit malapit lang.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now