Scuba Diving

2 2 0
                                    

Chapter 11

DAHIL na canceled ang plano namin kahapon ay pagkatapos naming kumain ng hapunan kagabi ay natulog nalang kami agad. Siguro dahil sa pagod mula sa training namin kaya hindi na talaga namin kinaya.

Although, matagal bago ako natulog. Sinigurado ko pa kasing secured kami rito at iyon mga gamit namin. Inihanda ko na rin kagabi pa ang mga gamit na gagamitin namin sa pagda-dive para hindi na ako malito kung saan ba iyon nilagay noon.

Tumawag rin kasi si Red kagabi para kumustahin sana kaming tatlo pero dahil tulog na iyon dalawa ay hindi na niya nakausap pa ang dalawa. Natulog kaming tatlo sa iisang kwarto. Walang malisya naman kaya sa malaking guest room na lang kami natulog.

Alas otso ng umaga nang umaga nang magising ako. Tulog pa ang dalawa kaya dahan-dahan lang ang kilos ko dahil baka magising sila. Halata talaga kasing pagod sila.

Dumiretso agad ako sa kusina at Naghalungkat na naman ng mga pagkain na pwedeng pang-almusal namin. May nakita akong itlog, spam, sausage, at giniling na karne ng baka. May mga gulay rin sa ref.

May kanin pa kaming natira kagabi kaya magsasangag ako ngayon at hahaluqn ko ng giniling. Pansin ko na mahilig sa kamatis si Ate Rae, kaya dinamihan ko na rin ang kamatis sa sinangag. Si Accla naman ay mahilig sa malasadong itlog, lalo na kapag almusal.

Kinuha ko ang natirang kanin sa kaldero ng rice cooker at isinalin iyon sa bowl, tapos ay nilinisan ko ang kaldero tsaka ako nagsaing. Sunod ay inihanda ko na ang mga ingredients para sa sinangag. Para mamaya ay dire-diretsong na lang akong magluluto.

Isinantabi ko muna iyong sa sinangag. Nagluto muna ako ng spam, at sunny-side-up na itlog para kay Ate. Malasado nan para sa amin ni Accla. Hindi kasi kumakain si Ate ng malasadong itlog. Nang matapos sa pagluluto ng dalawa ay sinunod ko nang lutuin ang sinangag.

Ginisa ang bawang at sibuyas, nilagyan ng sitaw na tinadtad ko pahaba, sunod ang kanin, kamatis, giniling na karne at itlog na binati ko kanina. Hinalohalo ko ito at nilagyan ng pampalasa. Tinikman ko ito, sakto lang ang lasa nito, hindi masyadong matabang, hindi rin maalat. Pinatay ko na ang apoy at hinayaan ko muna iyon sa kalan. Kumuha ako ng malaking bowl, at doon ko iyon isinalin ang sinangag.

Dahil mga athletes kami ay dapat may kasamang fruit juice ang pagkain namin, kaya kumuha ako ng pinya na nahanap ko sa ref. Binalatan iyon at inilagay sa blender. Ini-on ko ang blender at nilagay sa 2 para madali lang anv proseso. Nilagay ko rin ito ng Ice sa loob para maging fruit shake.

Nang matapos ay isinalin ko na ito sa tatlong baso ng halo-halo. Nilagyan ko ito ng gatas matapos isalin sa mga baso. Kumuha rin ako ng whipped cream para ilagay sa taas nito at chocolate sprinkles.

Sakto namang naghahanda na ako sa hapag nang pumasok sa kusina ang sabog kong mga kaibigan. Magulo ang mga buhok nila, at may bakat pa ng kumot sa pisngi nila. Buti na lang at walang muta ang dalawa. Pagtatawanan ko talaga silang dalawa.

“Morning, Neng. Bakit di mo kami ginising?” agad na lumapit sa akin si Accla at tinulungan akong maglagay ng mga plato sa mesa.

“Di ko na kayo ginising halata naman kasing pagoda kayo.” aniko.

Tumulong na rin si Ate Rae sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. “Bakit, ikaw ba hindi pagod?” tanong nito.

“Hindi. Sanay na ako 'no.” saad ko. “Anyway, kumusta tulog niyo?” tanong ko.

“Okay naman. Late na nga kami nagising sa sobrang sarap eh.” sagot ni ate.

“Tara, kain na tayo. Gutom na ako. Tanghali na rin.” aya ko.

Naghilamos muna ang dalawa bago sila sumabay sa akin sa hapag. Nagdasal muna kami, bago nilantakan ang pagkain. Habang kumakain kami ay nag-usap-usap kami sa mga gagawin namin ngayon araw. Isa na nga doon ang mag-scuba diving. Tinanong rin nila ako kung anong nangyari kagabi. Kung anong oras ako natulog at kung malilikot ba daw sila.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now