Inspiration

3 2 0
                                    

Chapter 7

NAGING inspired akong pagbutihin ang paglalaro ko, dahil kay Reese. He makes me play the mini tournament with my best. Dahil inspired ako, sunod-sunod akong nakapuntos.

Kanina pa pala sila nanonood sa amin, pero dahil hindi ko sila napansin ngayon ko lang nalaman. Todo cheer sa akin sina Reese at Ate Rae. Natatawa na lang ako minsan sa kanila, ang ingay nila lalo na kapag nakakapuntos ako.

Natapos ang second quarter na kami parin ang panalo. 70-62. Dahil may 5 minutes break kami, lumapit ako kina Reese. Agad ako yumakap kay Ate Rae.

“Luh! Si Ate Rei lang yung niyakap. Sige, I'm strong, I don't cry.” nagtatampong ani Reese.

“Baliw. Ano bang nakain mo?” natatawang tanong ko.

“Talk to my hand.” aniya at itinapat ang palad niya sa mukha ko.

Natatawang hinila ko naman ang kamay niya at niyakap siya. Nagulat pa siya pero agad rin namang natawa.  Nang Bumitaw na kami sa yakap ay napailing na lang ako sa kanya.

“Ri, Kanina pa yan siya good mood. Ano bang kalokohan ginawa niyo kanina? Hindi rin kayo sumunod agad sa amin pabalik dito.” ani Ate Rae.

Natawa na naman kami ni Reese. “Secret!” sabay naming anas ni Reese. Nakatingin pa kami tapos ay natawa na naman.

May sasabihin pa sana ako nang tawagin na ako ni Coach. Nagpaalam na muna ako sa kanila, at bumalik na kina Coach. Nakangiti pa rin ako nang bumalik ako sa kateam ko.

Agad naman akong nakatanggap mg asaran sa mga kateam ko. “Uyy!! Sino yun, Ate Ria ah? Jowa mo ba?” tanong ni Agnes.

“Baliw! Kaibigan ko yun.” sagot ko nalang.

Patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin, tumigil lang sila nang magsimula na ang Third Quarter. Lahat kami ay pagod na, ang mga kateam ko ay kanina pa nag sa-substitution pero tanging ako lang ang isang beses lang nagpa-sub. Kailangan kong sanayin ang sarili ko para mas lumakas ang stamina ko.

Nakakapagod na pero konti na lang matatapos na namin ang tournament. Kahit pawisan at naiinitan na kami hindi namin alintana iyon. Kapag nakakapuntos ang kabila ay agad kong dinodoble ang puntos namin para hindi nila kami malamangan o makahabol sa puntos namin.

Naipanalo namin ang third quarter ng laro pero nang dumating na kami sa fourth quarter ay nahahabol na ng kabilang kupunan ang puntos namin, may pagkakataon pa nga na dalawang puntos na lang ang lamang namin sa kanila.  Nagtapos ang tournament namin sa score na 125-121.

And guess what, our team won. Narinig ko pa ang malakas na hiyawan nila Reese at Ate Rae nang ma-ishoot ko ang three points shot bago matapos ang oras. Maipasok ko man o hindi ang bola bago matapos ang oras ang panalo pa rin kami, pero mataas ang pride ko para maipanalo lang ang laro ng isang puntos lang ang lamang namin, kaya pinili ko talagang gawing three points shot ang huling tira ko.

“Whooo! Ang galing mo talaga, Idol!” sigaw pa ulit ni Reese.

“16,pa-autograph naman!” sigaw rin ni Ate Rae.

“Kalma! Ako lang!” sigaw ko naman pabalik sa kanila. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Napagtanto kong anv supportive nila. Kahit kanina, habang tumatakbo lang ako at hindi tumitira nagchi-cheer pa rin sila sa akin. Ang cute lang nila. Matapos ang pakikipagkamayan sa kabilang kupunan ay bumalik na kami  sa dating team namin at lumapit kay Coach namin.

“Congrats, Ate Ria! Wala ka talagang katulad. Grabe ka na.” saad pa ni Isabel. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Pinuri rin ako ng iba ko pang mga kasama at nagpasalamat sa pinakita nilang husay.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now