Written Feelings

2 2 0
                                    

Gusto Kita, Ginoo

Magandang hapon sa iyo, Ginoo.
May gusto lamang akong sabihin sa iyo,
Gusto kita, Ginoo.

Hindi ko alam kung ikaw ay maniniwala sa akin,
Ngunit ito ang nais kong iparating sa iyo.
Simula nang ako'y iyong kausapin sa unang pagkakataon,
Hindi ko inakalang ang simpleng pagbanat ko sa'yo'y mauuwi sa ganitong damdamin.

Hindi ako naniniwala sa 'Love at first sight',
Ngunit sa iyo ito'y naging 'Like at first talk'.
Akala ko ito'y panandalian lamang,
Ngunit sa pagdaan ng mga araw ito'y hindi ko na mapigilan.
Ang simpleng pagtatama ng ating mga mata'y libo-libong kuryente ang hatid sa aking kalamnan.

Lagi kong pinapakinggan ang iyong mga story, para lamang marinig ang iyong pagkanta.
Sa sobrang ganda ng iyong boses ay ako'y laging natutuliro.
Dumating pa nga sa puntong ako'y di nakakatulog kapag hindi ko naririnig ang iyong pagkanta.

Ang cute mong mukha, na hinding-hindi ko pagsasawaan.
Alam ko'y ito'y nakapaimposibleng paniwalaan,
Ngunit ako'y iyong nabihag,
At mas lalo pang nahuhulog.
Sana'y huwag kang mailang,
Sapagkat nais ko lang malaman mo,
Gustong-gusto kita, Ginoo.

Written FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon