The Aftermath

2 2 0
                                    

Chapter 15

AFTER that confession, we stayed friends. Right, we're still friends. But now, I no longer hold my feelings for him. Dahil sa kanya lumabas ang pagiging malandi ko. Hindi ko rin akalain na may kalandian rin pala ako sa katawan.

I never thought of confessing to anyone before, it was just him. Making spoken poetry to someone didn't struck into my mind, but when I thought of confessing to him, those freaking words stuck in my head, like hell. That makes me composed a poem inspired to him.

To: Pula
Hey! Hindi kita nakita last friday. Di ka pumasok?
Sent • 10: 41 AM

As usual nasa cafe ako ngayon at nakaupo sa loob ng counter. Sabado ngayon at buong araw lang akong tatambay rito. Balik sa dati na ako, wala na rin naman kaming training. Abala ang mga customers sa pagbabasa ang iba naman ay nakatambay lang habang kumakain o umiinom ng kape o di kaya'y frappe.

Nakita ko naman agad yung three dots indicating his typing his reply.

From: Pula
Luh , inaabangan ako. Hahahahaha

Natawa na lang ako. Totoo namang inaabangan ko siya. Nagreply naman ako sa kanya.

To: Pula
Uy! Di ah. Slight lang.

Nag-haha react naman siya sa message ko, nakita ko ulit na typing siya.

From: Pula
May lagnat ako kaya di ako pumasok.

To: Pula
Hala! Pagaling ka.

Nag-heart react naman sa sa message ko. Nagtype ulit ako ng message sa kanya.

To: Pula
Kumusta ka naman ngayon? Okay ka na?

From: Pula
Yakang yaka lang naman. Kaya goods na.

Nag-heart react ako sa reply niya at nagtype ulit ng reply.

To: Pula
Buti naman.
Dapat kasi iniingatan mo sarili mo.

From: Pula
Napa-abuso lang konti kaya nagkalagnat.

To: Pula
Huwag ka kasi magpa-abuso.
Kung ako yan, alagang-alaga kita.

Nag-haha react ulit siya sa reply ko. Nagsend rin siya ng reply.

From: Pula
Ayy iba rin!

To: Pula
Syempre, ako pa.
Lagi kitang iingatan, swear.
Witness mga palamunin ko sa bahay.

Nag-react ulit siya.

From: Pula
Hinay-hinay lang huyyy!

Nagsend pa siya ng crying emoji habang may kasunod na hahahahaha mga reply niya. Parang baliw.

To: Pula
Ayoko nga.

From: Pula
Gagi! LT mo talaga kahit kailan.

To: Pula
Ganyan talaga kapag tatay mo si Joker.

Na-haha ulit siya. Ilang oras din kaming magkachat, hindi ako makapag focus sa pagca-cashier, ang bilis rin kasi niya mag-reply, minsan naman matagal. Lagi ko rin kasing inaabangan ang chat niya. Natapos lang ang convo namin nung magpaalam na siya magla-lunch na siya.

From: Pula
Pass 12 na. Kain muna ako, Eli. Byee.

To: Pula
Okie. Kain well.

To: Pula
Hinay-hinay lang sa pagkain baka mabulunan ka, wala pa naman ako dyan para i-CPR ka.

Nag-haha ulit siya.

From: Pula
Hoy! Kapag ako talaga nabulunan dahil sayo...

To: Pula
Liliparin ko resto ninyo para ma-CPR ka.

Written FeelingsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant