Meeting The Ex

6 2 0
                                    

Chapter 4

“ATE, pupunta daw si Reese ngayon?” tanong ko.

“Oo, pupunta daw siya, pero mamayang hapon pa daw.” sagot ni ate.

Nasa Covered court kami ngayon, dalawa ang covered court ng University namin, yung isa ay malapit lang sa field at doon ang training ng basketball, mamaya ay mixed ang training namin. Paghahaluin ang team ng boys at team ng girls basketball.

Kahapon lang ay ini-released na ang memo na kung saan ngayong umaga ang tryouts ng mga gustong sumama sa laro at mamayang hapon naman magsisimula ang training. Kaso may aasikasuhing importante raw ang coach nila Ate, kaya bukas pa magsisimula ang training nila, tryouts lang ang meron sila ngayon. Wala rin naman ang Assistant Coach at Chaperone nila ngayon kaya bukas na lang daw.

Kasalukuyan naming pinapanood ang tryouts nila Accla. Ang daming baguhan na magagaling maglaro. Para ngang mga beterano na sa paglalaro ang mga ito. Karamihan naman sa mga players ng volleyball ay mga beki rin kaya madali lang nakaka-adjust si Louisse sa kanila. May mga mangilan-ngilang lalaki rin naman pero lamang pa rin ang numero ng mga bading na manlalaro.

Ang galing ni Louisse mag-set lahat ng bola na sine-set niya ay sakto lang para makapag-attack ng malakas ang mga outside hitters at opposite spikers nila.

Ilang oras pa ang tinagal ng mini tournament nila at ang nanalo sa tournament nila ay ang grupo nila Accla. 5-2 ang laban, sobrang galing kasi nila maglaro na umabot pa talaga sila ng 5 sets.

Matapos ang laro nila ay tinawag na lahat ng mga nag-tryouts para malaman kung sino-sino ang mga pumasa sa standards ni Coach Rachel. Habang tinatawag ni Coach isa isa ang mga nakapasa sa tryouts ay kinakabahan naman kami ni Ate para kay Accla.

“Ang mga pinalad na makasali ay sina...” pabinti pa si coach. “Fernando, Karl, George and Louisse.” anunsyo niya. Nagtatatalon naman sa tuwa si Accla at tumakbo pa ito para yumakap sa amin.

“Mamayang hapon magsisimula na ang training, bawal kayong ma-late. Ang late mamaya ay punishment ang bagsak.” saad pa ni Coach. “Sa mga hindi pinalad, may potensyal naman kayo kinulang lang kayo para maabot anv standards ko, pagbutihin ninyo para sa susunod makapasa na kayo.”

Tumango naman sila at kahit hindi napili ay masaya naman silang umalis. Naiwan naman ang mga nakapasa at nagmeeting muna si coach kasama sila.

“Riri, mamaya manonood kami ni Reese sa'yo.” saad ni Ate.

“Huh?”

“Natapos naman natin panoorin si Accla maglaro, ikaw naman sunod. Gusto kong makita paano ka maglaro eh.” paliwanag niya.

“Ihh, nakakahiya naman.” saad ko pa. Tatawa-tawa pa ako sa lagay ko na ito pero, kinakabahan ako for some reasons na hindi ko mapangalanan.

“Baliw ka talaga. Sino pala team captain ninyo?”

“Si Ate Sharlene Heneral.” sagot ko.

“Siya pa rin pala?”

Tumango ako sa kanya. “Yup, siya. Bakit?”

“Wala lang, akala ko kasi di na siya maglalaro.”

“Ahh.. Ako rin, pero hindi ako sure. Malay natin.”

Mamaya lang ay natapos na rin ang meeting nila, nasabi na pala ni Coach sa kanila ang mga posisyon nila. Si Accla ay Sub-Setter.

Umalis na rin kami matapos magpaalam ng mga players kay coach. Lumabas kami ng Campus at napagdesisyunang sa malapit na restaurant na lang kami kumain. Mini celebration na rin dahil nakapasa si Accla.

Written FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon