Sleepover

3 3 0
                                    

Chapter 10

SA mga nagdaang araw ay mas nagfocus ako sa training namin. Hindi na rin ako masyadong nakikita ng mga empleyado ko. Ipinaubaya ko muna ang pamamahala ng cafe ko sa manager nito.

Noon ay bumisita oa ako para I-check ang sales namin kahit may manager na ako, pero ngayon ay hindi ko na kayang gawin pa iyin kaya ipaubaya ko na muna kay Marian.

As usual kasama ko na naman si Red. Lunch break at ibang kanta na naman ang inaaral niya.

“Ilang kanta na ang na-cover mo na?” tanong ko.

“pang labing-apat na ito.”sagot niya.

“Anong kanta yan?” tanong ko ulit habang ngumunguya.

“Musika by Dionela. Gusto mong marinig?” alok niya. Tumango naman ako. “Okay.”

Nagsimulang mag-strum sa gitara niya si Red. Pumikit pa siya at parang dinadama niya ang tunog ng gitara bago siya nagsimulang kumanta.

Ikaw lang mahal, laman ng tula,
Tunog ng gitara at himig ng kanta.
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala,
Hiwaga mong dala, ikaw aking musika ~

Huminto siya sa pagkanta. I guess yun palang ang alam niya. Pumalakpak naman ako sa kanya. Nahihiyang kumamot naman siya ng ulo. “Yun palang ang alam ko, pasensya na. Inaaral ko pa kasi siya.” saad niya.

“Ayos lang. Ang ganda.” saad ko. Naubos ko na ang kinain ko kaya ibinalik ko muna iyon sa counter.

“Eli, kumakanta ka ba?” tanong ni Red pagka-upo ko sa upuan ko paharap sa kanya.

“Well, oo kumakanta. Pero ang pangit ng boses ko. Kaya pass lang sa singing.” natatawang aniko.

“Luh. Disclaimer agad. Sige na parinig naman ako.” pamimilit niya.

Sa mga araw na lagi kong kasama si Red, napansin kong may pagkamakulit rin siya. Yung tipong hindi ka niya titigilan hanggang hindi mo siya pinagbibigyan. Pero minsan naman ay hindi naman siya makulit, may mga pagkakataon lang. Lalo na kung nasa good mood siya.

Napabuntong hininga nalang ako. “Sige na nga. Akin na yung gitara mo.” saad ko. Ibinigay naman niya iyon sa akin. “Anong kanta ang gusto mo?” tanong ko.

“Ikaw, kung anong gusto mo.” sagot niya.

“Ano na lang. Alam mo ba yung kanta na Mahika?” tanong ko.

“Oo. Yun yung nasa playlist ko ngayon.” sagot niya

“Mabuti, jamming nalang tayo.” saad ko.

“Kung ganun. Edi ako na maggigitara.” saad niya at kinuha ang gitara niya sa akin. Tumango lang ako aa kanya.

“Okay. Game.” saad ko. Nagsimula siyang mag-strum at kumanta.


Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila merong pahiwatig ako'y nananabik
'Di naman napilitan kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita

Matapos niyang kantahin ang unang verse ay naghanda na ako at kinanta ang next verse.

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan
Binibigyang kulay ang larawan na para bang
Ikaw ang nag-iisang bituin
Nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap
Ang tayo lamang ang tanging magaganap

Written FeelingsWhere stories live. Discover now