Confession

2 2 0
                                    

Chapter 13

Matapos ang laro namin ay nagkaroon pa ng party. Ilang oras lang ang tinagal ko at inimbitahan ko na lang ang tatlo kong kaibigan na mag celebrate kami sa beach house ko. Nagkantahan kami at nag-inuman rin kami. Soju lang ang ininom namin kasi minor pa raw ako. Ako lang dahil 17 na daw yung tatlo. Very good talaga.

Kinabukasan naman ay para kaming mga hunghang, hindi na rin si Red nakapasok sa eskwela dahil sa kalasingan namin. May two days rest naman kaming mga athletes mula sa laro. Nung hapon rin na iyon ay umuwi na rin sila. Hinatid ko naman sila sa mga bahay nila gamit ang kotse ni Ate Rae na dala nila, nagpa-iwan lang ako sa cafe ko nung maihatid ko na yung dalawa at si Ate Rae na lang ang naiwan.

• • •

HINDI ako maka-isip ng matino habang sinusulat ko ang tula ko para sa kanya. Ang daming senaryo ang naglalaro sa isipan ko.

What if he rejects me? What if he don't like me? What if he'll avoid me? What if mailang siya? Paano na?

Ilan lang ito sa mga tumatakbo sa utak ko. Parang ngayon palang nga ay naiiyak na ako. Hindi ko na rin alam kung paano ko ito ibibigay sa kanya. Habang nagsusulat ako at naghahanap ng tamang salita na maaaring maghayag ng nararamdaman ko para sa kanya ay lumilipad na rin ang utak ko.

Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong gagawin ko ito. Ang akala ko lang naman ay itatago ko ito sa aking sarili ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang akong nahihirapan. Hindi ko na alam, pero isa lang ang dapat kong gawin, ang ibigay ang tulang binubuo kong ito sa kanya.

Ilang beses na akong nagbura at nagsulat. Nagtataka na rin ang kapatid ko sa kinikilos ko. Parang natatae na kase ang mukha ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.

Nang matapos ay masaya ako nang mabasa ko ang ginawa kong tula para sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang nakasulat rito, ngunit isa lang ang alam ko, ito ang nagpapahayag ng totoo kong nararamdaman sa kanya.

Inipit at itinago ko iyon sa aking libro. Agad naman akong naghanda ng sasabihin ko sakaling ibibigay ko na ito sa kanya.

Mukha na talaga akong tanga. Hanggang sa paghuhugas ng plato ay iniisip ko ang mga sasabihin ko sa kanya at ang maaaring maging tugon niya sakaling mabasa na niya ito.

Kahit sa pagtulog ko ay iyon pa rin ang iniisip ko. Nagtaka pa ako nang magising ako kinabukasan dahil hindi ko inakalang nakayanan kong makatulog sa dami ng mga iniisip ko.

Nang mahimasmasan na ako ay agad na rin akong naghanda, naglinis muna ako ng bahay gaya ng laging sinasabi nila Mama. Naghugas na rin ako ng platong pinagkainan nila. Nang matapos ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para ihanda na ang mga gamit ko at ang susuotin kong damit mamaya papasok sa school. Dahil tinatamad akong mag-uniform ay magma-maong pants na lang ako at puting shirt na may nakasulat na 'Te Amo' sa may kaliwang dibdib. Miyerkules naman ngayon at athlete naman ako.  Inilagay ko na ang mga ito sa paper bag.

Naghanda na rin ako sa pagpasok sa cafe. Nag-blower na ako ng buhok ko bago ko kinuha ang hair curler ng kapatid ko. Hindi ako mahilig magpaganda pero dahil haharap ako sa kanya ay kailangan kong maging presentable.

Nag-iwan nalang ako ng sticky note na ginamit ko ang hair curler niya. Naglagay rin ako ng sunscreen sa mukha ko, nagmascara na rin ako at eyeliner. Nagkanda bura-bura pa ako ng eyeliner ko dahil hindi pantay.

Ilang beses ko pang chineck ulit ang eyeliner ko kung pantay na ba bago makuntento. Naglagay rin ako ng lip balm sa labi ko na kulay red-orange na bagay lang sa skin tone kong fair morena.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay kinuha ko na ang bag ko at ang susi ko. Lumabas na ako ng bahay at bago iyon nilock ay sinigurado kong wala nang bukas na pinto at bintana. Sinigurado ko ring walang nakasaksak na kahit ano, bago tuluyang nilock ang bahay namin.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now