Challenge

2 1 0
                                    

Chapter 12

KINAGABIHAN ay tulong-tulong kaming nagluto ng mga ulam para sa hapunan namin. Ibat-ibang putahe ang niluto namin. Nagutom rin kasi kami kakakanta sa videoke. Habang nagluluto kami ay nakukwentuhan kami tungkol sa mga nangyari noong mha araw na hindi kami nagkakasama at abala kami sa pag te-training.

“So, kaya pala ayaw mo na kaming kasama kasi si Reese na pala ang lagi mong kasama.” may pagtatampo pa sa boses ni Louisse.

Nakwento ko kasi sa kanila na yung mga araw na abala silang dalawa sa training ay kasama ko lagi si Reese, at nag-isip agad sila ng malisyoso.

Tinawanan ko na lang siya. “Ewan. Di pa ako sure.” sagot ko.

“Ah, ganun? Sige, Tara na, ate. Uwi na tayo.” sagot niya pa at hinila pa si Ate Rae. Natatawang sumunod naman sa kanya si Ate.

“Ingat kayo. Tawagan ko na lang si Red para may kasama akong kumain ng mga niluto niyo. Bye.” sakay ko sa kanila.

Napahinto naman si Accla sa paghila kay Ate at hindi makapaniwala ang kanyang mukha na lumingon sa akin.

“So, ganun-ganun na lang talaga?” tanong niya pa.

Tinawanan ko lang siya at pinagpatuloy na ang paghahanda ng mga niluto nilang ulam.

“So ganyan ka na talaga sa amin?” saad niya ulit.

“Anong gusto niyong gawin ko? Pigilan kayo? I believe that if the person really want leave you, then let them. Don't waste your time stopping them from leaving you, instead ihatid ko pa sila.” saad ko.

“Psh! Edi ikaw na. Tara na nga, kain na tayo nagugutom na ako. Tsh.” saad niya. Lumapit na soya sa lababo at naghugas ng kamay. Nakatinginan pa kami ni ate at umiling na lang kami kay Accla.

Matapos kumain si Ate na ang naghugas ng plato.

“Riri, diba grade 10 na kapatid mo, tapos ikaw night shift.” panimula ni Accla.

Lumingon naman ako sa kanya. “Then?”

“Paano mo masasamahan ang kapatid mo sa bahay eh late ka na umuuwi, tapos may cafe ka pa?” tanong niya.

“Ewan. Actually, hindi naman nila ako pinabalik sa bahay para samahan ang kapatid ko every weekdays, may ibang rason sila. Tsaka sabay naman umuuwi si Mama tsaka si Lia.” sagot ko.

“Huh? Eh ano?” tanong ni Ate.

“O, akala ko ba tapos na tayo sa tanungan portion natin.” anas ko.

Mahinang napakamot sa batok si Accla habang nagpeace sign lang si ate. “Eh curious kasi kami.” depensa pa ni Louisse.

Napabuntong hininga na lang. “Ayaw nila Mama kumuha ng katulong so yun, ako ginawa nilang katulong.” sinagot ko na lang ang tanong nila.

Napasinghap naman ang dalawa sa narinig. “Seryoso?!” tanong nilang dalawa. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mga platong hinugasan na ni Ate.

“Grabe. I can't believe them.”

“Hayaan niyo na sila. Anyway, anong gusto niyong gawin after natin dito?” pag-iiba ko ng topic.

“Mabuti pa nga. Dapat happy-happy lang tayo. What if ano... Never have I?” suggestion ni Louisse.

“Ihh. Boring yun. What if Dare or drink? Tapos yung iinumin natin mga drinks na pinaghalo-halo. Like yung coke, sprite, tsaka royal gawin isa. Ganun.” suggestion rin ni Ate.

“Parang mas bet ko yung kay Ate.” saad naman ni Accla.

“So, ano man? Yun na, Riri?” tanong ni Ate.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now