The Isidro Family

2 3 0
                                    

Chapter 9

MATAPOS ang training namin ay tumambay muna ako sa cafe ko. May mga Junior High akong nakikita sa cafe ko, ang iba naman ay mga estudyante sa mga kalapit na University. Dahil pagod ako ay sa counter na lang ako naglagi.

Ako ang pumalit na cashier kay Jane, habang siya naman ay tumulong sa mga kasamahan niya sa pag-asikaso sa mga customers.

Nang papalubog na ang araw ay parami nang parami ang mga estudyanteng pumupunta sa cafe ko. Ngayon ay maraming Senior high na sa iba't ibang unibersidad ang tumatambay rito. Mamayang alas nueve pa ang sara namin kaya kahit pagabi na ay may mga tumatambay pa rin para mag-aral, magbasa, at magmiryenda. May mga estudyante namang nawili sa pagpapatugtig ng piano at gitara.

May pagkakataon naman na pinapalitan ako ni Jane sa counter para makatulog muna ako. Minsan kasi ay sa sobrang pagod ko nakakatulog na ako sa counter. Katulad na lang kanina, nakaidlip ako sa sobrang pagod kaya pinalitan na lang ako ni Jane sa pagiging cashier.

Kasalukuyan akong nasa loob ng maliit kong opisina. Kakagising ko lang. Nag-inat-inat muna ako ng buto bago tumayo. Alas otso na ng gabi, hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kaya lumabas na lang ako at tumulong sa mga empleyado ko.

“Madam, bakit pa po kayo tumutulong sa amin? Ang dami na namin dito, kaya na namin ito.” anas ni Kerm.

“Ano ka ba, ayos lang. Tsaka kailangan kong pagalawin ang mga muscles ko para hindi ako tamarin.”

“Madam, kumain na ba kayo?” tanong naman ni Ken.

Umiling lang ako sa kanya. “Mamaya na. Tsaka doon na ako sa bahay nila Red kakain.”

Agad namang ngumisi ng maloko ang mga empleyado ko. “Boss, kayo na ba nung Reese na iyon?” tanong ni Andy.

“Oo nga, Boss. Kayo na ba nun? Bagay naman kayo eh.” gatong pa ni Edgar.

“Mga baliw. Kaibigan lang kami nun.” saad niya.

“Kaibigan daw pero may pameeting the parents nang magaganap” pang-aasar ni Noralyn.

“Tse! Bumalik na nga kayo sa trabaho.” saad ko. “Teka. Bakit mga pagmumukha niyo pa rin ang nakikita ko? Nasaan na ang iba? Diba sa umaga ang shifts ninyo?”

“Hala! Si madam. Diba nga po yung mga baguhan ang inilagay ninyo sa pang-umaga kasi hindi pa sila sanay sa trabaho. Habang kaming mga matagal na rito eh sa panggabi ninyo inilagay kasi nga sanay na kami. Tinanong niyo pa nga kami kung ayos lang sa amin eh.” paliwanag ni Jane.

“Ganun ba? Nakalimutan ko, pasensya na. Kumain na ba kayo?” tanong ko.

Tumango naman sila sa akin, iniwan na nila ako at bumalik na sa trabaho. Tumunog naman ang phone ko. Nakita kong kay Red iyon.

3 unread messages

From: Pula
Hoy! Sure kang sabay ka na sa akin?
Sent • 8:23 pm

From: Pula
Mauna ka na lang sa bahay. Cleaners ako.
Sent • 8:39 pm

From: Pula
Eli, wala ka bang load? Tawagan nalang kita mamaya. Sige, ingat ka.
Sent • 8:47 pm

Tiningnan ko ang oras at nakita kong malapit na mag-alas nueve. Nagpaalam muna ako sa mga empleyado ko, bago ako dumiretso sa parking at kinuha ang motor ko.

Madali lang akong nakapasok sa campus namin. Imbes na sa parking lot ako pumunta ay dumiretso na agad ako sa building namin. Pinark ko sa gilid ng building namin ang motor ko at tinakbo ang hagdanan.

Dahil nasa first room lang ang room nila Red ay agad kong nakita ang mga kaklse niyang kakatayo pa lang sa mga upuan nila, at handa nang magpaalam sa teacher nila.

Written FeelingsWhere stories live. Discover now