🍎 CHAPTER 5🍎

694 29 0
                                    

Tali!

SOY-SOY POV'S"

"Boy! Gising na! Mommy is calling and she wants to talk to you! Yo---"

"Hi Mama! Kumusta po kayo diyan? Ayos lang po Ako Ma" Wika ko kahit papikit pikit pa Ang mata.

"Nagriring palang Tanga!"

"Ayy! Sabi ko nga! Ma oh... Si kuya Sawa inaaway Ako" Nakangiting Mukha ni Mama Ang bumungad sa screen Ng Laptop at hawak na naman Niya Ang cute na batang si Chantal na siyang inaalagaan niya sa Thailand.

"Anak Sewa, wag mo naman inaaway Ang kapatid mo" Malaki Ang ngiti na dinilaan ko ulit si kuya Sawa na naglalaro Ng ML sa gilid.

"Ma! You are favoring soy soy again! Kaya lumalaki tong may deperensya sa utak!" Inayos ko Ang upo sa kama at kunwaring pinapahid yong luha sa Mukha para mas lalo pang mapagalitan Ang Sawa.

"Hayaan mo nalang Anak, Ikaw Ang mas matanda sa inyong dalawa wag mo nalang patulan Ang kapatid mo" Mas lalo pang lumaki Ang ngiti ko sa sinabi ni Mama habang may pinapakain Kay Chantal na dumidikit Ang Mukha sa laptop.

"Bweee... Buti nga sayo! Mama! Ang kotse ko ayaw ko Ng manghiram Kay Sawa!"

"Tsk! Pabebe na naman Ang Tanga!"

"Baby... Hindi ka pa pwedeng mag drive Bata ka pa" Nalukot bigla Ang Mukha ko sa sinabi ni Mama, binababy Niya parin Ako kahit magbebente uno na Ako sa December.

"Mama! Magbebente uno na Ako Hindi na Ako Bata ehhh"

"Mga anak tawag nalang Ako mamaya, nangungulit na naman Kasi si Chantal"

"Mama! Kotse ko! Aya---"

"Sige ma, mamaya nalang ulit I love you, ingat ma"

"Mahal ko Rin kayo mga anak, Sige na"

"Maaaa!!" Sinamaan ko Ng tingin Ang Sawa Ng hablutin Niya Ang laptop sa kamay ko at bigla itong i off.

"Tsk! Para Kang sira!"

"Hoy Sawa! Bawiin mo yong sinabi mo! Hindi Ako sira!"

"Bilisan mo magbihis dahil ihahatid kita sa school, faster soy soy!!"

"Sawaaaaaaa!!!!!" Nakangiti siyang lumabas Ng Room ko habang umiiling Ng makitang dilaan ko na naman siya habang itinataas Ang gitnang daliri, itinapon ko yong unan ngunit tuluyan na siyang nakalabas at pabagsak na isinara Ang pinto.

Tumakbo Ako papasok sa Hindi kalakihan Kong banyo pero mas gusto ko talaga yong banyo sa mansion ni boss walang makakapantay sa laki Ng mga banyo nila at sa sobrang laki pwede ka Ng magpatayo Ng kusina sa loob, nagmamadaling hinubad ko Ang mga suot at tinungo Ang shower para magsimulang maligo habang nagsasabon sinasabayan ko ring kumanta para gumanda Ang mood ko dahil iyon naman talaga Ang nakasanayan ko habang nasa loob Ng Banyo kumanta Ng kumanta Hanggang sa magsawa.

Lumaki Kaming dalawa ni Sawa na Wala sa tabi Namin si Mama at Papa, sampung taon na silang hiwalay kaya sampung taon naring Kaming naghihintay kung kailan uuwi si Mama sa Bahay na ito, nong naghiwalay sila dahil sa pambababae ni Papa naisipan na agad ni Mama na mag abroad para kalimutan si Papa na Hindi manlang kami naisip ni kuya Sewa pero kahit ganoon Hindi naman Niya nakakalimutang tumawag at mag text samin lage kapag may free time Siya sa trabaho Niya, nasasanay narin kami ni kuya Sewa na mamuhay na Wala sila sa tabi namin.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now