🍎 CHAPTER 15🍎

528 32 0
                                    

Horse riding

"APPLE POV'S"

"Adi! Ayos ka lang ba talaga? Bakit Nakita Kong umiiyak ka kanina?" Umiling ulit Ako dahil kanina Niya pa iyan tinatanong sakin at Hindi na Niya Ako tinantanan pa.

"Guys! Tara! sabay na kayo samin! Papunta Rin kami Ng cafeteria!"

Katatapos lang Ng P.E sports nila kaya nakalabas na kami sa tinatawag nilang Open big court, Ang pinagtataka ko lang bakit P. E Sports? Diba Physical Education iyon? Ahhh tama pinadaan nila sa sports para makapag exercise Ang katawan Ng lahat, pwede Rin naman iyon para talagang ma stretch Ang katawan mo.

Nakita Kong sumabay samin Ang kambal at may Kasama silang Isa pang babae na pyra Ang pangalan, Kasama Rin nila si Lane na tahimik lang na naglalakad sa tabi ni Isabella.

Nakapasok kami Ng cafeteria kaya halos lahat Ng studyante sa loob nakatingin samin lalo na sa pwesto ko habang may binubulong na naman, Nakita ko Ang ginawa nila sa Mukha ko sa sinasabi nilang page at Hindi ko iyon nagustuhan, ginawa nila iyong katatawanan.

It's okay! Hindi naman nila Ako Kilala! Hahayaan ko lang silang pagtawanan Ako bullyhin o kung Ano ano pang katatawanan Ang gagawin nila sakin tatanggapin ko Ang lahat Ng yon kahit sobra sobra na Ang ginagawa nila sakin hanggat kaya ko pa Ang lahat Hindi parin Ako aalis sa school nato!

Pumuwesto sila sa gitnang mesa Kaya umalis muna Ako para pumili Ng salad na siyang nakasanayan Kong kainin rito sa cafeteria nila, napansin Kong sinusundan nila Ako Ng tingin kaya binaliwala ko nalang iyon habang tinuturo ko sa matanda yong gusto Kong kainin Dala Ang tray na bumalik Ako sa pwesto nila at agad na umupo para magsimulang kumain, Hindi ko na sila pinansin pa Ng taka nila akong tiningnan habang ngumunguya.

Narinig ko na naman Ang typical na ingay Ng babaeng may inaadmire habang umiimpit Ng tili at ngumingisay pa sa kilig na napapatingin sa salaming pinto kung saan pumasok Ang kanilang mga iniidolo sa buhay.

"Kyahhhhhhh!!!"

"Ang gwapo talaga Ng mga babes ko!"

"Hansley my love and only"

"Prince Xhyl sweetheart! Akin ka nalang please!"

"Woy! Angko---este boss si Lane nandito! Tara! Pagdugtungin natin Ang mga mesa para makasabay ni boss Ang Ante Ng Buhay Niya hehe"

"Swerte ni boss! Kikiligin na Yan mamaya"

"Jackpot Ang tadhana Kay boss! Pagkakataon munang manuyo!"

"Girls! Pwede ba kami rito?"

"Hindi! Pero dinudugtong niyo na Ang mga mesa Kaya anong magagawa Namin?"

Pinagdugtong nila Ang apat na mesa sa magkabilang gilid Ng mesa Namin at dahil ako Ang nasa kabilang gilid nakikita ko Ang ginagawa nila habang dinuduro na naman ako, pinabayaan ko nalang sila dahil wala akong pakialam pa sa kanila.

"Hoy dumb girl! Saan ka pupunta? Tapos ka na?" Hinarangan Ako ni Cales at Jerry kaya Hindi Ako nakadaan agad ngunit nilampasan ko lang sila pero itinulak nila Ako kaya muntik na akong madapa pero nahulog yong tray na Dala ko, pinulot ko iyon at nilampasan ulit sila Bago lumapit sa matanda at tinuro ulit yong salad na gusto Kong kainin, madalian Niya iyong ibinigay sa akin na para bang iniiwasan Niya Ako.

Pabalik na sana Ako Ng may humampas sa Dala Kong tray kaya dagliang kumulo Ang dugo ko sa taong gumawa non yong lalaking maraming tattoo sa kamay na tinatawag nilang Luis Ang siyang nagpahiya sakin kahapon at pinakain sakin Ang maduming spaghetti, inaamin Kong Hindi ko nagustuhan iyon pero anong magagawa ko nagtitimpi lang Ako sa tanginang lalaking to at ngayon gumagawa na naman Siya Ng eksena sa harap Ng lahat.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now