🍎 CHAPTER 98🍎

242 22 2
                                    

Admiration!

"LOGAN POV'S"

"Anak! Ano bang ginawa ko sayo para Ganituhun mo ako? Binigay ko naman sayo Ang lahat pati bisyo mo sinuportahan ko pa! Ano pa bang kulang? Ngayon sabihin mo may pagkukulang ba Ako sayo? Hinding Hindi to magugustuhan Ng Ama mo Oras na malaman Niya Ang lahat Ng mga ginagawa mo!"

"Wala naman siyang pakialam satin! Bakit pa Siya makikialam? Mom, Hayaan niyo nalang ho ako, I Know what I am doing!"

"Anak, alam Kong mabilis ka lang matukso sa mga babae pero wag naman si Sara anak, Marami namang babae diyan bakit sa kaniya ka pa pumatol?"

Pagkatapos Ng mahabang discussion kanina tungkol sa nangyari, napag desisyonan nilang Hindi Ako makakapasok Ng dalawang linggo.

Napatingin Ako Kay Kay Mommy Ng hawakan Niya ako sa balikat habang seryoso akong tiningnan.

"Bakit? Ano ba talaga Ang totoong nangyari? Hindi ko alam kung kaninong Ako maaawa, Ikaw ba na anak ko o Kay Xhyl na Kaibigan mo! Alam mong Hindi Niya iyon magagawa! Kilala mo Siya dahil ilang taon Rin kayong nagsama! Alam mo bang Nakita ko Siya kanina sa labas Ng gate nakatulala habang tinatawagan si Temmy, Tinanong ko pa nga kung ayos lang Siya pero Ang sagot niya "I'm always Fine Tita, I'm sorry for Logan" Iniisip ka parin niya"

"Mom, I'm so-sorry, Hindi ko na ka-ya, Pinoprotektahan ko lang naman kayo pero Isang tao lang Ang nahihirapan Ng dahil sakin!"

"Logan! Saan ka pupunta?"

Hindi ko na nilingon pa si Mommy dahil tumakbo na Ako sa buong field at kahit pinagtitinginan Ako Ng masama Ng lahat ay binaliwala ko nalang iyon.

Kailangan Kong mahabol si Boss baka nandito pa Siya.

Utos Rin naman Niya Ang lahat Ng to! Plano niya Rin to!

I know sa Simula palang ginagamit na Ako ni Sara para pabagsakin Ang buong Section Azalea lalo na Si Boss dahil sa gusto niyang malamangan ito sa lahat Ng academics.

Matalino si Sara kung Hindi Niya lang hinahaluan Ng kalandian pero baliw Siya kapag nag umpisa na siyang mag plano, lahat Ng gusto Niya ay magagawa Niya kahit Ang kapalit ay katawan Niya.

Mas gugustuhin Niya pang magpa alipin sa kama Basta Hindi lang sa academics kaya naman Ng lumapit Siya sakin ay natukso Ako sa kaniya, hindi nakayanan Ng kamandag ko Ang pagiging mapanukso niya kaya nagpadala Ako sa kaniya pero Hindi ko alam na iyon na Pala Ang Plano Niya sa Simula palang.

Ang gamitin Ako para pabagsakin Ang buong Section Azalea at si Boss

Pagkatapos Ng pag niniig Namin Ng gabing yon, sinabi niya sakin na ikakalat Niya Ang video Namin kapag Hindi ko Siya sinunod, pinagbantaan Niya Rin Ako na sisirain Niya Ang Buhay Ng pamilya ko, Oras na sinuway ko Siya, marami pa siyang sinabing Pagbabanta sakin pero Isa lang Ang Hindi ko nagustuhan, Ang sirain Ang Section na matagal Ng buo.

Ang Section Azalea!

Hindi Ako pumayag sa pinapagawa Niya sakin at binaliwala ko lang Ang mga Pagbabanta Niya pero nong mga nakaraang araw ay biglang nagkagulo sa Bahay dahil may nagnakaw Ng Pera sa Kompanyang pinapatakbo Ng pamilya ko, nong una binaliwala ko lang iyon ngunit Ng tumawag si Sara sakin ay sinabi niya Ang lahat.

Siya Ang may gawa sa pagkawala Ng Pera Namin, may Isa siyang tauhan na nagtatrabaho sa Kompanya Ng pamilya ko, ilang araw Rin naging miserable Ang Buhay Namin dahil sa pangyayaring yon kaya sinabi ko Kay Boss Ang problema ko.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now