🍎 CHAPTER 12🍎

546 28 1
                                    

Stalker

"APPLE POV'S"

Napangisi Ako Ng mapansing may kanina pang nagmamasid sakin habang naglalakad Ako sa skenita na siyang nakasanayan kung gawain tuwing uuwi Ng hapon sa tinutuluyan Kong apartment, Hindi ko pinahalatang nakikita ko Siya na kanina pang sumusunod sakin kaya naman mabilisan akong nagkubli sa Isang trash can na nasa tabi Ng daan, Nakita Kong nagpalinga linga Siya Ng Hindi Niya Ako makita inilibot Niya Ang tingin sa buong paligid at napatakbo sa pwesto ko, tumayo Ako Ng may pag iingat at agaran siyang kinulbit sa likuran.

"Ahhhhhhhhhhhh..... Multoooooooo!!" Napangisi Ako Ng marinig Ang matinis niyang boses kaya kinulbit ko Siya ulit habang Nanginginig na nakataas Ang kamay at Dahan Dahan akong tiningnan, laking gulat Niya Ng makita Ako. "Hi-hi! A-Ante Apple! Ikaw Pala? Si-sige una na a-ako may ga-gawin papala Ako" At dahil maliit pa Siya sakin hinablot ko Ang manggas Ng polo Niya sa likod kaya nagtangka siyang tumakbo pero mas lalo ko pang diniinan Ang kapit sa polo niya para hindi Siya makatakas, Kamot ulong napaharap Siya sakin habang Hindi makatingin Ng diritso sa mismong mga mata ko, mataman ko lang siyang tiningnan habang Hindi parin Siya binibitawan. "Hehe... Du-Dumadaan Karin Pala rito? Ako Rin Kasi ehhh.... Sa-sakto Nakita kita kaya sa-sabay na tayo? Pwe-pwede mo na ba akong bitawan?" Hindi ko Siya bibitawan hanggat Hindi Niya sinasabi Kong bakit Niya Ako sinusundan!

Niluwagan ko Ang kapit ngunit Hindi ko parin Siya binibitawan kaya awang awa yong Mukha niyang napapatingin sakin at sa kwelyo niyang hawak ko, napapatingin Siya sa Mukha ko habang kumakamot Ng ulo Ng maintindihan Niya Ang gusto Kong iparating.

"So-sorry Kasi sinusundan talaga kita! Pero wag Kang magsusumbong na Si angko---este si boss Ang may pakana nito hehe...Gusto Niya lang kasing alamin Kong sino ka ba talaga!" Pabagsak Kong binitawan Ang manggas Ng polo Niya Bago Siya talikuran, naramdaman Kong nakasunod lang Siya sakin at nagsimulang dumaldal at kung Ano anong binabanggit Hanggang sa napunta sa pamilya Niya sa mommy niyang nasa abroad at sa kuya niyang criminology na pagtatapos na ngayong taon.

Pagdating ko sa apartment nakaabang na sa harap Ng pinto Ang land lady kaya Ng makita Ako nito nakaabang narin Ang kulubot nitong kamay na lumapit pa sakin at napatingin sa taong nasa likuran ko.

"Sino Yan? Kapatid mo? Dodoblihin ko Ang hingi sayo kapag dito mo Yan pinatira! Akin na Ang bayad mo! Hinintay kita rito kanina pero Hindi ka umuwi kagabi! May problema ka ba sa pinagtatrabahuan mo? Aba! Umalis ka na sa apartment ko kung ganoon dahil baka hindi ka na makabayad sakin! Naniniguro lang! Hindi lang Ikaw Ang may pangangailangan rito may pamilya Rin akong pinapakain!" Inabot ko sa kaniya Ang 2500 Bago Siya tinalikuran at pumasok sa loob Ng apartment.

"Hello po, magandang hapon"

"Magandang hapon Rin sayo iho! Dito ka na ba tutuloy?"

"Ayy Hindi po"

"Oh siya sabihin mo lang sakin kung kailan at ako'y mauuna na dahil marami pa akong gagawin"

Dagliang tumalon si Adi sa paanan ko Ng maupo Ako sa maliit na kama, hinawakan ko Ang mabalbon nitong balahibo kaya tudo siksik Siya sa paanan ko para Lambingan Siya.

Narinig ko Ang Papasok Ng dalawang pares Ng sapatos sa loob ng apartment ko.

"Wow! Nagrerenta ka lang? Ang liit naman! Nakakapagtaka paano ka nakapasok sa school Namin kung sa Ganitong uri Ng Bahay ka lang nakatira? Hindi naman sa minamaliit kita pero bakit nga ba? Siguro pamangkin ka ni Ms. Audrey no? O kaya naman nagpapanggap ka lang na mahirap pero Ang totoo billionaire ka talaga! Tama Ako Diba?"

Apple's in Boys Section-Part IUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum