🍎 CHAPTER 30🍎

508 29 0
                                    

Dream!

"MAYIE POV'S"

"Mi! Nasan ka? Teka? San na Ako napadpad? Punyeta naliligaw na yata Ako!"

Inilibot ko Ang tingin sa buong paligid medyo makulimlim na pero kitang kita ko pa naman yong dinadaanan ko, Ang tanong saang Lugar Ako napadpad, Ang alam ko lang sinusundan ko si Mi dahil Nakita ko siyang dumaan rito pero ngayon hindi ko na Siya makita pa.

Sinundan ko yong daan na dinadaanan ko sa halip na bumalik ay sinulit ko nalang baka Kasi makita ko Siya rito dahil Nakita Ng dalawang Mata ko na dito Siya dumaan, may nadadaanan akong matataas at magagandang Bahay pero magkakalayo Ang agwat siguro sobrang laki sa loob Kasi halata naman sa agwat Ng mga Bahay, wala narin akong nakikitang taong dumadaan kahit motor wala narin.

Putek! Nakakatakot naman rito! Baka may mga rapist!

"Wow!"

Manghang wika ko Ng mapahinto Ako sa Isang Bahay na kakaiba sa lahat Ng Bahay na nadaanan ko kanina, mansion na yata Ang tawag nito Kasi sobrang laki ehhh Ang Kaso lang Ang daming talahib sa buong paligid at mukhang inabandona Ng may ari, kulay white and gold Ang theme Ng Bahay kaso nilumaan na siguro matagal natong inabandona pero kahit ganoon makikita mo parin Ang Ganda nito, nakaramdam Ako Ng kilabot Ng humangin Ang buong paligid na para bang may mga multo na nagmamasid pero kapag titingnan ko Ang Bahay Hindi ko talaga maiwasan Ang mamangha.

"Bibilhin mo ba Yan iha?"

Nagulat Ako Ng may biglang nagsalita sa tabi ko, Isang matandang lalaki na may Dala dalang tungkol sa kanang kamay at nakatingin Rin sa Bahay na tinitingnan ko.

"Ayy Hindi ho! Nagagandahan lang ho Ako" Wika ko Ng maka recovery kanina sa pagkagulat.

Bigla bigla naman kasing sumulpot si Lolo! Punyeta!

Napatingin ulit Ako sa Bahay na nasa harap, I think Hindi Basta bastang mga materyales Ang inilagay rito dahil sobrang Ganda parin kahit may kalumaan na sobrang dilim Rin sa loob at yong malaking gate na kulay gold ay Ang dami naring matataas na damo at talahib.

"Kahit anong Ganda Ng Bahay kung maraming sekreto Ang nakatago ay mawawalan parin ito Ng buhay!"

Napatingin bigla Ako Kay Lolo Ng magsalita siya.

"Ano hong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko. "Matagal na ho bang walang nakatira sa Bahay na Yan?"

"Mag lalabing Isang taon Ng walang nakatira diyan" Nakita ko Ang lungkot sa mga mata Niya Ng sabihin Niya iyon.

"Ang tagal na Po! Nag abroad ho ba Ang may Ari Ng mansion na Yan Lolo?"

Ilang ulit siyang umiling sa harap ko at Hindi nag iiba Ang reaksyon.

"Wala na sila"

"PO?" Mas lalong kumunot Ang noo ko sa sinabi niya, Nakita Kong ngumiti Siya Ng pilit kahit nakikita ko parin Ang lungkot sa mga Mata Niya.

"Sa lahat Ng mansion sa Lugar nato ay ito lang yong Hindi nawawalan Ng kasiyahan, sila yong pamilyang iniingatan Ng buong bayan at Ng buong Lugar kaya Ng mangyari Ang Hindi inaasahang pangyayari ay parang Patay narin Ang buong lugar"

Hindi nakaligtas sa paningin ko Ang Isang patak Ng luha sa Mukha Ng matanda kaya Nakaramdam Ako Ng kirot sa puso dahil parang importante sa kaniya Ang pamilyang sinasabi Niya na may Ari Ng malaking mansion na ito.

"Grandpa! Where are you po? Tagu-Taguan na Po tayo"

Sa hindi kalayuan sa pwesto Namin may batang babaeng nakatingin sa pwesto Namin habang tinatawag Ang lolo niya.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now