🍎 CHAPTER 29🍎

470 28 3
                                    

Surprise Voice!

"SOY-SOY POV'S"

"Hayysss Salamat! Nakapagpahinga narin sa wakas! Nirarayuma na yata Ako Ang sakit Ng balakang ko putek!"

"Ang sakit Ng likod ko! Buti nalang at natapos Rin!"

"Gagi! Hindi na Ako makakilos, dinaig ko pa matanda sa sobrang sakit Ng bewang ko!"

"Oh ikaw? Magrereklamo Karin?"

"Hindi Miss..... Ayos lang Ako hehehe"

"Pffffffffttt..... Hahahahahahaha.... Natakot na Si Juanita, wala to! Kakakilala palang under na agad?"

Nagpipigil akong matawa Ng tangkaing hampasin ni Ante Mayie si Juanita na halata Ang takot sa Mukha, Hindi Niya kasing sinasadyang matulak ito kanina at napahiga sa lapag dahil napagtripan Siya Ng lahat, tawang tawa talaga Ako sa results Ng pagtulak Niya Kay Mayie dahil talagang nauna yong mukha kaya ngayon nga ay binabantayan Siya nito para gumanti kahit ilang ulit na siyang binabatukan nito.

Under agad! Kahit kakikilala palang .

Nandito na kami sa court pagkatapos Namin maglinis kanina ay diritso na kaagad kami rito para kumain Ng snacks dahil naawa yata si Lady Buto at naisipan Kaming bilhan, wala narin masyadong studyante dahil kanina pa Ang uwian kaya pagdating Namin rito Isa Isa na silang umuuwi.

It's already 4pm in the afternoon

Nabaling Ang tingin ko Kay Ante Apple na kanina pa walang kibo sa Isang tabi, Hindi ko Siya makausap kahit ilang ulit na akong lumalapit sa kaniya kanina Kaya lang Ang layo Ng tingin, Nakita Kong tumayo Siya at Hindi napansin Ng mga kasama namin na naglakad Siya palabas Ng court kaya naman sumunod Ako, Dahan Dahan ko lang siyang sinundan Hanggang sa mapadpad kami sa Isang hallway Ng three storey building Nakita Kong huminto Siya sa harap Ng Isang matandang babae na alam Kong Janitress sa school nato dahil may nametag Siya sa kaliwang dibdib Kong Anong trabaho niya at dahil nakatalikod Siya sakin Hindi ko alam Kong Anong ginagawa Niya pero yong Mukha Ng matanda ay walang namang nag iba mukhang tinitingnan niya lang ito ngunit nagulat Ako Ng tumingin Siya sa likod kaya nagmamadaling nagtago Ako sa poste Ng building at sinilip Siya ngunit pagbalik Ng tingin ko sa kanila ay nadulas Ang matanda pero Hindi manlang Niya ito tinulungan bagkos hinayaan Niya lang itong nakadapa sa sahig, nabuhos narin Ang laman Ng balde dahil sobrang basa na yong suot Ng matanda kaya nagmamadali akong lumapit sa kanila ngunit kumunot Ang noo ko Ng makitang hinakbangan Niya lang ito at Hindi Niya talaga tinulungang tumayo.

"Manang! Ayos lang ho kayo?"

Nakita ko Ang sakit sa Mukha Niya habang nakatingin sa buong katawan Niya at sa laman Ng balde na natapon sa sahig, tinulungan ko siyang tumayo.

"Ayos lamang Ako iho, maraming salamat sa tulong mo" Madamdamin nitong wika sakin.

"Ano pong nangyari? Tinulak ho ba kayo nong babaeng dumaan rito?"

Ilang ulit siyang umiling sa harapan ko Bago kinuha yong mup at balde.

"Hindi iho, kasalanan ko kung bakit Ako nadulas Hindi ko Kasi napansin itong mup na Dala ko at nasagi ko sa paa kaya iyon Ang dahilan kung bakit Ako nadulas, oh siya mauna na Ako sayo at marami pa akong lilinisin iho"

"Sige ho Manang, wala bang masakit sa inyo?"

"Nako wala naman iho, ayos lamang Ako... Kunting kembot lang at magiging ayos narin Ako"

Apple's in Boys Section-Part ITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang