🍎 CHAPTER 36🍎

437 27 0
                                    

Linolapid the spy!

"JERRY POV'S"

"Haysss!! Makakauwi narin sa wakas!"

"Bye Iris university!"

Hindi na kami nagpa bukas sa pag uwi dahil sa nangyari kanina Kay Boss Xhyl at soybeans, pinanuod samin ni Lady S Ang CCTV sa labas Ng campus at nahagip yong dalawa na sumasakay Ng puting Van, Nakita Rin namin kung paano hinirang ni boss Ang sarili Niya para huminto Ang Van sa harap nila at diritsong pumasok sa loob pagkatapos non Hindi na Namin Nakita Ang nangyari.

Nasa labas na kami Ng campus habang hinahanda Ang mga gamit dinala narin Namin Ang gamit ni Boss at Soybeans pati narin si Adi na bitbit ni Mayenta, Siya Ang nag volunteer na magdala Kay Adi Ang itim na pusa ni boss.

"Class! Pumasok na kayo! Para makapagpahinga na tayo!"

Sunod sunod kaming pumasok at ganoon parin Ang pwesto Namin nong makaupo na kami ngunit katabi ko na Si Linolapid dahil si soybeans naman talaga Ang katabi ko.

Tahimik na tahimik Ang buong paligid Ng umandar Ang bus na minamaneho ni sir Saragosa katabi si sir Angelo.

Ringgggggggggggg

"Tita! Nandiyan na ho ba si Xhyl?" Nagtinginan kami sa pwesto ni Angkol Blake katabi si Angkol Hansley Ng sagutin Niya Ang tumawag na Si Tita Temmy.

"Hindi pa iho, Wala parin sila"

"Kakatext lang po ni Xhyl Tita papunta na raw ho sila diyan"

"Oh Siya Sige hihintayin ko nalang sila"

"Ang gulo naman! Hindi pa raw sila dumating? Tapos nag text na nakarating na?"

"Baka naglalakad pa Papasok sa hospital Diba?"

Nakita Kong nagtinginan si Angkol Blake at Hansley habang Nakakunot Ang noo na parang may iniisip pero Maya Maya lang ay pareho silang nagkibit balikat.

Tangina! Akala ko kung anong iniisip nila!

Pero nakakapagtaka nga Kasi Kilala ko si Boss Xhyl hindi yon nagpapaalam at Hindi yon nag tetext Ng Basta basta kaya nagtataka Rin Ako.

Umiling nalang Ako sa kung anong iniisip ko habang nakasandal Ang ulo sa gilid Ng bintana at tumitingin sa labas.

Umayos Ako Ng upo Ng may mahagip Ang gwapo Kong Mata sa labas. Hindi kalayuan sa umaandar naming bus may puting Van akong Nakita, Hindi Ako pwedeng magkamali yong Van na yon Ang sinakyan kanina ni Boss at Soybeans, Maya Maya may lumabas na mga lalaki at parang mga bodyguard Ang dating naka coat Ng itim at malalaki Ang katawan katulad Ng bodyguard ni Lady S para silang mga artista dahil malalakas Ang dating nila Ng sunod sunod silang lumabas Ng puting Van, sinubukan ko pang tingnan Ng may bumabang babae at bigla siyang yinukuan Ng lahat Ng lalaking nakapalibot sa kaniya na masisiguro Kong mga bodyguard Niya, Hindi ko makita Ang buong Mukha Ng babae pero pare-pareho sila Ng tindig ni Lady S at Ang ikinagulat ko pa Nakita ko Rin si Lady na ikinalaglag Ng panga ko dahil tulad Ng mga lalaki niyukuan Niya Rin ito.

Shit! Ano yon?

Tumayo Ako at nagmamadaling naglakad sa unahan Ng bus para makita ko parin yong babae ngunit nadismaya Ako Ng may humarang na malaking building sa tinitingnan ko, wala kasing tao sa pinaghintuan nila Ng Van dahil nasa likod sila Ng building na humarang.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

Lahat sila taka akong tiningnan.

"Nasan si Lady S?" Agad Kong tanong sa kanila ngunit kinunutan lang nila Ako Ng noo.

Apple's in Boys Section-Part ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon