🍎 CHAPTER 109🍎

234 16 1
                                    

Family Traditional!

"HANSLEY POV'S"

"Iho, Ano at nakatulala ka lang riyan sa upuan? Wala ka bang pasok ngayon? Ayos ka lamang ba?"

"I'm Fine"

"May nangyari ba sayo? Halata Ang lungkot sa mga mata mo Iho, May problema ka ba?"

Napatingin Ako Kay Manang Anna na maagang naglilinis sa buong Sala habang Ako naman ito at nakatunganga at walang balak tumayo.

"Uminom ka na naman ba Ng alak? Aba'y Ang dami nitong bote! Ayy Nako ikaw talagang Bata ka! Wag mo naman sirain Ang katawan mo sa kakainom, Patpatin ka na nga inaabuso mo pa, Ano bang problema mo? Pwede mo namang sabihin sakin Hindi yong sino-solo mo lang Ang problema mo, Ako'y makikinig lamang sayo"

Napangiti Ako sa sinabi niya habang tinitipon yong ilang bote ng alak na ininom namin kagabi Kasama si Nathan at Juanito.

Hindi na naman mawala Ang nangyari kahapon na Paulit ulit Kong naaalala kahit binabaliwa ko ay kusang nagpa-flash sa isip ko Ang lahat Ng nangyari.

She kissed Xhyl in front of me and that's Fucking Hurt me!

She's Fucking hurt me!

I thought Mahal Niya talaga Ako, Niloloko Niya lang Ako!

Bakit sa tuwing magkasama kami natural Ang mga ngiti Niya at Pakiramdam ko Masaya siyang Kasama Ako pero Ang Hindi ko alam nagpapanggap lang Pala Siya.

Lane! Bakit Ikaw pa?

"Inumin mo ito Ng mawala Ang hang over mo at makapasok ka pa, may pagsusulit kayo ngayon Hindi ba?"

"Thanks"

Walang kagana gana Kong kinuha ang isang basong gatas na iniabot Niya at kaagad ko iyong tinunga.

"Dahan Dahan lang mainit-init pa iyan at baka ika'y mapaso, Ipinagluto na kita Ng almusal, kumain ka nalang kung ika'y nagugutom na at ako'y maglilinis pa sa loob Ng silid mo"

"Ma-nang"

Akmang tatalikuran Niya Ako Ng tawagin ko Siya at ngumiti.

"Maraming Salamat sa pag aalaga mo sakin kahit Hindi mo Ako kaano-ano"

"Walang anuman iho, Naging malapit ka na Rin sakin kaya sinusuklian ko lang Ang kabutihan na natanggap ko Mula sayo, Oh siya ako'y maglilinis na, wag mong kalimutang kumain Ng almusal Bago ka pumasok"

Pinanuod ko siyang maglakad palayo sa pwesto ko kaya Wala sa sariling tumayo Ako at ininat Ang buong katawan.

Pakiramdam ko buong magdamag akong nagbuhat Ng Mabibigat na bagay dahil sobrang sakit Ng katawan ko, naririnig Kong tumutunog Ang lahat Ng Buto ko at Ang sarap sa Pakiramdam.

Naglakad Ako papunta sa kusina at napatingin sa mesa Ng may nakahanda na ngang pagkain roon, napangiti nalang Ako at lumapit para umupo.

Hindi na Ako magtataka dahil minsan Niya itong ginagawa sakin tuwing may hang over Ako o kaya naman nilaglagnat, minsan lang Rin Kasi akong magluto lalo pa at tinatamad na Ako tuwing umuuwi galing Ng school.

Panay order lang Ako Ng pagkain kaya iyon Ang nakasanayan ko pero iba parin kapag si Manang Anna Ang nagluluto sakin, masarap siyang magluto at Ang pinakapaborito ko sa lahat Ng mga niluluto Niya ay Ang sinangag na kanin at hinahaluan Niya iyon Ng itlog at karne na talaga namang sobrang napakasarap at mukhang iyon nga Ang niluto Niya sakin ngayon.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now