🍎 CHAPTER 94🍎

269 20 3
                                    

Save each other!

"APPLE POV'S"

"Miss, Maaari ko bang malaman Ang pangalan mo? At kung ilang taon ka na, Bakit ka kinuha nila, Kilala mo ba sila, Naalala mo ba Ang mga Mukha nila? At kung bakit mga lalaki Ang mga kasama mo? Isa ka ba sa kanila o nabiktima ka lang?"

Poker face ko lang na tiningnan yong pulis na nag i-interview sakin.

Iniisip Niya pa yata na kakampi ko Ang mga lalaking dumukot sakin.

Ilang ulit niyang tinatanong sakin Ang mga Yan pero hanggat iniisip Niya paring kakampi ko Ang mga lalaking yon Hindi ko Siya sasagutin.

Kahit magmukha siyang baliw sa harapan ko hinding Hindi ko Siya sasagutin!

Paghatid ko Kay Hans sa Hospital ay kaagad nila akong nilapitan at gusto nilang sumama Ako at dahil pilit nila akong pinapasama Wala akong nagawa kundi Ang magpatangay nalang sa kanila.

Pinauwi nila Ang mga kasama ko pero pinaiwan Ako Ng mag Isa.

Kung Hindi ba naman sila Bobo! Ako Ang nabiktima rito at walang kahit na anong clue kung anong nangyayari, Ako pa Ang gustong kausapin.

Pwes! Wala kayong makukuhang sagot sakit!

Kahit mag Umaga Ako rito sa station nila ay Wala akong pakialam.

"Miss, Magsalita ka na para mabilis Namin mahanap Ang mga lalaking dumukot sayo, Kung Hindi ka magsasalita pagpasenyahan nalang tayo Hindi ka Namin matutulungan!"

"Chief! Dahan Dahan lang baka matakot sayo si Miss Ganda, Ano ka ba naman! Hindi na Yan babalik rito"

Lumapit Ang kasama Niya na kanina ko pang napapansin na nakatingin sakin.

Naramdaman ko Ang pagtabi Niya sakin pero Hindi ko Siya nilingon.

"Hi Ganda, Ako nga Pala si Vincent Tarin, tawagin mo nalang akong Vince, Anong pangalan mo?"

"Woahh! Mr. Tarin! Pinapatulan mo yong Bata, Mahiya ka nga!"

"Tumahimik ka! Hindi nga Ako pinapansin ehhh... Hindi nagsasalita"

"Sa Dream Wishing University ka Pala nag aaral Miss? Baka naman ipakilala mo samin si Lady S Balita ko sobrang Ganda Niya! Pang universe yong katawan! Diba Chief?"

"Umalis na muna kayo rito Mr. Tarin and Salvador! Hindi Ako nakikipagbiruan sa inyo!"

"Yes Chief! Manunuod nalang kami sa labas!"

Nakita Ko Ang paglabas nila pero nakaupo habang nakatingin sa direction ko.

"Miss, Sumagot ka na! Kung gusto mong tulungan ka Namin magsalita ka na!"

"Chief, Kung pwede sanang kami nalang Ang kakausap sa kaniya"

Tiningnan Niya Ng masama Ang dalawa, Bago ibinalik Ang tingin sakin.

"Marami akong trabahong inaasikaso pero inuna kita dahil studyante kayo, kailangan Namin Ang boses mo para mahanap Ang mga salarin sa pagdukot sayo!"

"Baka Hindi talaga Siya nagsasalita Chief?"

"Anong nangyayari? Hindi parin Siya nagsasalita? Isang Oras na siyang nandiyan!"

"Galit na nga si Chief ehh... Ayaw Niya paring magsalita!"

Nakita Kong dumami yong mga tao sa labas habang pinag uusapan Ako.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now