🍎 CHAPTER 88🍎

234 25 0
                                    

Ewen & Afia!

"OWEN POV'S"

"Boss! Wow, May bagong bag si Boss, Teka, parang pamilyar Ang asol na bag na Yan!"

Napatingin kami sa pinto Ng pumasok si Boss Xhyl habang may bitbit na asol na bag sa kanang kamay.

"Hala! Kay Ante Yan! Saan mo napulot boss?"

Sigaw ni Soybeans at nagmamadaling lumapit sa pwesto nito.

"I just picked it up on the way"

"Boss, May mansanas ba Yan? Pahingi naman"

Wika ko habang nakaabang na yong kamay sa harap Niya, impossibleng walang mansanas sa loob Ng bag na Yan Hindi Yan nawawalan.

"Burara si Ante! Kung saan saan napapadpad Ang bag Niya!"

Natatawang wika ni Soybeans na pinanlakihan Ng mata ni Boss.

"Go back to your seat"

"Ante!! Wow!! Ang sexy"

Napatingin Ako sa pinto at makitang pumasok Ang Isang babaeng naka poker face Ang Mukha. Suot na Niya Ang school uniform Namin at bumagay iyon sa kaniya mas lalo siyang gumanda.

"Sexy Pata!"

"Putcha! Ang kinis!"

"Crispy Pata!"

Pero Ang kaagad Kong napansin yong band aid Niya sa magkabilang tuhod.

Naka steady lang Siya sa pinto at Isa Isa kaming tiningnan habang namamangha naman Ang lahat sa pwesto Niya.

Nakita Kong bigla niyang itinikom Ang dalawang paa habang Dahan Dahan na naglalakad papalapit sa Amin.

Para siyang penguin maglakad, ipit na ipit yong legs at parang may tinatago. Napatingin Ako sa suot niyang boots.

Gago! Ang cool Niya!

Yong ibang mga babae Ang tataas Ng medyas pero Ang iikli Ng skirt habang naka high heels pa pero Siya naka boots lang at itim na itim pa yong kulay.

"Hindi Ako pagkain! Motherfuker!"

Natawa Ako Ng isigaw Niya iyon at makitang naglalaway Ang karamihan sa mga Ungas, walang nagsalita nakatutok lang Ang lahat sa kaniya, Hindi Kasi kami sanay sa suot Niya ngayon dahil madalas lose t-shirt at cargo pants Ang suot Niya.

Pinanuod Kong lumapit si Boss Xhyl at Hindi nagdalawang isip na hubarin yong suot niyang coat ngunit nagulat kami Ng makitang naunahan na Siya ni Blake na kararating lang, nilagay Niya sa likod ni Apple Ang coat Niya kaya nakaangat nalang Ang kamay ni Boss sa iri.

Tahimik na tahimik kaming lahat habang pinapanuod si Boss at Blake na masama Ang tinginan sa isa't Isa.

Akmang tatalikuran na Niya Ang dalawa Ng biglang hablutin Ng malakas ni Apple yong coat Niya kaya nanlaki Ang mata namin Ng matangay Siya at napatihaya sa ilalim ni Apple, sobrang lakas Ng kalabog na yon dahil literal na tuminghaya Siya sa mismong kinatatayuan nito.

"Hala Boss!"

"Wh-What the Fu---"

Nakita kong tinakpan kaagad ni Boss Ang sariling Mukha Ng mapatingin Siya sa ilalim Ng palda ni Apple.

"Da-Damn it!"

"Hala! Ano kayang nakita ni Boss?"

"Namumula si Boss!"

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now