🍎 CHAPTER 27🍎

470 28 2
                                    

Mayie vs Lady S!

"APPLE POV'S"

"Sakto! Kanina ka pa namin hinihintay pipi girl!"

"Pa special pa Ang hayop! Nagpapahintay pa! Hahahahahahaha"

"Pano ba Yan! Na tsambahan ka na Namin ngayon at Wala ka Ng kawala pa!"

"Matagal tagal Rin natin siyang hinintay na abangan rito! Sakto at Hindi ka nagkamaling dumaan rito!"

"Wala Kang Kasama? Nasan yong mga ungas? Hindi mo pa sila friend?"

"Isang sapak lang Miss! Lalarga na Kasi kami mamaya kaya pa Isang sapak lang!"

Humikab Ako sa harap nila at lalampasan na sana sila ngunit may humablot bigla sa kamay ko.

"Sandali! Hindi mo kami pwedeng talikuran! Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sakin? Pinahiya mo Ako sa loob Ng cafeteria Ng ibuhos mo sakin Ang mineral water! Akala mo ba ganoon lang yon? Hindi pa Ako nakakaganti sayo simula non!"

Hinablot ko Ang kamay ko sa kamay Niya Ng maramdamang Ang higpit ng kapit Niya, napangisi siya sa ginawa ko habang pumapalakpak naman Ang mga Kasama Niya.

"Lumaban ka! Sige na! Oops! Pasensya nadulas kamay ko ehhh.... Natulak kita hahahahahahaha"

Natatawang Saad Niya at itinulak Ako, nakaramdam Ako Ng sakit sa kamay Ng makitang tinapakan nila Ang dalawang palad ko habang dinidiinan.

"Sumigaw ka bilis! Gusto naming marinig Ang boses mo!"

"TANGINA! Pipi naman yan Jerald! Hahahahahaha"

Pinalibutan nila ako habang pinagtatawanan kaya baliwala akong tumayo Ng matuwid at hinarap si Luis na nasa harap ko at siyang may pinakamalakas na humalakhak, pasimple Kong kinuha Ang sticker note sa bulsa Ng suot Kong cargo pants at magsusulat na sana Ng may tumabig sa kamay ko.

"Hindi mo na kailangan to! Magsalita ka! Magsalita ka Sabi!"

Tinulak tulak Niya Ang dibdib ko habang sinisigawan Ako Ng malakas kaya halakhak na naman nila Ang naririnig ko sa buong paligid, paglabas ko kanina sa campus alam Kong sinusundan nila Ako kaya Hindi na Ako magtataka Kong Hindi na sila katiis na lapitan Ako.

Walang masyadong dumadaan sa Lugar na to dahil ito Ang shortcut ko papunta sa Mercedes Bar kaya Ang lakas Ng loob nilang lapitan Ako.

"Oh!!"

Singhal Ng lahat Ng sampalin Niya Ako bigla sa Mukha, Napapikit Ako at pinipigilan siyang suntukin dahil nasagi Niya Ng malakas Ang ngipin ko na kanina pang sumasakit at tinitiis ko lang dahil iyon naman talaga Ako Ang magtiis at maghintay kung kailan mawawala.

"Sabing magsalita ka ehhh!! Siguro pipi Rin Ang mga magulang mo Noh? Kawawa ka naman nagmumukha ka kasing pulubi!"

"Hahahahahahahaha..... TANGINA! Pulubi! Pulubi Rin mama mo! Papa mo? Siguro kapatid mo Rin? Hahahahahahukkkk!!"

Agad Kong hinablot Ang leeg Ng lalaking lumapit sakin para lang sabihin iyon Ng harap harapan, Nakita ko Ang gulat sa mga Mukha nila Ng makitang naghahabol Ng hininga Ang Kasama nilang hawak ko.

"Hoy! Hukk!! Ackkkk!! Bi-bita-wann mo a-akoo!!"

Sigaw ni Luis kaya lang ay hinablot ko Rin Ang leeg Niya kaya ngayon dalawa na silang hawak ko, napangiti Ako Ng makitang Hindi manlang nila ako mahawakan Ng maayos, unti unti ko silang binuhat kaya nanlaki lalo Ang mga mata nila at takot na takot na napatingin sakin at alam Kong ganoon Rin Ang reaksyon Ng mga kasamahan nila na Nakita Kong napapaatras sa pwesto ko, Ang kaninang natatawa nilang Mukha ay napalitan Ng Katakot takot na hitsura Ng makita Ang ginawa ko.

Apple's in Boys Section-Part ITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang