🍎 CHAPTER 105🍎

218 17 0
                                    

I Like you!

"ISABELLA POV'S"

"Twinny, Si Mommy gusto Kang makausap"

Napatingin Ako Kay Sof Ng iabot Niya sakin Ang cellphone Niya, kaagad ko naman iyong tinanggap.

"Hindi ka raw Niya ma contact, nasan ba Ang cellphone mo?"

"Naiwan ko sa Bahay, lowbat Kasi"

"Matuto Karin kasing mag charge, Ang tamad mo Rin Kasi!"

"Nagsalita Ang Hindi Tamad, Manahimik ka muna, kakausapin ko na Si Mommy"

"Anak Sofia, Naibigay mo na ba sa kapatid mo Ang phone mo? Sabihin mo pakausap Ako sa kaniya"

"Mom, It's me"

"Anak, How's your Condition? Wala na banh masakit sayo? Ang dibdib mo? Hindi ka ba nahihirapang huminga?"

Napangiti Ako Ng marinig Ang sinabi niya Bago bumuntong hininga Ng mahina.

"I'm fine Mom, Thank you for ta-king care of me"

Narinig Kong malakas siyang napabuntong hininga sa kabilang linya kaya naging emotional na naman Ako habang pinipigilan Ang umiyak.

"Of course because I'm your Mom, That's my Juty to protect and taking care of her children with all our life, Mag iingat ka Isabel kayo Ng kapatid mo, Dalawang araw lang kaming mawawala Ng Daddy mo babalik Rin kami kaagad, Anong gusto niyong pasalubong?"

"It's okay Mom, We were Fine, Mag iingat kayo ni Dad"

"Yes Honey, We will take care, Call us kung may masakit sayo huh? Wag Kang papa-stress, always take care of yourself habang Wala pa kami Ng Daddy mo"

"Yes Mom, I will"

"I love you my Babies"

"I love you too Mom"

"Sige na, Ibaba mo na nakarating na kami sa Airport"

"Yes Mom"

Ibinaba ko na call at binigay Kay Sof Ang phone niya.

Nag out of town Kasi Ang parents Namin dahil sa business na pinapatakbo Ng pamilya Namin kaya nasasanay na kami sa kanila, minsan ay Isang buwan pa silang Wala sa Bahay kaya kaming dalawa ni Twinny at yong mga katulong Ang Kasama namin sa Bahay.

Naiintindihan rin Namin sila dahil para Rin iyon sa Amin.

"Anong condition Ng Bata Sofia?"

"Ayon dinala nila sa clinic, kawawa nga dahil ayaw tanggapin ni Jhonloyd, Hindi ko alam kung may sakit ba sa utak Ang lalaking yon dahil nasisiguro naman niyang anak Niya Ang batang yon ngunit ayaw Niya paring tanggapin! Napaka Duwag Niya! Ang sarap ibigti!"

Nandito kami ngayon sa SC Office pagkatapos Ng exam sa Umaga at makapag review narin dahil Hindi kami nakakapag review Ng maayos sa classroom dahil sobrang ingay Ng mga kaklase Namin.

"Napansin niyo ba? Ang Daming problemang dumarating sa Section Azalea, Pinamamahayan yata sila Ng Problema, Isa pa yon si Xhyl may kumakalat na namang Wala siyang kinalaman Kay Sara habang ito namang si Sara parang siraulo, Hindi to the point Ang mga sinasabi, Gusto pang mahabang paliwanag! Judge lang? Tanginang Yan!"

Himutok ni Jackie hawak Ang notebook niya.

"Hayaan mo Ang mga Yan, Problema nilang lahat yon Wala tayong kinalaman sa kanila!"

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now