🍎 CHAPTER 110🍎

245 21 0
                                    

Boss Dad!

"SOY-SOY POV'S"

"Nandito na naman ang batang Itlog"

"Si Jed Jed Ang sipag pumasok huh? Nag aaral ka?"

"Hindi! Pero hanap ko si Lab ko, Alis nga Ang panget mo Bata!"

"Bwahahahahahaha.... Napakasakit kuya Jerry Ang sinapit Ng aking buhay--"

Pakanta-kantang pang aasar ni Angkol Jemuel habang Panay turo sa pwesto ni Tom and Jerry.

"Tangina niyo!"

Pinagtawanan Namin si Tom and Jerry Ng salubungin Niya si Juanita at kinarga si Jed na hawak hawak na naman Ang itlog Niya.

"Hindi nagsisinungaling Ang Bata kaya sakto Ang sinabi mo Jed, Big boy ka na huh?"

Wika ko at hinawakan Ang ulo Niya.

"OO Ba-ta, Hindi Kasi Ako tulad mo liit hehe, gusto ko maging matangkad para Kay Lab ko"

"Bwahahahahahaha.... Mas Malala ka!"

Putang--inaa!!

Tinuro nila Ang pwesto ko habang pinagtatawanan, akmang itatapon ko Ang Nahawakang notebook sa pwesto ni Angkol Jemuel at Tom and Jerry Ng mapatingin kami sa pinto at pumasok Ang Nakakunot noong Mukha ni Boss Kasama si Angkol Owen.

Mukhang may seryoso silang pinag uusapan, napansin ko ring Hindi nakasuot si Boss Ng school uniform at pormang porma yong dating.

"Lab ko! Lab ko!"

Kasunod na pumasok si Ante kasama si Angkol Hans na kaagad napatingin sa pwesto ni Boss.

Nasaksihan Namin Ang nangyari kahapon sa paghihiwalay ni Ante Lane at Angkol Hans kahit walang label sa harap Ng gate, maraming Nakakita sa nangyari kaya naman nag viral sa DWU Ang videong kinuhanan Ng Isa sa mga studyante kahapon, ngayon usap-usapan sila Ng buong campus.

Biglang natahimik Ang lahat Ng magkatitigan si Boss at Angkol Hans

Kung nasa Bromance Movie lang sila iisipin Kong may pagtingin sila sa isa't Isa Ang lagkit Kasi Ng mga titig nila dirikta pang honeymoon na, walang sakal-sakal tumbling kaagad sa kama.

Ang ganda nila gawing Movie para kiligin naman kami sa Bromance.

Nakita Kong nilampasan ni Angkol Hans si Boss habang Ang lagkit parin Ng tingin--este Ang sama parin Ng Tingin Niya rito habang si Boss naman blanko lang siyang tiningnan.

Kung nasa Bromance Movie na naman ulit sila masasaktan si Boss dahil tinalikuran Siya Ng love of my life Niya, tsakit mo naman sa heart Angkol Hans, wag mong saktan Ang Bebe Boss mo!

Napahagikhik Ako sa katarantaduhang nasa isip ko.

"Nababaliw na Si Soybeans! Mag isang humahagikhik! May katabi ka bang Mumo diyan?"

"Tarantado! Walang mumo-este multo dahil Mukha mo palang sapat Ng katakutan!"

Sigaw ko Kay Tom and Jerry na dinilaan pa Ako.

"Giatayy ka! Yawa ka!"

"Angkol! Nasan si Bunso?"

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now