Chapter 2

16.1K 385 10
                                    


Hinila niya ako hanggang sa may bench sa may mini park at umupo siya pero nanatili akong nakatayo.


"Have a seat."


"Teka, sino ka?"


I don't know her at all yet, here she is, talking to me."Umupo ka muna," sabi niya kaya naman umupo na lang ako.


"I'm Cara Smith," pakilala niya.


"Anong kailangan mo sa akin and how did you even know me?"


"Isa rin akong nerd dati at lagi rin akong binu-bully. Pero binago ko ang sarili ko. Alam mo, maganda ka eh."sabi niya sabay tanggal ng glasses ko ngunit pinigilan ko siya.


"Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo at mukhang nagkakamali ka. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Sanay na ako sa ganito at alam kong hindi magtatagal ay mapapagod rin sila," sabi ko.


Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko and I stopped on my tracks.


"Kapag kinailangan mo ang tulong ko kahit anong oras o kahit kailan,tawagan mo ako," sabi niya sabay abot sa akin ng calling card niya. Huh? May calling card siya?


"Tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo," sabi niya sabay alis. 


Ipinasok ko na lang ang calling card niya sa bulsa ng palda ko at nagsimulang maglakad pabalik ng room na parang walang nangyari.


May mga bulungan pa rin habang naglalakad ako pero hindi ko na lamang pinansin. Ang iba naman ay sadyang nilakasan ang mga pag uusap para marinig ko.


"Hindi na nahiya yan. Sinigawan niya si Travis."


"Kawawa naman si papa Travis."


"Akala mo naman kung sinong maganda."


"Sana mamatay na siya."


Grabe sila patay agad! At yung isa naman kay Travis pa naawa. May mga evil glares pa at iniiripan pa ako. Napayuko na lang ako.


Bakit ko ba kasi ginawa yun kanina? Ano bang sumapi sa akin? Patay ako nito lalo. Baka makita na lang ang bangkay ko na lumulutang sa ilog.


Hay naku creepy naman. Nakarating na ako sa classroom pero hindi agad ako pumasok. Pinag-uusapan na naman ako at mukhang ako pa rin ang laman ng chismis. Maraming death glares at may ibang mga tinatarayan pa ko.


Pero bigla na lang nagtilian at mukhang amoy gulo na naman ito. Uh-oh.


Tumingin ako sa may likod ko at nakita si Travis na kasama ang mga tropa niya. Ang gwapo niya talaga sa malapitan, pero teka, akala ko ba naiinis ako sa kanya? 


Nakabalik lang ako sa realidad ng sinigawan niya ako.


"Tabi!"


Tumabi ako pero binangga niya pa rin ako kaya natumba ako. Ang lakas naman kasi mambunggo akala mo naman dingding lang ako. Nabigla na lang ako ng may naglahad ng kamay sa akin para tulungan ako tumayo. Tumingala ako at nakitang si Zack pala iyon, isa sa ka-tropa ni Travis.


Ngumiti siya at tinulungan ako sa pag tayo.


"Salamat," sabi ko.


"Welcome."


Nginitian niya lang ako bago umupo sa upuan niya.


Buti pa yang si Zack, sobrang pogi tapos sobrang bait. 


Pumasok na rin ako at umupo sa upuan ko ng biglang nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa lakas ng pagbagsak ko. Literal na bumagsak ako dahil sa upuan ko. Sino naman kaya ang may gawa nito ngayon? Sa daki bg may galit sa akin ay hindi ko na alam kung sino.


Pero isa lang ang gusto kong sabihin ngayon. Aray!


Ang sakit ng katawan ko lalong lalo na ng pwet at braso ko dahil sa biglaang pagbagsak. Mabuti na lamang at hindi ko naupuan ang mga pako pero nagkandapasa pasa at sugat ako sa kung saan saan.


Hay naku! Kahit sobrang sakit ng bagsak ko, tumayo ako at umupo na lang sa katabing upuan at hindi na ininda pa ang sakit. Wala naman sa akin tumatabi eh. Sanay na ako sa pagwawalang kibo sa mga sakit ng katawan na inaabot ko. 


Humapdi na ang mga sugat ko kahit pa pilit ko itong hindi ibiinda. Unti-unting dumugo ang mga sugat na natamo ko at pinunasan ko na lang ito gamit ang panyo ko.


Nanginginig pa nga ang mga kamay ko.


Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Ayaw ko na. I've had enough.

The Mysterious Nerd Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ