Chapter 29

6.3K 163 9
                                    

Woo! Yehey! Papasok na ulit kami ng school! Matagal- tagal kaming hindi nakapasok eh. Pinilit ko lang din si dad para papasukin ulit kami ng school. Dahil sa excited ako ngayon, inagahan ko ang gising ko!


Pumunta ako kaagad ng kusina. Naisipan kong subukan ulit magluto. Nagkandapaso- paso man ako ayos lang. Try and try! And tada! Ang niluto ko ay omelette and fried rice. Sana magustuhan nila.


Tinignan ko na ang oras sa wall clock. 5:20 am na pala! Kumaripas ako patakbo sa banyo para makaligo na ako. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis pero may bago sa itsura ko ngayon.

Nilugay ko lang ang buhok ko na medyo wavy ang baba at wala akong salamin. Naglagay din ako ng lip gloss.


Siguro kailangan ko ng change. Bago na rin naman ang pagkatao ko eh. I'm not Chloe Morgan anymore, instead I'm Linnea Davaux.

Bago ako bumaba ay isa-isa kong pinasok ang kwarto nila. Una, si Matt. Ayun, himbing ng tulog. Mukha siyang baby matulog ang cute! May tuyong laway nga lang sa may pisngi. Tinabihan ko siya at ginulo ang buhok.

"Psst! Sleepyhead! Wakey wakey!" Bulong ko sa kanya.


Kinusot- kusot niya ang mata at dumilat. "Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?" Tanong niya ng parang antok pa. "Huh? Bakit?" I asked. "Akala ko kasi anghel ka." Sabi niya at ngumiti.


"Loko ka! Bumangon ka na nga!" Sinigawan ko siya sabay hampas. Napatawa na lang siya at tumayo na. Lumabas na ako ng kwarto niya at tinungo naman ang kwarto ni Jeff na katabi lang ng kanya.


Binuksan ko ang pinto at tumambad ang natutulog na gwapong nilalang. Hayy. Gwapo talaga si Jeff tapos silent type sya. Pero may times na maingay siya. Ang cute niya pagmasdan. Napamulat siya ng mata dahil baka naramdaman niya ang presensya ko.


"Good morning oppa!" I said and smiled. Tumayo siya at nag smile sa akin. Nabigla ako ng yakapin niya ako at sabay bulong." Good morning baby." Uyy sleepy voice pa! Hahaha. Wala naman malisya ang yakap niya eh. Friendly hug yun!


Kumalas na siya sa yakap. "Lika na." Sabi niya at naglakad na palabas. "Mauna ka na sa baba." I said and smiled. Sunod kong na sanamg pupuntahan ang room ni Zack ng bimukas ang pinto.


Nakita ko si Zack na palabas ng kwarto. Kinukusot pa ang matang singkit at humikab. Ang cute niya din! "Hi oppa! Good morning!" Sabi ko at tumakbo papalapit sa kanya at dumamba ng yakap. Nabigla siya pero nabuhat niya ako hihi. Strong kasi siya.


"Good morning baby Nie Nie( nye nye)" he said. Oo yan tawag niya sakin para daw unique naman. Ibinaba niya na ako. "Dun ka na sa baba! Shoo dali!" Sabi ko at tinutulak- tulak pa siya.

Tumawa na lang siya at umiling. Naglakad na din siya pababa ng hagdan at nawala na sa paningin ko. Last stop, Travis' room. Pumasok ako. Wow! Ang ayos naman ng kwarto niya.


Wow! Natutulog pa siya. Mukhang baby na angel basta ang cute at gwapo in one. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi ng kama niya. Tinititigan ko lang ang mukha niya. Ang bait tignan pag tulog eh.


Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mata niya. Pambihirang bangs kasi yan eh. "Staring is rude."sabi niya na nagpabigla sa akin ng sobra. "Ah!" Sigaw ko. Nahulog ako mula dun sa gilid ng kama niya.


Ang sakit kaya. Nakakahiya pa. Dumungaw siya sa akin mula sa taas habang tumatawa pa. "Kairita ka eh. Sakit tuloy ng pwet ko." Sabi ko. "Aray ko Travis." Napasigaw ako ng mahulog din sya. Ang bigat bigat!


Tumayo siya. "Yan kasi kakatawa nakakadamay na ng tao!" Sabi ko at di makatayo. Sakit sa may balakang at pwet!

"Sorry na! Hindi ko naman sinasadya eh." Sabi niya at inilahad ang kamay niya.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now