Chapter 27

6.8K 165 8
                                    

Nagising ako ng sobrang iniinitan. Naka aircon naman kagabi ah! Anyare ba?! Pawis na pawis akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan sabay diretso sa kusina. Sabado ngayon at medyo maaga ako nagising.

Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa ref at baso. Pabalik na ako ng kwarto pero tumingin muna ako sa wall clock. 4:05 am palang pala. Ugh! Nakakainis talaga! Pero di ko alam kung bakit ako naiinis!


Pagkabalik sa kwarto ay agad akong humiga at nakatulog agad.


Hay! Nagising ako dahil sa naaamoy kong mabango. Amoy pagkain na niluluto. Hmm, pork steak ata. Napangiti ako at naexcite. Dali- dali akong tumakbo pababa at dumiretso sa dining area.


"Good morning Travey!!" Bati ko at sabay umupo sa upuan ko. Medyo nagulat siya at nagising ako kaagad ng maaga. Usually kasi ako lagi ang huli magising dahil sa pagpupuyat ko kakagamit ng cellphone ko.


"O, gising ka na agad." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagluluto. Nakakainlove yung boses niya. Medyo parang husky na something! Yung parang sleepy pa! OMO! Kung maririnig niyo lang talaga.


Pinanood ko lang siya magluto at panay ang kwento ko. "Uy, Travey travey! Buti ka pa marunong mag luto! Ako hindi." Sabi ko at nagpout pa. Humarap siya sa direksyon ko at ngumiti. Ang gwapo niya! Messy hair effect oh!

"Gusto mo bang turuan kita? Kahit simple lang na lulutuin natin. Medyo maaga pa naman eh." Sabi niya. "Yey! Talaga? Talaga? Thank you! Lovr you talaga!" Sabi ko at pumapalalpak na parang bata. Tumayo ako at niyakap siya.

Hala anong pinaggawa ko? Ang childish ko pa! Nevermind na lang nga! Mag mamaster chef kami ni Travis ko. Hahaha wala kayong pake!

"Uyy mag apron ka muna. Madudumihan ang damit mo." Sabi niya at kumuha ng apron na may design na capital S na girly design. Yung kanya ganun din pero ganun na S kay superman! Ayiee forever na this! Hahahaha.


So ayun, magluluto daw kami ng basic! Uhm, hotdog and bacon! Masaya ako kasi natapos ko yun! Medyo sunog sunog yung hotdog tapos yung bacon ang tigas. Atleast pinaghirapan ko yun.


"Ang galing naman magluto!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Syempre! Magaling ang nagturo eh!" Tinusok- tusok ko ang daliri ko sa tagiliran niya. Nagtawanan lang kami. Teka, ba't ba parang ang hapdi ng daliri ko?

Tinignan ko ito at nakita na may sugat ako. Hala! Hala! May dugo! Nanlaki ang mata ko dahil nung pinisil ko ay may dugo na lumabas!


Napansin ni Travis kung anong tinitignan ko at nakita niya ang sugat. Medyo malaki kasi tapos bukas yung sugat kaya tuloy- tuloy na umagos ang dugo. "Hala! Nasugat ka na naman!" Sabi niya at dali- dali akong hinila papunta sa lababo.

Binuksan niya lang muna ang gripo at itinapat sa umaagos na tubig ang daliri kong may sugat. Naiiyak na naman ako at nanlalamig ang mga kamay. May hemophobia ako. Takot ako sa dugo. Basta yung mapulang mapula lang.


Medyo tumigil na ang bleeding kaya nilagyan ni Travis ng pressure yung daliri. Pupungas- pungas pa sina Matt ngunit nagising sa sigaw ni Travis. "Kuhanin niyo na yung first- aid kit sa taas! Double- time!"


"Teka bakit?" Tanong ni Matt na medyo pikit ang mata. "No more questions first! Just get that fcking first- aid kit!" Sigaw niya at napatakbo yung tatlo pataas.


Umupo kami sa sofa. "Wag mo na sila sigawan." Sabi ko. Agad dumating sina Matt at binuksan ang betadine at alcohol. Kumuha din ng cotton at benda.


Pinagtutulungan nilang apat na gamutin ako." Masakit yan eh! Wag!" Sigaw ko at naiiyak na. Hinawakan ako nina Jeff at Matt sa braso para di magalaw. "Okay lang yan baby girl." Sabi ni Matt at sinusubukan akong pakalmahin.


"Shh. Patapos na oh." Sabi naman ni Zack. "Bibigyan ka namin ng chocolate mamaya pagkatapos." Sabi ni Jeff. "Talaga? Akin lang? Hindi na ulit kukunin ni Matt?" Tanong ko at pinigil ang luhang tutulo.


Tumango lang sila at ngumiti. "O ayan tapos na! Yey!" Sabi ni Travis. Hala! Nibbaby talk nila ako ngayon. Gusto ko 'to ahh! Weee! Hay salamat at natapos na kami kaagad. Makakakain na din kami.


"Hay. Kain na tayo gutom na yung anaconda ko sa tyan." Sabi ni Matt at tumayo. "Patay gutom ka talaga!" Sabi nila at tumawa. "Oo na! Patay gutoms na ako!" Sabi niya at dire- diretso nang umupo sa upuan niya.

Tumayo na din kami at umupo na sa kanya- kanyang upuan. "Teka nga, ano ba nangyari dun at nasugat ka?" Tanong sa akin ni Zack na nasa tabi ko. Tumingin naman sila sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Uhm, hinawakan ko yung kutsilyo kanina tapos ang talim pala. Hehe" sabi ko at nagpeace sign. Napa face palm silang apat.

"Wag mo na uulitin yun ha! Syempre matalim ang kutsilyo!" Inis na sabi ni Travis.


"Sorry na Travey." Sabi ko at nag pout. "Ayiee! I smell something.." sabi ni Matt at ngumisi." Oo naamoy mo na yung pagkain. Kumain ka na nga!" Inis ulit si Travis. Nagsitawanan na lang sila at napailing.


Nagpray muna kami bago simulan ang pagkain. "Bakit ang tigas ng bacon? Saka lasang sunog yung hotdog. Bro kala ko ba magaling ka? Simple lang di mo maluto ngayon ahh," reklamo ni Matt. Huh? Aray. Hindi sila nasarapan. Nawala ang ngiti ko sa labi at natahimik.


Sinikmurahan siya ni Travis at tinignan ng masama. "Totoo kaya Travis! Kita ko nga itsura mo kanina napaitan ka din sa hotdog." Sabi ulit ni Matt. Grabe talaga! Hindi ko na kinaya at tumayo ako.

"Ah, a-akyat lang ako. S-sumama pakiramdam ko eh. Hehe." Nakayuko ako habang sinasabi yun. Nautal- utal pa ako.Tumulo na lang bigla ang luha ko habang dahan- dahan akong naglalakad.

"Uyy teka di mo nagalaw ang pagkain mo." Sabi ni Matt pero hindi ko pinansin 'yon. Grabe naman yung effort ko tapos hindi nila naappreciate. Masakit pala yun.

Travis' POV

Tumayo si Chloe at umalis.

"Loko ka talaga Matt! Ang insensitive mo!" Bulyaw ni Zack na nagtitimpi. "Hala bakit? Totoo ang sinabi ko ah!" Depensa niya.

"Loko ka talaga! Naku!" Sabi naman ni Jeff.


"Kung alam mo lang kasi, nagkasugat at paso si Linnea para lang magpaturo sa akin magluto. Niluto niya yang kinakain mo ngayon. Ngayon hindi ka ba magwwalk out kung ganun ang sinabi sayo?" Sabi ko ng walang emosyon.


Tumayo na ako at umiling bago umalis. Napakaloko talaga nitong si Matt. Tahimik sila nung umalis ako. Nang makaakyat ako sa hagdan ay agad akong umakyat at kinatok siya sa kwarto.


Hindi niya binuksan kaya binuksan ko na lang. Pagkabukas ko nakahiga siya. Lumapit ako at umupo sa tabi ng kama niya.

"Nea. Uyy sorry kanina." Sabi ko. Iniharap ko siya sa akin. Tila namimilipit sa sakit. "Hala anong nangyayari sa'yo?" Nag- aalalang sabi ko


"Aray sakit."

The Mysterious Nerd Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα