Chapter 23

8.1K 194 5
                                    

This chapter is dedicated to: patotieeeee

Chloe's POV

Nandito ako ngayon sa may living room ng hideout namin. Actually mukha lang siyang normal na bahay sa labas. Nakasuot lang ako ng simpleng damit. Crop top at black skirt na above the knee.

Nagluto ng pagkain sina Zack at Travis. Sila ng marunong. Tsk. Maglulunch time na. Naligo na din sila at nagbihis.

"Kinakabahan ka ba Chloe? Este Linnea?" Tanong ni Jeff na nakatayo sa harapan ko.

"Uhm, medyo. Saka sige Linnea na lang para masanay na rin ako sa totoo kong pangalan," sabi ko at nginitian siya. Umupo naman siya sa tabi ko. Nabigla ako ng hawakan ni Travis ang kamay ko at pisilim ito. Nakaupo din siya sa malapit sa akin pero hindi sa tabi ko.

"Everything's gonna be alright Nea," sabi niya at ngumiti. "Nea?" I asked. "Uhm, oo haba kasi ng Linnea kaya I'll call you Nea from now on," sabi niya at bumitaw na sa pagkakahawak ng kamay ko. Sayang bumitaw.

"Ehem, may dumadamoves dyan na isa." Parinig ni Matt na nasa tabi ko st kunwari ay nakatingin sa kisame. Lagot na naman 'to! "Ako ba pinaparinigan mo?!" Inis na tanong ni Travis.

"Huh? Tinamaan ka ba? Haha." Sabi ni Matt at ngumisi. "Loko 'to! Damoves your face! Palibhasa naiinggit ka siguro! Crush mo siya noh? Crush ni Matt si Nea! Crush ni Matt si Nea!" Sabi ni Travis na parang pang- asar.

Parang mga batang nag-aaway eh. "H- hindi ahh! Yan?! Brad kami niyan eh! Tsk. Baka ikaw?" Si Matt naman ang ngumisi. "Hala hindi!" Sigaw ni Travis.

"Eh bakit kailangan sumigaw? Hmm, defensive." Sabi ni Matt at binelatan si Travis. Nanonood lang kami nina Zack sa bangayan ng dalawa. Narinig kong may kotse sa labas. Baka si dad na. Hindi nila narinig dahil maingay sina Travis.

Naghahabulan na yung dalawa.

"Bumalik ka dito! Hoy!"

Ayun nagtatakbuhan na paakyat. Napailing na lang ako. "Guys hoy tulong! May dragon na humahabol!" Sigaw ni Matt.

Maya-maya ay may kumatok.

I heard knocks on the door.

Bigla akong kinabahan. Hala kaya ko na ba siyang harapin? "Ako na," prisinta ni Zack at tumayo na para buksan ang pinto. Pagkabukas ay iniluwa ang isang matangkad na lalaki na naka suit at shades.

Nakakuha din ng pansin ang isa pang lalaki. S-siya kaya ang kakambal ko? Tumulo ang mga luha ko at tumayo para salubungin sila ng yakap. "Daddy? Ikaw ba ang daddy ko?" Sabi ko habang yakap pa din siya habang umiiyak sa dibdib niya.

"Yes baby. Daddy is back," sabi nito at humigpit ang yakap. Kumawala ako sa yakap at pinunasan ang aking luha.

"Pasok po kayo," pinaupo ko sila sa sofa. "Ah, sir ako po si Zack," Zack introduced himself at nagshake hands sila.

"Jeff po."

"Nice meeting you two," sabi ni dad at ngumiti. Tinanggal ni dad ang shades niya at nakita ko ang mata niyang color gray.

"Hi everyone. If you're wondering who am I, I am Leone her twin," sabi ni Leone at ngumiti. May dimple siya. Katulad ng akin. Yung mga mata niya ay kapareho din ng akin. He is handsome. Kakambal ko siya?

"Can I hug you?" I asked at may tumulong luha sa mata ko. He nodded and smiled. Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit. Yumakap din siya at hinalikan ang buhok ko. He's crying too.

"I miss you kambal." Sabi niya sa akin. Nararamdaman kong sincere siya. Kahit ngayon pa lang kami nagkikita ay magaan na ang loob ko sa kanila. Mga ilang minutong ganun ang aming posisyon.

Napakalas ako sa pagkakayakap niya at naalerto. Galing sa taas ang kalabog. "What was that?" Tanong ni dad at kukunin na sana ang baril niya pero I stopped him.

"Dad no. May dalawa po kasi akong kaibigan sa taas. Maybe sila po yun." Sabi ko. Hindi niya tinuloy ang pagbunot ng baril and sighed.

"We need to be sure." Sabi ni dad at tumayo kaya tumayo din kami at sinundan siya paakyat. "What the." Nasabi ni Jeff bigla. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nakita ko. Si Travis at Matt ayun nagsasapukan at natumba si Matt. Subsob.

"Aray ko." Sabi ni Matt. Tumatawa pa si Travis at umubo ako kunwari para mapansin nila kami. Napatigil sa pagtawa si Travis at nabigla. Tumayo si Matt na hawak ang ilong niyang dumudugo at tila di pa kami pansin.

"Bwiset ka naman eh!" Sigaw ni Matt kay Travis. Nilakihan ng mata ni Travis si Matt at di nagets. Naku Matt. "Ha?" tanong nito. Humarap siya at nakita kami. Nanlaki ang singkit na mata.

"So what is this all about?" Dad's voice boomed. Hala! Galit ba siya? "U-uhm, hi s-sir." Sabi ni Matt na tila takot.

Nakakatawa ang itsura niya mukhang batang nakabasag ng baso tapos pinapagalitan ng tatay.

"Come here." Sabi ni dad sa dalawa. Lumapit naman sila at parang iiyak. Ngayon ko lang nakitang ganyan si Travis at Matt katakot.

"Kalaban kayo noh?" Tanong ni dad. Wow nagtagalog. May accent nga lang. "H-hindi po." Magkasunod na sabi nila at umiiling pa. Sumeryoso mukha ni dad at maya-maya ay ngumiti at tumawa.

"I'm just kidding!" Sabi ni dad at tinapik ang dalawa. "Ikaw talaga dad. Kala ko mahihimatay ang dalawa." Sabi ko. Nakakinga naman ng maluwag sina Travis.

Tumawa kaming lahat. Joker pala 'tong tatay ko. Bumaba na kami at nagkwentuhan lang. Nikwento niya sa akin lahat. Kilala niya din at kaibigan ang mga totoong magulang nina Zack. Kung paano ako nalayo sa kanila at sinagot niya ang mga tanong ko.

Ngayon naiintindihan ko na. "So, bukas kukunin ka na namin. Kukunin ko kayo. Nasa Headquarters kami. Bukas ko kayo ipapakilala sa lahat. The princess and the princes. I have to go princess. I love you." Sabi niya at tumayo. He kissed me on the top of my head.

Tumayo na ako at sinamahan sila palabas. Before they left, I hugged my twin once more then they left.

Umupo na ulit ako at nagsalita. "Let's be ready. Tomorrow is the day that they will know us. The start of the change in our lives. No turning back."

Tumango naman sila. Oo, natatakot ako. Kailangan ko na lang tanggapin ang bagong mundo ko. Bukas na ang simula ng pagbabago ng mundo namin. Para akong na nanaginip sa bilis ng mga pangyayari pero totoo ang lahat, at magbabago na ang buhay ko bukas.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now