Chapter 20

8.6K 183 14
                                    

Christine's POV (Chloe's mom)

Dumating na ang araw na ikinakatakot namin. Ang araw ng kanilang pagbabalik.

"They're back." Seryoso kong sabi kay Philip.

"We protected her for years. And now that they're back, I won't let them touch even the tip of her nails." Sabi ni Philip.

"Mom!" Sigaw ni Chloe pagkapasok sa bahay. She's with her friends. "Hello po tito, tita." Sabi nila. "Thanks for helping my daughter." Sabi ko.

"Uhm, sige po tita we have to go," sabi ni Travis.

"Sige ingat kayo hijo,"  sinamahan na sila ni manang palabas. Those boys. They didn't really know who they really are, unless their parents told them already.

"Mom I'm scared." Sabi ni Chloe habang umiiyak. "Why is this happening? Do you know the bad guys?" She asked. 

I really want to tell her what's happening. To let her understand. I know she's a smart girl. But, I'm scared of what might happen.

"Baby, it's nothing. Don't worry. We're here to protect you," sabi ni Philip while trying to comfort her. "Mom, before they left. They threw this envelope. I don't understand." She handed me an envelope.

Kinuha ko ang envelope at binasa ang letter sa loob. Tinignan ko si Philip at iniabot sa kanya ang letter. They found her. Naiiyak ako hindi dahil takot akong mamatay, kundi dahil natatakot ako para kay Chloe.

"Baby sige na go upstairs and change. Kami na ang bahala." Sabi ni Philip at pilit na ngumiti. Tumayo naman si Chloe at umakyat na papunta sa kwarto niya.

"I won't let them get her. I'll die for her. We'll die to let her live." Sabi ni Philip. I agreed. "We should always be ready then."sabi ko.

Tumayo kami at pumunta sa may kwarto. May secret room kami sa loob nito. Full of guns at marami pang ibang armas. Pagbukas namin ng pinto ng room ay nakaramdam ako ng adrenaline rush.

It's quite a long time since I used and hold a gun. I feel excited and scaref at the same time. Maybe, anytime now they will enter our house and try to get Chloe.

"Ahhhhhhhh!"

Isang malakas na sigaw mula sa labas ang aming narinig at dali-daling lumabas ng kwarto.


Chloe's POV

Pumasok ako sa kwarto at agad na nahiga sa aking kama. I don't know what to do. I don't know what's happening. Pinikit ko na lang ang aking mga mata.

Gunshots.

Nandito ako sa ngayon sa may damuhan at rinig na rinig ko ang mga putok ng baril. Nakikita kong madaming namamatay. Puro duguan, sugatan, mga patay.

Merong isang lalaki. Sumisigaw siya.

"Go baby! Just go with them! My princess please!" Sinisigawan niya ang isang batang babae na natataranta na at pabay ang iyak. Hindi ako nagdalawang isip at nilapitan ang batang babae.

"Little girl come with me and you'll be safe." Sabi ko sa bata na hindi pa rin sa akin nakaharap. "Hey." Sabi ko at pinaharap siya. 

Nabigla ako at napabitaw sa pagkakahawak ko sa kanya. The little girl is...me.

"Ahhhhh!"

Nagising akong umiiyak. Anong ibig sabihin ng panaginip ko? Sino yung lalaki? 

Agad na pumasok si mom at dad sa kwarto. "What happened?" Alalang tanong ni mom sa akin at lumapit. Umupo sila sa may kama ko. 

"Yung panaginip ko it's like a lost memory of my childhood. Pero bakit puro barilan? May lalaki tapos sabi niya, sabi niya umalis na yung batang babae tapos ano tapos nung paglapit ko dun sa bata...pinaharap ko siya sa...sa akin...ako...ako yung bata..." sabi ko at humagulgol.

"I think, kailangan niya ng malaman Philip.." sabi ni mom.

"Ano pong kailangan kong malaman? " tanong ko. "We need to tell you THE TRUTH." Sabi ni dad.

Naguguluhan ako.

"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko. "We are not your real parents. Alagad lang kami na handang protektahan ka hanggang kamatayan." Panimula ni mom.

"I'm sorry-"

Naputol ang sasabihin ni dad dahil sa magkasunod na putok ng baril. "They found us." Sabi ni mom. "They're here." Sabi ni dad.

"Mom, dad - err whatsoever your names. What should I do?" Sabi ko. "Escape. Save yourself. Remember that we truly love you. We're ready to die for you. Our princess. " sabi ni mom at lumuha.

Sinamahan nila ako pababa at papunta sa may secret door namin. Mahirap tong makita dahil kakulay na kakulay ng grass. "If you find your father or if your father ever find you, tell him we're sorry." Sabi ni dad at isinara ang pinto.

Gunshots are everywhere.

I covered my ears using my hands. I'm trembling in fear and so puzzled. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Walang wala.

Putukan lang ng baril ang naririnig ko dito sa madilim at masikip na lugar na aking pinagtataguan. Dito na rin siguro magtatapos ang aking buhay.

Iniisip ko na nagsisimula pa lang akong magkaroon ng kaibigan pero anong nangyayari? Baka hindi ko na sila makita pa. Humikbi ako ng tahimik.

Maya-maya pa ay natigil ang mga putok ng baril at narinig ko ang pagharurot ng mga kotse. Hanggang sa wala na akong narinig na kung ano pa mang ingay. Maliban sa puso kong halos lumabas na sa dibdib ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Takot man ang bumabalot sa akin ay lakas- loob kong binuksan ang pinto. Tanging ilaw lamang mula sa buwan ang meron ako mula dito.

Maingat akong pumasok sa bahay. Nagkalat ang aming mga gamit. Mga basag na bote. Mga katulong namin na duguan. Ang mga guards namin. At...at ang aking mga magulang.

Tumakbo ako patungo kay mommy at daddy na pareho.

"Mom." Tawag ko ngunit hindi siya nagmulat ng mata.

"She's badly hurt." Sabi ni dad. Medyo may lakas pa siya. Sa tiyan ang tama niya.

"Baby, find your father," he was coughing.

"The flashdrive. Office. You will find it inside a black box. Near the trophies. Please save yourself. We love...we love you." Sabi ni dad and he closed his eyes.

Umiiyak ako ngayon habang papalabas ng bahay namin na minasacre. I'll live to give justice for my parents. Nang makalabas ng gate ay ang nagawa ko na lamang ay tawagan ang isang taong tanging kailangan ko ngayon. Si Travis.













The Mysterious Nerd Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt