Chapter 15

9.8K 220 1
                                    

Ughh! I regret that I really joined my mom and dad for this reunion of Travis family. Tinanong kasi ako ni mom kanina ehh tapos nag yes ako. Ewan ko ba! Panigurado aawayin lang naman ako nun ehh.

Nandito ako ngayon sa may seaside nakaupo sa sand habang mag isa. Kakatapos lang namin kumain kanina. Wala naman akong kakilala dun sa family nila ehh.

They're nice, but I think Travis is an exception. Tss. That guy. Pero aaminin ko na, hindi pa rin nawawala feelings ko sa kanya kahit pa gaano siya nakakabwisit. The more I hate him, the more I think about him.

"Hey!"

Halos mapatayo ako sa gulat ng may magsalita mula sa may tabi ko. May isang magandang babae na umupo sa tabi ko with a smile on her face. "Uhmm, hi po," sabi ko sa kanya na nahihiya.

"Hi sweetheart. Ako nga pala si Tiffany Chase. Call me ate Tippy. Sister ako ni Travis," sabi ni ateng maganda.

"Ayy hello ate. Ako po si Chloe," sagot ko naman at binigyan siya ng ngiti. "Naku! Ikaw pala yung anak ng best friend ni mommy! Nice meeting you!" Bineso niya ako.

Nagkwentuhan kami ni ate Tippy. Madali lang naman siya makaclose ehh kasi kalog siya and mukhang friendly talaga. "Uhm, by the way do you know my brother Travis?" biglang tanong niya.

"Yes po. Classmates po kami," sagot ko. Ibang-iba ang ugali ni Travis compared to ate. Hindi man lang siya nabigyan.

"Tippy!"

May biglang sumigaw kaya napaharap kami ni ate Tippy.

"Oh hi there cousins!" Sigaw ni ate Tippy at kumaway pinapapunta sila rito. Limang babae ang papalapit sa amin. Gaganda ng cousins nila parang OP ata ako ahh.

"Uyy diba ikaw yung pretty girl! Si Chloe?" Tanong nung girl na naka pink shirt.

"Yes po ate."

"By the way Chloe, meet my cousins. Jerrica in pink, Chesca in navy blue, Claire in floral, Grae in white, and oh so hot Bree in black," pakilala ni ate Tippy sa kanila.

"Hi sayo!" Sabay sabay nilang sabi. "Ay ang gaganda niyo naman po. Hihi," nahihiyang sabi ko. "Cut the 'po' baby girl. Nakakatanda naman," sabi ni ate Jerrica.

"Yah."

Nagkwentuhan din kami at naglakad- lakad na muna. Ang ganda naman dito. Hapon na ngayon at medyo tirik ang araw pero hindi namin ininda yun. Isa pa, nag lagay naman ako ng sunblock kanina.

"Uyy, guys tara sakay tayo dun sa yacht ni dad!" Aya ni ate Claire at hinawakan ang kamay ko para mahila. "Uyy mamaya na! Masunog na tayo niyan!" Sagot naman ni ate Bree na nag takip pa kunwari ng mukha mula sa araw.

Oo ate ko silang lahat. Halos magkaka edad lang sila ehh mga college na. Kaya ayan, baby girl ako. Infairness, I like the thought of having sisters. Yey! Kahit kunwari lang.

"Uyy balik na tayo sa room. Laro na lang tayo or anything. Isa pa two pa lang naman ehh. O ano, game?" Alok ni ate Chesca.

"Sige."

Napagkasunduan namin na maglaro na lang. Lumakad kami papunta sa room nila. Nilipat nila ang gamit ko sa room nila at dun na daw ako. Syempre wala na naman akong magagawa dun. Nakakahiya tumanggi.

"Yey! Ang dami natin dito! Ang saya!" Sigaw ni ate Tippy at gumulong sa kama. Oo parang sya ang pinakamaingay sa magpipinsan.

"So ano na ang pagkkwentuhan natin?" Sabi ni ate Grae. "Parang magandang about crushes niyo na lang! Magkaalaman na!" Sabi ni ate Jerrica at humiga kami sa kama. 


Bale ganto yung arrangement. 

Ate Tippy- ate Bree- ako- ate Claire- ate Grae- ate Chesca.

Uupo sa baba yung magkkwento tapos kaming nakikinig nasa may kama. Unang nagkwento si ate jerrica, sunod ate Bree at sunod-sunod na sila.

Ako na! Hala! Tumayo na ako at umupo na sa baba. "Ehem, ahh hindi ko na po babanggitin ang name ng crush ko kasi baka hindi niyo naman kilala pero lagi niya akong binubully sa school. Ayaw niya sa akin. Kahit mukha ko lang makita niya hindi maipinta ang itsura niya. Hindi ko nga alam kung bakit ang laki ng galit sakin eh," kwento ko.

"Naku! Upakan ko yan ehh!" sabi ni ate Tippy with matching pakita ng fist. "Ang sama niya sayo ah! Bakit crush mo pa?" Tanong ni ate Bree.

Napatigil ako saglit para mag isip.

"Hindi ko rin po alam ehh. Tanga siguro ako," sabi ko at ngumiti ng mapakla.

"Aww baby girl. Walang makakapanakit ng baby girl namin starting now. You're family na starting now," sabi ni ate Grae at tumayo na.

"Oo nga! Oo nga!"

"So guys! Halika na ngayon sa yacht ni dadeeh! Siguro naman pwede na diba? Let's watch the beautiful sunset!" sabi ni ate Claire.

"Leggo!" Sabi naman ni ate Grae. So ayun, pumunta kami sa yacht nila. Mga 5:30 pm na. We silently watched the sunset. Ang ganda talaga.

"Woahh! Look who's here bro!" Sabi ng isang boses ng lalaki at napaharap kami. Si Travis at isang lalaki. Nung nakita ako ni Travis ay nawala ang ngiti niya.

"Oh ate, bakit kasama niyo yang panget na yan?" Sabi ni Travis at nag smirk. "Hoy, hindi pangit si Chloe! Sapakin kita makita mo. Manners young man," pangaral ni ate. They agreed naman. Naku. I shouldn't be here. 

Kung ano-ano pang pang iinsulto ang sinabi ni Travis sa akin. Nakakasakit siya ng feelings tapos ipinapahiya niya ako sa harapan nila.

"Stop it Travis!" Sigaw ni ate Tippy obviously annoyed.

I can feel that any time now, I'm gonna cry.

Unti-unti akong umaatras. Paatras ng paatras hanggang sa nakarating na pala ako sa dulo. "Why would I stop? Is she even important? She's a low- class girl. Morgan lang siya kailangan maging mabait na ako? No thanks. Just leave," sabi ni Travis sabay lingon sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pagluha ko at kasabay nito ang pagkadulas ko sa dulo ng yacht. Sinubukan kong makakapit pero hindi ko na naabot.

"Ahhhhhhh!"

Dahil sa katangahan ko ay nahulog ako sa tubig.

"Oh my! Baby girl!"

Dumingaw sila ate sa baba at tinignan ako ng may pag aalala.

"Look what you've done!" Sigaw ni ate Tippy sa kapatid at tinuro ako. "Okay lang ako ate. It was my fault," sagot ko while trying to smile.

Lumangoy na ako papunta sa sa seaside. Umiiyak na ako pero pinipilit kong hindi humikbi. I'm outside and I can't cry with everyone looking.

Ang sakit kasi nung mga sinabi niya tumagos sakin. Halatang hindi niya naman talaga ako gusto pero nanggaling ngayon sa bibig niya at kasabay pa ng masasakit na salita.

Akala ko tanggap ko na yung hate niya sa akin pero hearing it from him and him, telling me those words in front of his sister and cousins, it was just so embarrasing.

Gusto ko na lang muna mapag isa.

The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon