Chapter 3

15.6K 384 13
                                    

Travis' POV

Nakakainis! Bakit ba tinulungan ni Zack yung nerd na yun? Akala ko ba kami anh tropa? Nga pala, ako pala si Travis Jerome Chase ang heartthrob na kinahuhumalingan ng mga babae. Sabi ng iba, masama daw ugali ko, pero para sa iba naman they find me cool for that.


Nandito ako ngayon sa bahay namin, or should I say, mansion. Dahil ubod kami ng yaman.


Nakahiga ako ngayon at nagfe-facebook. Grabe naman 1k na ata friend requests ko at tambak na rin ang mga notifs at messages. Hindi na nga ako nagbubukas ng messenger. Nakakatuwang maging heartthrob pero minsan nakakainis na rin. Kilala ako kahit saan tapos ang daming istorbo. Hindi tuloy ako malaya.


Tumingin ako ng photos at nakita ko yung throwback photos ko. Naka-tag lang ako dun pero si mom ang nag-post.Bata pa ako dun at halos hindi ko na maalala kung sino yung mga kasama namin.


Picture ko yun tapos may katabing batang babae. Dito yun sa bahay kinunan. Huh?Sino kaya ito at nasaan na siya?


Chloe's POV

"Aray...Aray! Ate Josie dahan-dahan naman po masakit."Mangiyak-ngiyak na sabi ko."Ano ba kasing ginawa mong bata ka ha! Ipapaalam ko ito kay sir at ma'am. Meron ka na namang ganito ha,"sabi ni ate Josie ang personal yaya ko.


Alam niya ang nangyayari sa akin pero nirerespeto niya ang privacy ko. Except doon sa dahil itong lahat sa pambubully sa akin. Ipinakiusap ko rin kasi na huwag niyang ipagsabi kasi ako na ang bahala.


"Ate, please po 'wag mo na sabihin. Ayoko malaman nila na binu-bully ako," sabi ko sabay napatakip sa bibig dahil sa pagkabigla. Patay! 


"A-ano? Binu-bully ka? Kailan pa?kailangan nila itong malaman."sabi ni ate.


"Ate,wag mo po sabihin please. Ayaw kong mag-away sila ni tita Kath. Please po ayoko makagulo," sabi ko. Tita ko ang asawa ng may-ari ng school. Pero hindi alam ni tita na binu-bully ako kasi yung mga bully binabayaran ang teachers para hindi magsumbong. Pang-mayaman na school eh.


"Oh sige, pero sa isang kondisyon. Ngayon lang ito dahil kapag naulit pa ito, hindi ko na alam kung kaya ko pang itago," sabi ni ate at iniligpit na ang mga gamot.


Hay naman. Paanong hindi mauulit eh parang mas lalala pa nga ata eh. Kainis talaga! Makapag-FB na nga lang.


Kinuha ko ang phone ko at may friend request at message. Matignan nga. Nagulat ako ng mabasa kung sino iyo.


"What!?"


Eh paano naman kasi si Zack ang nagfriend request sa akin. The Zachary na kasama ni Travis sa grupo.


Zachary Daniel Stevenson. Uy ang cute ng DP niya! Sa totoo lang ang pogi niya talaga, kaya nga nagtataka ako na wala pa siyang girlfriend eh. Okay, friend request confirmed. Hindi naman siya bully katulad ni Travis eh. Maybe he'll ba a good friend.



Tapos tinignan ko naman yung message. Luh, seriously? Talaga lang ha! Galing rin kay Zack yun. Online nga siya eh.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now