Chapter 12

11.6K 253 14
                                    

"Little hubby bakit ka naiyak?" sabi ko sa isang batang lalaki.

"Wifey, kailangan mo ba talagang umalith?"

I just nodded in reply.

"Wag mo akong pagpapalit ha? "Sabi niya pa.

"Pangako ko yan thayo," sagot ko. "Pramith?" Ipinakita niya ang kamay niya to do a pinky swear. "Pramith," I accepted hus little hands as we do the pinky swear.

"Mamimith kita wifey ko. Mamimith mo rin ba ang napakagwapo kong mukha?" Tanong niya sa akin at sabay papogi pose. "Thempre naman. Cute at gwapo ka kathi ehh," sabi ko sabay pisil ng pisngi niya at humagikhik.

Agad naman siyang namula. Tumigil na siya sa pag- iyak at hinawakan ang kamay ko. Pero unti- unti na akong lumalayo.


"Hubby, hubby wag mo kong bitawan!" sigaw ko.

Ako naman ang umiiyak. Unti- unti nang bumibitaw ang mga kamay niya. Tuluyan na siyang bumitaw at malayo na ako sa kanya ngunit narinig ko pa rin ang mga huli niyang sinabi.

"Diba babalik ka?! Nangako ka tha akin. I will wait for you even if it takes forever," sigaw niya at tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.

Napamulat ako ng mata. Hingal na hingal ako na animo'y pagod na pagod sa pagtakbo. Tumatagaktak ang aking pawis at ng tumingin ako sa salamin at umiiyak na pala ako. Alaala ba yun nung bata pa ako? Sino ang batang iyon? Hubby ko? At bakit ko siya napanaginipan? Kamukha niya yung bata sa picture.

Patay na kaya siya?

Napatakip ako sa bibig sa kung ano-anong naiiisip.

Lunch time na ngayon at nandun ulit ako sa may mini garden na tambayan ko. Mahangin kasi dun kaya relaxing. Mapayapa at tanging mga huni lamang ng ibon ang iyong maririnig. Kumakain ako mag-isa habang naka earphones.

Malamang sa malamang ako lang. Wala pa akong kaibigan dito. They don't want to be friends with a loser like me. It kinda makes me sad, but at the same time, alone time is perfect.

"Nandito ka pala!"

Halos maibuga ko ang kinakain ko ng may biglang sumulpot na pangit este may sumulpot na Matt mula sa kung saan.

Nasamid ako kaya uminom ako agad ng tubig. Woo buti hindi nahalata. "Sorry baby girl. Nabigla ba kita?" Tanong niya sa akin.

Malamang nagulat ako! Sa lakas ba naman ng boses niya tahos ata sa earphones ko.

Pero syempre hindi ko naman yun sinabi.

"Medyo."

"Huy kahit kailan ang daya mong pangit ka! Sinosolo mo siya! Madaya bro! Akala ko ba nag ayaan tayo tapos nauna ka," sabi ni Jeff na kasama si Zack.

Kakadating lang nila at may dalang pagkain na pinadeliver siguro nila sa McDo. So ganun childish rin pala tong mga to ahh. "Pwede sumabay?" tanong ni Zack na tila nahihiya. Nagnod lang ako bilang sagot.

"Hindi ko naman pagmamay ari yung garden eh."

"Pero pwede mong bilhin kahit yung school."

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. At syempre si Matt na naman ang kawawa. Siya ang clown namin. Nung nag joke nga siya about kina Zack at Jeff ay hinabol siya nung dalawa para batukan.

Ayun, may pagka lampa pala yun kaya ayun nadapa nasubsob din tuloy siya. Akala ko iiyak na ehh.

"That's all for today, class dismissed," sabi ni ma'am Santiago.

"Bye ma'am!"

Wee! Excited na ako umuwi ng bahay kasi ngayon daw ang balik ng daddy ko mula sa business trip niya! Pasalubong ko nandun! Inayos ko na ang mga gamit ko at isusuot na sana ang bag ko ng may umagaw nun at nabitawan ko na rin.

"Ano ba aki-"

Hayy kinuha nila Zack ang bag ko pati na rin ang mga gamit ko. 

"Kami na lang ang magdadala baby girl, puhleash!" sabi ni Matt at nagpuppy eyes kaya binatukan nina Zack at Jeff. " Eww pre baka masuka sayo yan!" asar ni Jeff. Wushuu! Pero okay seryoso cute naman kasi siya.

"We'll treat you like our real baby sis if it's okay?" Sabi ni Zack. Ngumiti ako at nagnod."Yey! Salamat mga kuya ko! Yey yey!" sabi ko at hinug sila. Oo childish na kung childish but I always dreamed of having an older brother kasi nga I'm just the only child.

"Tama na nga ang drama halika na bago pa gumab," sabi ni Jeff. Yun nga pumunta na kami ng parking at hinatid muna nila ako papuntang kotse at pumunta na rin sila sa kanya- kanya nilang kotse at sumakay na rin.

Mula nung incident, nalaman na nila na mayaman ako kaya hinahatid at sinusundo na ako.

Magkakaparehas lang naman pala ang subdivision namin ehh iba lang ng street. Nang makauwi ako ng bahay ay bumaba agad ako ng kotse at excited na pumasok ng bahay.

Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki at nakilala ko na agad kahit likod palang! Woo!

"Daddy!"

Tumakbo papalapit sa kanya at yumakap. Humarap siya sa akin at ngumiti kahit pa halata ang pagod sa mga mata niya.

"Oh, hello my princess." sabi niya sabay halik sa noo ko. "Pasalubong ko?" I asked sabay pout."It's inside your room waiting for you. The other one is inside that big box over there," sabi ni dad sabay turo sa malaking box sa may gilid ng stairs.

Tumakbo ako papunta dun sa box at naghalungkat.

"Chocolates, candies, gummies! You really know my favorites dadehh! Love you! You're the best dad! Thank you!" sabi ko at muli siyang niyakap.

"Sali naman!" sabi ni mom na galing sa kitchen. Medyo mapula ata mata niya ahh. Nag attempt na naman siguro magluto haha. So yeah, di marunong magluto mommy ko. Nagyakapan nga kaming tatlo and I wished at that moment that time would stop.

"Love you mom and dad."

Someone's POV

"Nacontact niyo na ba sila? Sabik na sabik na akong mayakap siyang muli," sabi ko.

"Opo sir. Magkita raw kayo sa Sabado," sabi ng aking P.A.

"Sana bumalik na ang aking kakambal. Miss ko na siya. Siguro ngayon ay malaki na siya at totoong maganda," sabi ng aking anak. Malapit na tayong magkatagpong muli. Babawiin na kita sa kanila anak ko. Kung hindi lang dahil sa ating mga kalaban ay hindi ako mapipilitang ikaw ay palayuin.

Sana kilala mo pa rin ako anak ko. My little princess.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now