Chapter 32

6K 140 10
                                    

Travis' POV

"Travis?"

Si Matt nasa kwarto ko nga pala ngayon at kumakain ng chocolate.

"Huh?" Sabi ko at bumalik sa realidad. Hanggang ngayon kasi hindi ako mapakali ehh.

"Uy, nakakapag-alala ka na ha. Kahapon pa yan nung pageant eh." Sabi ni Linnea.

"Ah, wala 'to! Hehe." Sabi ko at tumawa ng peke. Tumango-tango lang sila at nagpatuloy sa ginagawa nila. "Mamaya na yung celebration mo Linny!" Sabi ni Matt.

"Ayy oo nga. Pero simpleng salu-salo lang naman diba?" Sabi niya at napakainosente ang mukha.

"Anong simple ka dyan?! Bonggang-bongga kaya ang gagawin namin!" Pasigaw na sabi ni Jeff na kakapasok lang galing sa labas. "Aish! Bakit ba nandito kayo sa kwarto ko?!" Sigaw ko. Kasi naman hindi na nga ako makapag-isip ng maayos ang ingay pa nila.

"Ang HB ni boss! Sayo 'to? Sayo 'to?" Sabi ni Matt. Anak ng!

"Oo room KO 'to kaya pwede bang lumayas kayo!!" Sigaw ko at pinagdiinan yung KO.

"Psh. Bakit binili mo ba? Binili?!" Pasigaw ulit na sabi ni Matt at yung ugat niya sa leeg kita na. Effort naman nito!

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga di ko binili. "O ano ka ngayon!" Pang-asar pa ni Matt. Loko 'to! Uupakan ko na 'to! Pigilan niyo kaya ako. Tss.

"Aishh!! Bahala na nga kayo!" Sigaw ko dahil sa inis at napasabunot ng buhok. Lumabas ako ng pinto at isinara ng padabog ang pinto.


Hala napalakas nga ata yung pagsara ko ng pinto. Masira pa yun. Nevermind lampake dun! Edi palitan ko! Narinig ko pa ang pagsigaw ni Matt mula sa loob.


"Sisirain mo ba yung pinto ha!?"


Napailing ako at dumiretso na lang sa may terrace. May duyan doon at umupo ako. Nilanghap ko ang sariwang hangin. Hapon ngayon at hindi gaano kainit kaya okay dito.

Kanina ko pa iniisip yung nangyari kahapon ehh. Yung tungkol doon sa pageant na kung saan nanalo si Linnea.


Nandito na kami sa loob ng hall at nakaupo kami sa gitnang part. Dun kasi talaga makikita ng mas maganda yung lahat eh. Nagsimula na ang program at nakatutok ako sa mga candidates. Syempre magaganda noh!

Nagsilabasan na sila isa-isa pero hindi ko pinansin dahil hindi komaintindihan yung nararamdaman ko. Parang may hinahanap ang mga mata ko. Hinihintay lumabas ang isang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang bakla diba?

Nang lumabas na siya ay parang nag slowmo. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Natahimik saglit ang paligid ko pero maya- maya ay hiyawan na ang naririnig. Ang ganda niya ngayon. Ang simple at mukhang natural lang.

"Ang ganda mo pala Linnea!"
"I love you na!"
"Go Linnea!"

Oo tama kayo ng iniisip ngayon. Si Linnea ang babaeng nagpatibok ng puso kong bato. Ang bading ulit!! Hindi ko alam kung paano, bakit, at kailan ko siya nagustuhan eh. Alam nila na ang tipo ko ay sexy, maganda at malakas ang dating pero nagbago yun.

Hindi ko inaasahan na titibok ang puso ko para sa isang misteryosang nerd. Yung simple lang at hindi palaayos, maingay pala at makulit, at higit sa lahat matapang at ngumingiti kahit nasasaktan.

So back to the pageant. May hawak ng banner sina Jeff na nasa tabi ko lang at todo cheer. Alam kong silang tatlo ay may gusto kay Linnea. Madali lang talagang magkagusto sa kanya. Halata ko na matagal na. Gusto nila siya kaya ayaw ko sana magkaaway-away dahil dun. Kaya ako, tinatago ko yung feelings ko.

The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon