Chapter 28

6.1K 146 3
                                    

Ang sakit naman ng puson ko! Bakit kaya? Oh my! Baka may dalaw ako! Hala! Dali- dali akong pumunta sa banyo. Patay! Meron nga! Ubos na pad ko. Humiga ako ulit sa kama. Ganito talaga ako pag meron.

May kumatok sa pinto pero hindi ko kayang pagbuksan. Masakit puson ko. May pumasok."Nea. Uyy sorry kanina." Sabi ni Travis at pinaharap ako sa kanya. "Aray ang sakit," sabi ko.


"Anong nangyayari sayo?" He asked worriedly. "Masakit lang kasi." I answered. "Ang alin?!" Again with full concern. "Yung ano kasi ehh..paano ko sasabihin? Girl thing kaya yun." Pabulong kong sabi.

"What?" He asked.

"Girl thing. Uhm, red flag," sabi ko sa kanya. "Meron ka?" Tanong niya.

"Hala! Nakakahiya talaga. Sorry." Sabi ko.

"No it's fine. Remember na nagkaroon ako dati ng kapatid na babae." He said and smiled.


Hayy buti naman. Nakakahiya sobra. "Nagpalit ka na ba?" Sabi niya. "Uhm, yun nga yung problema ko eh ubos na yung pad ko. Hehe." Sabi ko.


"Hay naku talaga Nea." Sabi niya at umiling. "Tatawagan ko na lang si manang." Sabi ko at kinuha ang phone ko. I dialed ate Josie's number.


"Hello ate. Pwede pong favor? Busy ka po ba?" I asked.


(Uhm, Chloe busy kasi ako ngayon. Nilalagnat ang anak ko. Pero subukan ko.)


"Ahh sige okay lang po ate wag na kayong mag- abala. Alagaan niyo na po anak niyo. Pagaling po siya. Bye." Sabi ko at ngumiti.


"O, ano daw? Hindi payag?" Tanong ni Travis. Umiling na lang ako." Nilalagnat yung anak niya ngayon kaya hindi siya pwede. Hays. Siguro ako na lang bibili. Di naman siguro tatagusan." Sabi ko at tumayo.


"Uhm, Nea may flag na ng Japan sa bed sheet mo." Sabi ni Travis. "Oh men! Nananadya! Kakasabi ko pa lang eh! Aishh!" Pumadyak padyak pa ako.

"Halika na, maligo ka na lang. Aayusin ko muna ang ipapaligo mo dun. Kuha ka ng damit mo." Sabi niya at pumasok na sa banyo.

Ang sweet niya sa akin. Hay. Tumayo ako at kumuha ng damit na pamalit. Girl thing pero natutulungan niya ako. Ideal boyfriend ahh. Hahaha. Lumabas na siya ng banyo at pinapasok na ako.


Naiinlove ako lalo dahil sa mga ginagawa niya sa akin.



Travis' POV

Kaya naman pala ganun siya. Meron na siyang dalaw. Oy! Wag madudumi isip niyo ha! Hindi ako bakla noh! Dahil lang talaga sa meron akong ate DATI. I don't even know where she is now.


Inihanda ko yung ipapaligo niya sa bathtub. Medyo maligamgam na tubig. Pagkalabas ko ng banyo ay pinapasok ko na siya. Alam kong mahirap yun sa babae pag meron.


Kumuha agad ako ng bagong bedsheet na pamalit dun sa may mantsa na. Hay. Gawain pa ba ng isang kaibigan lang ang mga ito? Hindi naman ako nagrereklamo kundi nagtataka lang.


Pagkatapos kong palitan ang bedsheet ng kama niya ay lumabas na ako ng kwarto niya. Napapaisip din talaga ako ehh. Kaibigan lang ba ang tingin ko sa kanya? O di kaya ay gusto ko na siya?


Someone's POV

Well, well, well magpakasaya na muna kayo ngayon. Pagbibigyan ko pa kayo. Pero maghihiganti ako sainyo. Ipinapangako ko na buhay din ang kapalit.

"Sean!" Sigaw ko sa aking messenger. Pumasok siya agad at nagbow sa akin. "Ipuslit mo itong sulat sa kwarto ng prinsesa nila." Sabi ko at ibinigay ang puting sobre na naglalaman ng aking sulat.


"Makakaasa po kayo." Sagot niya naman at lumabas na ng silid. Humanda kayo sa akin. Tama nga ang sabi nila, keep your friends close and your enemies closer.


"Wahahahaha!"

Natatawa ako sa katangahan nila! Hindi nila alam na ako ang kanilang kalaban! Masyado silang nagtitiwala sa akin!

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now